1

EVERY CLOUD HAS A SILVER LINING...

Isa ako sa mga taong nanisi kay PNoy, nagalit kay Mar at nairita kay Korina. Ilang araw din akong panay ang share ng kung anu-anong posts, blogs at pictures sa FB account ko. And until now, hindi ako nagsisisi sa ginawa ko. Let me just make it clear, hindi ako totally galit sa gobyerno. I get that we belong in third world, mabagal ang respond dahil sa kakulangan ng mga equipments at sa geographical chorva ng Pilipinas. Bukas ang isip ko na pagdating sa disaster chorva, olats talaga tayo. Ang ikinagagalit ko lang, sa gitna ng lahat ng ito ay nakuha pa ni PNoy na manisi ng local government. Sa gitna ng paghahanap ng mga biktima sa mga nawawala nilang kamag-anak, sa gitna ng pagkalugmok ng spirit nila at sa gitna ng paghahanap nila ng pagkain para mapawi ang gutom, nagkaroon pa ng oras si PNoy na manisi. Siya ang nauna. Sorry pero I still think that he deserves what he’s getting right now.

But after days of sharing and voicing out my opinion, humupa din ang galit ko. Feeling ko tinapik Niya ako para magising. Feeling ko siya mismo ang nagpahupa ng galit ko. And He did again earlier during the Sunday Mass and right after the communion. Ilang segundo din akong nakaluhod not knowing what to tell Him. Ayokong ulit-ulitin ang dasal ko noong mga nakaraang araw about helping Yolanda victims. Dahil obvious naman na dumating na ang mga tulong. And then suddenly, after a long seconds of silence, parang may bumulong na lang na – “Silver Lining.” Two words and I already know kung anong ikukwento ko sa kanya.

He’s just there. He never left us. And He loves us.

Alam ko na naman iyon noon pa. Nung sabihin nga ni Mayor Duterte iyong statement niya about God abandoning us, kahit iniidolo ko siya, hindi pa din ako sumang-ayon. Despite what happened to Yolanda victims, it never crossed my mind that He abandoned us. I want to think that He has his own plan and reason for doing this. Maybe I am just saying this dahil wala ako mismo sa lugar ng mga biktima. Na hindi ko nararamdaman ang trauma, gutom, takot at kawalan ng pag-asa na nararamdaman nila doon. I know that and please forgive me. But as of now, mas gugustuhin ko pang iyon ang isipin kaysa ipagpatuloy ang pagbatikos kay PNoy. Sinasabi ng iba na baka kaya nangyayari ito ay dahil malapit ng magunaw ang mundo, na baka malapit na siyang dumating. I would like to think otherwise. Mas gusto kung isipin na siguro kaya nangyayari ang lahat ng ito dahil gusto Niyang ipakita sa atin na sa kabila ng gyerang nangyayari ngayon, sa kabi-kabilang away ng iba’t ibang bansa at pagdami ng krimen, hindi pa rin nawawala ang pagiging tao natin. The goodness is still there. We just had to find it among ourselves. Siguro ay gusto niyang ibalik sa atin ang pag-asang hindi pa rin pala huli ang lahat. We can still make this world a better place (sabi nga ni Michael Jackson).  Na kapag lugmok na lugmok ka na, may mga tao (o bansa) ka pa ding maaasahan.

THERE IS STILL HOPE.

And I know pagkatapos ng lahat ng ito, tatayo tayong mas malakas, mas matibay at sana, kahit hindi man lahat, dumami pa iyong mga taong nagkakaisa at nagdadamayan. Sana kahit walang trahedya o sakuna, maipakita natin iyon sa iba. 
6

He's a BIG Boy Now...


WARNING: THIS ENTRY IS SOOO MELODRAMATIC. Some lines and paragraphs are not suitable for very insensitive readers. [Meaning, kung hindi ka makarelate at wala ka sa mood na sabayan ako sa drama ngayon, pwes, huwag mo ng ituloy ang pagbabasa!]

If you happened to read my Mother’s Day entry (a surprise little gift for my mother), I’m sure you already know that my brother and I lost our father when we were just a little kid and that my mother solely raised us since then. Bida si Mamang sa entry na yun kaya hindi ko masyadong naibida ang nag-iisang kapatid ko. I once had a blog entry about me and my brother sa multiply. Kaso hindi ko na mahanap ngayon. And so I am making this blog again for my little brother – J.

