Showing posts with label MMK moment. Show all posts
Showing posts with label MMK moment. Show all posts
6

He's a BIG Boy Now...


WARNING: THIS ENTRY IS SOOO MELODRAMATIC. Some lines and paragraphs are not suitable for very insensitive readers. [Meaning, kung hindi ka makarelate at wala ka sa mood na sabayan ako sa drama ngayon, pwes, huwag mo ng ituloy ang pagbabasa!]

If you happened to read my Mother’s Day entry (a surprise little gift for my mother), I’m sure you already know that my brother and I lost our father when we were just a little kid and that my mother solely raised us since then. Bida si Mamang sa entry na yun kaya hindi ko masyadong naibida ang nag-iisang kapatid ko. I once had a blog entry about me and my brother sa multiply. Kaso hindi ko na mahanap ngayon. And so I am making this blog again for my little brother – J.

My brother and I are very opposite. Lalaki siya, babae ako (surely!); Malinis siya sa katawan, burara ako; Mabarkada ako, habang siya ay hindi masyado; Magaling siyang mag-ipon ng pera, bihasa naman ako sa paggasta ng kwarta; Tahimik siya, maingay naman ako; Masunurin siya, matigas naman ang ulo ko; Mahaba ang pasensiya niya, walang-wala ako niyan. Madaling uminit ang ulo ko, samantalang siya ay kalmadong-kalmado. Mahinhin siya habang ako ay tila laging nagmamadali. Mahilig siya sa mga bata at ako naman ay hindi. Simple lang ako. Pero kapag kasama ko siya, feeling ko ay ang sosyal-sosyal ko na. (Ganyan siya ka uber-simple!)

But despite all of that, mas marami ang mga bagay na pareho kami: Una, halos lahat ay nagsasabing magkamukhang-magkamukha kami. Like we were twins; We share the same last name (obvious naman siguro); Pareho kaming matangkad; Parehong computer-related ang kinuha naming course; We share the same hobbies. From teks (a card game) when we were kids to Ragnarok and Dota, he was my best playmate ever; Matalino ako (dati) pero mas matalino siya. Pareho kaming hindi vocal. We never had “I Love You” and “I Miss You” moments. (Maybe that’s the reason why I never say “I miss you” to my closest friends.) I remember dati nung na-assign siya ng Manila for four months, madalang pa sa patak ng ulan ang palitan namin ng text. It’s because we both know that we love each other and we will always have each other’s back no matter what happen. Hindi na kailangan ng mga salita. All we need is to show it. While I suck at showing love and affection, my brother was not. He was very good at it. Pano ko nasabi? Isa-isahin natin ang opposite traits naming dalawa.

1. Being the only guy in our family, parang automatic na inako ng kapatid ko ang pagiging isang padre de pamilya despite his very young age. Bata pa lang siya ay nakitaan na siya ni Mamang ko ng pagiging isang responsable. Feeling ko mabilis siyang nagmature because of that. Kaya siguro hindi siya kasing palabarkada tulad ko. Kaya siguro mas malinis siya at burara ako.

2. I remember when we were young, elementary days to be exact. Minsan ay nangungutang pa si Mamang kay J para lang may maipabaon siya sa amin. Dahil dati pa man, marunong ng magtipid si bro. Imagine, sa kabila ng kakapirangkot na baon namin noon, nakukuha pa ng kapatid ko na mag-ipon. Akalain mong naisip niya iyon at ako ay hindi? Haha.. Si J ang laging takbuhan ni Mamang kapag gipit kami. Hanggang ngayon ay ganun pa din ang scenario, actually. He would always be there every time we needed him. Hindi siya madamot. Hindi siya nagrereklamo sa kabila ng pagiging magastos ng kapatid niya (that’s me). Well, nagrereklamo siya minsan. Pinapagalitan ako but in the end, hindi niya pa din ako natitiis, nagbibigay pa din siya. Hihi...