My brother and I are very opposite. Lalaki siya, babae ako (surely!); Malinis siya sa katawan, burara ako; Mabarkada ako, habang siya ay hindi masyado; Magaling siyang mag-ipon ng pera, bihasa naman ako sa paggasta ng kwarta; Tahimik siya, maingay naman ako; Masunurin siya, matigas naman ang ulo ko; Mahaba ang pasensiya niya, walang-wala ako niyan. Madaling uminit ang ulo ko, samantalang siya ay kalmadong-kalmado. Mahinhin siya habang ako ay tila laging nagmamadali. Mahilig siya sa mga bata at ako naman ay hindi. Simple lang ako. Pero kapag kasama ko siya, feeling ko ay ang sosyal-sosyal ko na. (Ganyan siya ka uber-simple!)

But despite all of that, mas marami ang mga bagay na pareho kami: Una, halos lahat ay nagsasabing magkamukhang-magkamukha kami. Like we were twins; We share the same last name (obvious naman siguro); Pareho kaming matangkad; Parehong computer-related ang kinuha naming course; We share the same hobbies. From teks (a card game) when we were kids to Ragnarok and Dota, he was my best playmate ever; Matalino ako (dati) pero mas matalino siya. Pareho kaming hindi vocal. We never had “I Love You” and “I Miss You” moments. (Maybe that’s the reason why I never say “I miss you” to my closest friends.) I remember dati nung na-assign siya ng Manila for four months, madalang pa sa patak ng ulan ang palitan namin ng text. It’s because we both know that we love each other and we will always have each other’s back no matter what happen. Hindi na kailangan ng mga salita. All we need is to show it. While I suck at showing love and affection, my brother was not. He was very good at it. Pano ko nasabi? Isa-isahin natin ang opposite traits naming dalawa.

1. Being the only guy in our family, parang automatic na inako ng kapatid ko ang pagiging isang padre de pamilya despite his very young age. Bata pa lang siya ay nakitaan na siya ni Mamang ko ng pagiging isang responsable. Feeling ko mabilis siyang nagmature because of that. Kaya siguro hindi siya kasing palabarkada tulad ko. Kaya siguro mas malinis siya at burara ako.

2. I remember when we were young, elementary days to be exact. Minsan ay nangungutang pa si Mamang kay J para lang may maipabaon siya sa amin. Dahil dati pa man, marunong ng magtipid si bro. Imagine, sa kabila ng kakapirangkot na baon namin noon, nakukuha pa ng kapatid ko na mag-ipon. Akalain mong naisip niya iyon at ako ay hindi? Haha.. Si J ang laging takbuhan ni Mamang kapag gipit kami. Hanggang ngayon ay ganun pa din ang scenario, actually. He would always be there every time we needed him. Hindi siya madamot. Hindi siya nagrereklamo sa kabila ng pagiging magastos ng kapatid niya (that’s me). Well, nagrereklamo siya minsan. Pinapagalitan ako but in the end, hindi niya pa din ako natitiis, nagbibigay pa din siya. Hihi...

3. And as I’ve said earlier, maingay ako, mainit ang ulo at maikli ang pasenya. I am a nagger. Madalas sa hindi, sa kanya ko nabubunton ang init ng ulo ko. But being the calm and quiet himself, hindi niya sinasalubong ang galit ko. Madalas ay sumusunod na lang siya sakin para lang matahimik lang ako. Pinapabayaan niya lang ang topak ko. Kaya feeling ko, kaya naging bihasa ito sa pagbasa ng topak ng babae dahil sa akin.

Bro, remember during our college days and we had a fight? Can't remember na exactly kung sino ang may kasalanan nun. Pero malamang ako. Hindi tayo nagpansinan buong gabi. We went to school the next day na hindi magkasabay. And then hindi rin ako nakatiis, tinext din kita eventually (noon break) at nag-sorry. At alam mo bang muntik na kong mapaluha sa reply mo? It was the text na hindi ko nakalimutan ever. Sabi mo,

“Sorry din. Sorry if I’m not the brother you wish you could have. Sorry if I’m not the best.”

Diyan ka nagkakamali, bro. Lahat ng tinext mo mali. Because truth is, you’re the best brother that everyone could ever ask for. And I don’t know what I did right to deserve you. You had been a good brother and a good son. And I know that you’ll be a great husband and father as well. No doubt about that. You sacrificed a lot for us and we (I and Mamang) just want to see you happy. Masyado kang mabait kaya deserve mo ang isang family na tulad ng sa atin (siyempre! Ipagyayabang ko talaga). A supportive and loving wife who will accept not just you but your family (kasama na ang extended family) as well. And of course, future sons/daughters na kasing ugali natin (he-he…). Huwag mo kalimutan lahat ng sinabi/payo ko ha? Huwag na huwag! Hindi ko na pahahabain ang madramang blog na ito dahil baka hindi na kayanin ng mata ko.

Congrats on your new life bro. You will always be my little brother no matter what. And yeah, you know… ILY and IMU.

Love,
Ate Inday

PS: Pakideposit na lang ng Php500,000.00 sa bank account ko. Kabayaran mo dahil inunahan mo akong maikasal. ;)
2

To-Blog List

Kung nakikita niyo ang "Eksena ni MB" sa right portion ng blog na ito at napansin niyo ang malaking gap ng months. As in super malaking gap! Like 5 months! Tapos ang January ko ay uber emote pa diba? Siyempre, alangan namang walang nangyari sakin sa limang buwan na yan. Of course meron! Tamaditis lang si atashi na magblog. So eneweiz, maraming nangyari sa limang buwan na pagkakawala ko. As in super dami. Sa sobrang dami ay hindi ko na maalala ang iba at dalawa lang ang nag-retain sa utak ko. At least, more than one pa din diba? Still in plural form. Ergo, madami na siyang matatawag. LOL.

So eto na ang mga dapat kong isusulat. Pwede niyong abangan, pwede din namang hindi.

1. Family Trip at Baguio (Mom's Birthday Celebration)
2. Sagada Adventure with Superfriends

Mga gala ang mga iyan so malamang I will talk about my day-to-day trip and travel expenses. Speaking of travel expenses. Hindi ko pa pala naba-blog yung travel expenses ko sa HK-Macau na pinangako ko. Susko naman po! It's sooooooo late na! Ipopost ko pa ba yun? Huwag na lang siguro. :-P Pagdagdag pa yun sa isusulat ko eh.

See how acute my tamaditis is? Now you know why I only have 11 published books for the past three years.
7

Prayers and Answers

Dati, naririnig ko sa iba at sa mga pari yung sinasabi nilang "God answers your prayer right away. You just have to wait for it.” Tapos may sinasabi pa ang mga pari na, “Hindi ka kasi naghintay at nakinig kaya hindi mo alam kung anong sinagot ni God.” And honestly, hindi ko alam kung papano iyon nangyayari. Papano ka ba maghihintay? Papano kung isang oras na pala ang lumipas pagkatapos mong magpray and yet hindi ka pa rin sinasagot? In short, paasa si Lord. Ako kasi kapag nagpi-pray, pray lang with matching luhod o upo. After that tapos na. Minsan ini-embrace ko ang silence after I prayed. Pero ni minsan never kong naranasan na sumagot si Lord. Or maybe He did, hindi lang ako nakinig.

Not until now.

Today was the 6th novena mass for Sto. Nino. First time kong magsimba during Sinulog time and first time kong mag-attempt na kumpletuhin ang Novena. Obviously, hindi ako kasing religious ng bestfriend ko. At first, ginusto kong kumpletuhin ang novena mass just for… ewan! Wala akong definite reason. Basta lang ako sumunod sa agos ng trip ng mga officemates ko. And then I finally had the reason and the urge to complete the novena. I want to ask a favor. Not for myself but for my brother. See, I always think of him as my little brother until now. Sabi niya nga kanina sa palitan namin ng PM kanina, “Parang ako pa yata ang babae sa lagay na ‘to. Hehe…” Okay na naman kasi daw ang parents ni girl. Si Mamang pa lang yata ang hindi pa natatanggap na ang bunso at nag-iisang lalaki sa pamilya naming ay magpapakasal na. Well… siguro medyo ako. Can you blame me, bro? Mas mahinhin ka sakin. Tahimik ka. At sa sobrang bait mo at sa sobrang inlababo mo kay M, ewan ko na lang! Basta alam mo na ang fear ko for you!
Earlier today, [during the mass] I ask God:
“Will my brother’s marriage be okay? Will he be okay? Dapat ba kaming magworry ni Mamang?”
Iyon ang paulit-ulit na tinatanong ko kanina? Hanggang sa napagod na ako at nanahimik na lang. Wala na akong ibang inisip. Wala akong ibang pinagdasal, wala akong ibang hiniling. Iyon lang. Then all of a sudden parang biglang may bumulong sakin. Suddenly ang empty mind ko ay biglang nagkalaman, carefully and slowly. Alam niyo kung anong inilagay sa utak ko? This:
“He is my son. You said it yourself, he had been a good son/brother and he deserves to be happy. And if ever na magkaproblema sa married life niya, sa tingin mo ba ay pababayaan ko siya? Hindi niyo ba siya dadamayan kung saka-sakali?”
Ilang minuto din yata akong nablangko. Hanggang unti-unti ay gumaan ang kanina lang ay mabigat na pakiramdam ko. Narealize ko ang isang bagay – nakalimot ako. Sinarili ko ang problema ko. (If you call it a problem rather than a “drama moment.”) I forgot to surrender everything to Him. I forgot to trust Him. And most of all, I forgot to trust my brother.