3. And as I’ve said earlier, maingay ako, mainit ang ulo at maikli ang pasenya. I am a nagger. Madalas sa hindi, sa kanya ko nabubunton ang init ng ulo ko. But being the calm and quiet himself, hindi niya sinasalubong ang galit ko. Madalas ay sumusunod na lang siya sakin para lang matahimik lang ako. Pinapabayaan niya lang ang topak ko. Kaya feeling ko, kaya naging bihasa ito sa pagbasa ng topak ng babae dahil sa akin.

Bro, remember during our college days and we had a fight? Can't remember na exactly kung sino ang may kasalanan nun. Pero malamang ako. Hindi tayo nagpansinan buong gabi. We went to school the next day na hindi magkasabay. And then hindi rin ako nakatiis, tinext din kita eventually (noon break) at nag-sorry. At alam mo bang muntik na kong mapaluha sa reply mo? It was the text na hindi ko nakalimutan ever. Sabi mo,

“Sorry din. Sorry if I’m not the brother you wish you could have. Sorry if I’m not the best.”

Diyan ka nagkakamali, bro. Lahat ng tinext mo mali. Because truth is, you’re the best brother that everyone could ever ask for. And I don’t know what I did right to deserve you. You had been a good brother and a good son. And I know that you’ll be a great husband and father as well. No doubt about that. You sacrificed a lot for us and we (I and Mamang) just want to see you happy. Masyado kang mabait kaya deserve mo ang isang family na tulad ng sa atin (siyempre! Ipagyayabang ko talaga). A supportive and loving wife who will accept not just you but your family (kasama na ang extended family) as well. And of course, future sons/daughters na kasing ugali natin (he-he…). Huwag mo kalimutan lahat ng sinabi/payo ko ha? Huwag na huwag! Hindi ko na pahahabain ang madramang blog na ito dahil baka hindi na kayanin ng mata ko.

Congrats on your new life bro. You will always be my little brother no matter what. And yeah, you know… ILY and IMU.

Love,
Ate Inday

PS: Pakideposit na lang ng Php500,000.00 sa bank account ko. Kabayaran mo dahil inunahan mo akong maikasal. ;)
7

Prayers and Answers

Dati, naririnig ko sa iba at sa mga pari yung sinasabi nilang "God answers your prayer right away. You just have to wait for it.” Tapos may sinasabi pa ang mga pari na, “Hindi ka kasi naghintay at nakinig kaya hindi mo alam kung anong sinagot ni God.” And honestly, hindi ko alam kung papano iyon nangyayari. Papano ka ba maghihintay? Papano kung isang oras na pala ang lumipas pagkatapos mong magpray and yet hindi ka pa rin sinasagot? In short, paasa si Lord. Ako kasi kapag nagpi-pray, pray lang with matching luhod o upo. After that tapos na. Minsan ini-embrace ko ang silence after I prayed. Pero ni minsan never kong naranasan na sumagot si Lord. Or maybe He did, hindi lang ako nakinig.

Not until now.