And for that, I’m sorry...

I should have know better. Our family survived everything because of You and look at us now? :) Kahit hindi sinabi ni Mamang o ng kahit na sino, inako ng kapatid ko ang naiwang role ng Papang ko. Ni minsan ay hindi siya nagreklamo. And surprisingly, he was very good at being the "man" in our family.

Hay naku! Bakit ba pati sa emo moments ay umaandar ang pagiging makakalimutin ko?
10

Unexpected Moments

Kumusta mga kaeksenadora? Susko! March pa ang huling entry ko! Kumusta naman diba? Kinatamaran na ang pagbablog! Sabi nung isa kong friend na nanggaya lang din daw ng blog ko, wala na daw kwenta ang aking site! Eh kasi naman, waley na kong machika. Am a praybeyt persen [person] yah know! Charlot! Artista lang ang peg! Haha…

So eneweiz, bilang respeto sa friend kong naghahanap ng bagong entry dito, kaya eto, new entry ulet! Napipilitan lang akez yah know! Hahaha… Charaught lang! Seryoso mga ateng, magpapasalamat lang akez sa mga readers na sa kabila ng lulubog-lilitaw na status ko sa writing world ay mahal pa din ako ng bonggels! O dali, prepare your handkerchief na! Hindi yan para sa luha, gaga. (Ahay! Sorry for the word!) Wit mo na asahan na pang-MMK itechiwa. Wala lang. Trip ko lang na pakuhanin ka ng panyo. Hihi…

Aamin na si atashi. Isa akong malaking autistic at bipolar. (Oo! Hinakot ko na lahat!) May mga moments in layp kung saan dinadalaw ako ni insecurity at jealousy. Memoryado ko na ang visiting hours niyan. Tuwing may bagong release ang mga writers na pamilyar na sakin o kapag may bagong series ang kasabayan kong writers. Jealousy ang tawag sa unang dalawang rason ko. Sa mga panahong iyan ko narerealize na hindi lang ako fanatic ni Juan Tamad, isa yata ako sa mga long lost granddaughter niya! Dumadalaw din si insecurity sa tuwing feeling ko ay walang nagbabasa ng libro ko; Or most of the time, trip niya lang talagang dalawin ako for no reason at all. Daig niya pang ang BFF ko. Basta na lang pumapasok ng bahay ng walang paalam. Oh well, sadyang ganyan talaga si insecurity, isang malaking epal sa buhay ko at waley na kong magagawa doon.

Pero sadya ding may mga pipolets na hindi mo inaasahang darating sa buhay mo na magpaparamdam sayo kung gaano tayo kaespesyal. Iyong tipong wala kang kamuwang-muwang, binago mo na pala ang buhay nila. Ansabeehh!! Exagg lang ang drama! Haha… Hanggang espesyal lang tayo mga bakla. Wit na iyong “changing lives.” Di naman tayo si PLDT na may tagline pang ganun. So eneweiz, sa hinaba-haba ng intro ko (partida, tatlong paragraph!), ang point ko lang naman ay magtethank you lang ako sa mga piling readers na naging parte na ng buhay ko at eventually ay kaibigan na ang tingin ko at hindi na isang reader lang. Witchikels ko knowings kung anong pambobola ang ginawa ng mga ito at nagtagumpay silang bilugin ang utak ko. Kasi hindi naman ako talaga masyadong tumatagal sa isang conversation. Madalas sa hindi, iniiwan ko na lang basta mga kausap ko. Kinatatamaran ko ang pagreply. Hindi ko ikakamatay na hindi magtext sa isang araw. Baka nga matagalan ko pang walang katext sa isang buwan! Swear! Wiz kita binobola! Kahit iverify niyo pa yan sa numero unong reklamador sa pagiging tamad kong magtext – ang mudra ko! Pero may mga pagkakataon naman na feel na feel kong sumagot at makipag-interact. Malamang natiyempuhan akong kausapin ng mga ito nang mga panahong unstable ang utak ko kaya swak agad. Kaya heto na pipolets, ang mga magaling sa pambobola! :)

1. Jhoy Balboa and TGVamps. Tandang-tanda ko pa ang unang pag-uusap namin ni Jhoy. Bakit ko kamo tanda? Dahil nang minsang naglinis ako ng inbox, nakita ko ang conversation namin. At ang lakas ng tawa ko habang binabalikan iyon dahil masyado kaming pormal mag-usap! Sinong mag-aakala na may tinatago pala kaming sungay at nakamaskara lang pala kami that time? Matipid si Jhoy sa mga bola niya. Puro “maganda” at “sulat ka pa” lang sinabi niya. Hmp! Di man lang nabusog ang ego ko! Tse! Hehehe… Siya ang pinakaunang Manila reader na kinatagpo ko. Siya ang pinakaunang reader kung saan naging komportable ako. At siya ang unang reader na nagbigay sakin ng napakasarap na cake! (Jhoy! Namimiss ko na cake mo! :D) Doon ko nakilala ang iba pa niyang kaibigan – ang PPG. Sina Frecy, Armie, Marga at Toni. Masaya silang kasama. Tawa lang kami ng tawa. Mga baliw lang tulad ko. Hindi ko reader ang mga lecheng yan. Ha-ha.. Leche talaga? Mga isa o dalawang libro ko lang ata ang meron sila. But they were honest enough and iyon ang naappreciate ko ng sobra. Hindi sila nagsinungaling. Wala iyong mga bola na gustong-gusto mong dugtungan ng “weh?!” Wala ang mga exaggeration na feeling mo pati patay ay babangon para lang sapakin ka. Ha-ha… Yes, you don’t have to be an avid reader of mine o follower para lang maging kaibigan ko. Just be honest and be yourself. Iyon ang mas hinihingi ko. Mas iyon ang naaappreciate ko. At iyon ang dahilan kung bakit ko sila naging kaibigan hanggang ngayon.

2. Rex Basical. A true-blooded bading. Yata? Ha-ha… Ewan! Naguluhan ako nang sabihin niyang gumawa ako ng Hot Intruder at siya daw ang hero! Susko! Ha-ha… Naalala ko ang unang message sakin ni Rex. Isang umaatikabong sorry dahil daw never pa siyang nakabasa ng libro ko. At naappreciate ko yun. Nakonsensya yata ang bakla nang sumunod na linggo ay bumili ng libro ko. Nagustuhan niya daw. So binili at hinanap niya pa iyong iba. Akala ko magugustuhan niya lahat. Hindi pala! Kaloka ka Rex! May ibang libro na hindi niya gaanong gusto! Ha-ha… Prangka ito. Iyong tipo ng prangka na kung seseryosohin mo ay iinit ang dugo mo. Buti na lang at half-blood bading din ako kaya nagagantihan ko ang mga panonopla niya minsan. But he is my friend. At tanggap ko na ganun siya. Ang dami niya ng nagawa for me sa totoo lang. Minsan nga ako na ang nahihiya.

3. Cebuano readers (Ivy, Nerie, Celine, Johanna). Hindi ko na tanda kung papano ko naging kaibigan ang unang tatlo. Halu-halo ata. Through multiply, FB, other writers. Ewan! At ang mga ito, bumibili ng libro ko pero never namang nagbigay ng reaksyon tungkol sa libro ko! Ni hindi ko alam kung binabasa nila o tinatambak lang! Ha-ha… But nevertheless, I love them. Actually, kung iisipin ko, iyon nga yata ang rason kung bakit ko sila mahal. He-he... Kapag kasama ko sila, nakakalimutan kong ako pala si Maan Beltran. With them, I'm just plain "H." And I love every moment na kasama ko sila. Kahit pa madalas ay nauubos ang energy ko kapag sabay na nagpapakita sakin sina Ivy, Celine at Nerie! At sila iyong tipo ng taong hindi ko trip pirmahan ang books dahil di na naman kailangan! :) And then there's Johanna, na nakilala ko trough SMP. Mahiyain ang batang itech! At tulad ni Jhoy matipid siya sa pambobola! Hindi nabusog ang ego ko! Ha-ha... Pero mahal ko ang batang ito. And of the reasons why napasama ka sa number 3 ko. :)

4. Angeli. Wag ng bigyan ng last name at baka mapatay nya ako. Ha-ha... Kung bakit? Well, continue reading mga ateng! Tulad ng number 3, hindi ko alam kung papano nagsimula ang friendship namin. Basta nagising na lang ako isang araw na natatandaan na ng utak ko ang twitter name niya. Na isa siya sa mga follower ko na gustung-gusto kong kausap. Siya ang pinakaunang tao na tumawag sakin ng “idol.” At hanggang ngayon ay hindi ko alam kung bakit. Binibili niya yata halos lahat ng libro ko. Makwento siya. Or should I say, matanong ako? Ha-ha... At sa totoo lang, mas iniidolo ko siya sa sobrang lakas ng loob niya. Na sa kabila ng nangyari sa buhay at pamilya niya ay hindi siya sumuko. At kung titingnan ang personality niya, hindi obvious na marami na pala silang napagdaanan. Eneweiz, sige inaamin ko na. Ako ang matanong pagdating sa kanya. Hihi.. At sa dami ng tanong ko, doon ko nalaman ang tungkol sa impending love story niya. Masyado akong kinilig kaya kinulit ko siya ng kinulit na ikwento sakin ang buong storya. And one day isang araw, nauwi sa isang novel ang kwentong iyon. Novel na may pinamagatang “The Right Mr. G.” Oh yes! Hahaha… Bukingan na ng pangalan! Wala naman itong apilyedo eh kaya safe ka pa! :D

And last but not the least, ang rason kung bakit may ganito akong entry. Ang friend ko na nagreklamo dahil wala na daw kwenta ang blog ko at wala na siyang mabasang bago. Ang rason kung bakit hindi man lang ako makaramdam ng insecurities these past few weeks kahit pa wala na akong pondo sa PHR at maging sa MSV. Ang dahilan kung bakit kahit nagkalat na ang bad vibes sa facebook ay hindi man lang ako apektado. Kung bakit sa kabila ang katamaran kong magsulat ay parang ang saya-saya ko pa din. Ang taong nagparealize sakin na kahit hindi man umabot sa isanlibo ang avid readers ko (baka nga hindi pa umabot sa 500 eh!), okay lang dahil andyan naman siya. Dahil para sa akin katumbas niya na ang 500 readers. Walang halong echos yan, ateng! Maniwala ka! Utang na loob! Actually, wala kang choice kundi ang maniwala dahil sinasaksak ko na ito sa baga mo. Ha-ha… Walang iba kundi si… drum roll please! ilatag ang red carpet! …  
5. Psyche! Psyche… okay fine, pagbigyan natin ang pantasya niya… Psyche Nadal (daw)! He-he…

Gusto ko lang sagutin ang mga sinabi mo sa blog mo. Ang pesteng blog mo na ilang minutong nagpablangko sa utak ko. Limitado lang ang capacity nito ateng kaya hindi kinaya ang lahat ng nabasa! Ayan tuloy, nagcrash! May goosebumps pang after effect! Lech! I don’t know if I’m worth it! I’m not even sure if I deserve all of these. Charlot! Best actress lang ang peg! Pero seryoso ateng, hindi mo alam kung gaano ako nawindang sa blog mo. It took me five minutes para ireboot ulit ang utak ko. And yes, gaya ng paniniwala mo, feeling ko meant to be talaga ang pakakadiskubre mo sa book ko! Iqu-quote ko lang ang sinabi mo. Hindi ko na ibibuking ang blogsite mo at baka sigawan mo na naman ako. Hahaha:
Mas gusto kong isipin na serendipity iyon. That we were brought together and we were meant to be! Hahahaha. Lalaki lang?!
I agree. Parang magjowa lang talaga ang tunog! Ha-ha… Sa dinami-dami ng writers ng PHR, mga writers na mas madaming libro kesa sakin, eh bakit iyong libro ko pa ang napulot mo (literal po na pulot sa sahig just in case gusto niyo lang naman pong malaman.)? Gusto ko lang pong ishare ang iba pa niyang sinabi at kung bakit nasabi kong katumbas na siya ng 500 readers ng iba.
Una kong binasa yung The unscripted love. Yun ata latest nung time na yon. Natuwa ako! In fairness! Pinasaya ako ng librong yun. Promise! Sobrang depressed ako ng mga panahong iyon. Kaya naman to find such a joy in reading a tagalog book was a good change for me. I felt connected to Mavie (mali yata ang name, shiiiit!), yung heroine sa book. Sasabihin siguro ng mga taong nakakaalam ng mga pangyayari sa buhay ko, this is an exaggeration. Pero hindi po! Mavie... or Mavic was my saving grace! I owe her my life. Hahaha. For the first time in a loooooong time, I actually laughed. I wish I can explain it further pero... Huwag na. I'm only thankful I accidentally bought those books!
Oh, kailangan ko pa bang sabihin? Binasa ko rin yung 2 pa! Hahaha. Consistent po yung writer. Kaya namangha ako. Siguro isa lamang siya sa daang-daang manunulat ng PHR at nagkataon lang na kanya yung napulot kong book. BUT, sorry! Ang galing niya! Sinave nga ako ng libro niya bago tuluyang mabaliw 'di ba? Hahahaha. Then I remembered Meann's KS collection years before. (Refer to Part 1 kung di niyo knows si Meann! Haha) Ang layo sa writing tech niya kay MC (siya lang mapagkukumparahan ko).Pero ito sasabihin ko, it was nooooot less than that of MC's. Magkaiba sila. But in a very good way. And i feel guilty, comparing the two! Feeling ko unfair. >.< No comparisons folks! Gusto niyo ng mala-teleserye? Buy MC's. Pero kung feel-good romance gusto niyo, aaah definitely check out MB's!
Ms. Maan, nung sinabi kong idolo kita malamang hindi ka naniwala. Dahil malamang araw-araw maraming nagsasabi sa'yo niyan. Hahahaha. But in my case, iba 'to nooooh! Ako'y super grateful! Dahil kung tiniyagaan mong basahin ang ubod ng habang blog na 'to. Malalaman mong pinasaya ako ni Mavic ('di ko alam kung tama) at Sabel, sa mga panahong wala akong ibang ginawa kundi magkulong sa kwarto at umiyak. So, thank you! Salamat at friend na rin kita kahit 'di pa tayo nagkikita. Hihi. Magpatuloy sana ang pagsulat mo ng mga baklang babae! Hahahahaha. Dahil hindi mo alam ang mga babaeng baklang iyon ay may nailigtas na isang pariwarang babaeng bakla rin. Hahahaha. Chos.
Nang magdesisyon akong seryosohin ang pagsusulat ng novel (weh? Seryoso ka na sa lagay na ito?!), kahit pa mangangahulugan iyong gabi-gabing puyat at ilang beses na tardiness sa full time job ko, hindi ko inaasahan na may matutulungan akong ibang tao. I mean of course, aasahan mo na may matutuwa. Rom-com nga ang sinusulat ko diba? Heller?! Pero never ko namang inexpect na ganun! Bolero ka lang yata talaga Psyche! Ha-ha… At gusto lang kitang icorrect, hindi araw-araw na may nagsasabi saking “idol” nila ako. Ang naririnig ko lang araw-araw ay “maganda ka Maan.” Naririndi na nga ako eh. Ha-ha.. Charaught! Pero seryoso, maraming salamat! Hindi na ko magpapakadrama. Sapat na iyong mga sinabi ko at ang blog na ito para malaman mo kung gaano tumagos sa bone marrow ko ang pesteng blog mo. :)

Sila ang mga taong dumagdag sa listahan ng mga kaibigan ko. Mga taong wit ko naman in-expect na darating sa layp ko nang ipinanganak si Maan Beltran pero dumating. Sila lang, sapat na para ipagpatuloy ko ang buhay ni Maan Beltran. Hindi na ko mangangarap na sumunod sa yapak ni Martha Cecilia. Ang tayog lang nun teh! Hindi ko abot! Tama ng hanggang first letter ng pen name ay pareho kami. hihihi... Kaya sa mga taong nabanggit ko, from the bottom of my heart, maraming salamat. :)
 
Copyright © EKSENADORANG MANUNULAT