Today was the 6th novena mass for Sto. Nino. First time kong magsimba during Sinulog time and first time kong mag-attempt na kumpletuhin ang Novena. Obviously, hindi ako kasing religious ng bestfriend ko. At first, ginusto kong kumpletuhin ang novena mass just for… ewan! Wala akong definite reason. Basta lang ako sumunod sa agos ng trip ng mga officemates ko. And then I finally had the reason and the urge to complete the novena. I want to ask a favor. Not for myself but for my brother. See, I always think of him as my little brother until now. Sabi niya nga kanina sa palitan namin ng PM kanina, “Parang ako pa yata ang babae sa lagay na ‘to. Hehe…” Okay na naman kasi daw ang parents ni girl. Si Mamang pa lang yata ang hindi pa natatanggap na ang bunso at nag-iisang lalaki sa pamilya naming ay magpapakasal na. Well… siguro medyo ako. Can you blame me, bro? Mas mahinhin ka sakin. Tahimik ka. At sa sobrang bait mo at sa sobrang inlababo mo kay M, ewan ko na lang! Basta alam mo na ang fear ko for you!
Earlier today, [during the mass] I ask God:
“Will my brother’s marriage be okay? Will he be okay? Dapat ba kaming magworry ni Mamang?”
Iyon ang paulit-ulit na tinatanong ko kanina? Hanggang sa napagod na ako at nanahimik na lang. Wala na akong ibang inisip. Wala akong ibang pinagdasal, wala akong ibang hiniling. Iyon lang. Then all of a sudden parang biglang may bumulong sakin. Suddenly ang empty mind ko ay biglang nagkalaman, carefully and slowly. Alam niyo kung anong inilagay sa utak ko? This:
“He is my son. You said it yourself, he had been a good son/brother and he deserves to be happy. And if ever na magkaproblema sa married life niya, sa tingin mo ba ay pababayaan ko siya? Hindi niyo ba siya dadamayan kung saka-sakali?”
Ilang minuto din yata akong nablangko. Hanggang unti-unti ay gumaan ang kanina lang ay mabigat na pakiramdam ko. Narealize ko ang isang bagay – nakalimot ako. Sinarili ko ang problema ko. (If you call it a problem rather than a “drama moment.”) I forgot to surrender everything to Him. I forgot to trust Him. And most of all, I forgot to trust my brother.

And for that, I’m sorry...

I should have know better. Our family survived everything because of You and look at us now? :) Kahit hindi sinabi ni Mamang o ng kahit na sino, inako ng kapatid ko ang naiwang role ng Papang ko. Ni minsan ay hindi siya nagreklamo. And surprisingly, he was very good at being the "man" in our family.

Hay naku! Bakit ba pati sa emo moments ay umaandar ang pagiging makakalimutin ko?
0

A Place Called HOME


Isang madramang hapong mga kaeksenadora. Yes, magdadrama lang ako saglit dahil parang hindi ko na yata kaya ang mga pangyayari. Chos! Hehe.. Joke lang. Honestly, bukod sa trip kong dumaldal today, napansin kong matagal na rin pala simula nang huli akong magpost. So here we go again.

HOME. Define home. Nang isearch ko ng home kay google, madaming lumabas. Sabi ni free dictionary, a dwelling place together with the family or social unit that occupies it. May tama siya! Pero ang pinakapanalong sagot na nakita ko ay eto:
“Home to me, is the place where you want to be at the end of rough day. The one place where you know that you truly belong and feel welcome and loved. It's where you feel comfortable and at ease. It's where you can be silly, or tired, or cry, or laugh, or walk around in your underwear.”
Yes, that’s what HOME for me din. At bakit nga ba bigla kong naisip ang tungkol diyan? Well, a closed friend of mine finally decided to return to our homeland (which by the way is General Santos City or simply Gensan) for good after two years of staying here in Cebu. I’m happy for her sa totoo lang. And somehow envy her na din. Kasi ang dali niya lang nagdecide na uuwi na. Hindi tulad ko. Sabi nga niya, “You know what, kung iisipin mo talaga, pwede ka na namang umuwi na ng Gensan. With your writer’s fee, tiyak na kaiinggitan ka na ng mga ka-batch natin. You love your job, ikaw lang ang tambay sa bahay na sinuswelduhan, walang house rental na poproblemahin, walang traffic, mura ang lifestyle, what more can you asked for? San ka diba kundi sa "HOME" natin?”

Yes. She’s right. Pero saan nga ba ang HOME ko? Sa Gensan kung saan ako lumaki at naroroon ang pamilya ko o sa Cebu kung saan ako nagcollege at nagkaroon ng career? Hindi ganun kadali para sakin ang mamili between the said two places. Unlike her. I have this trait na mahilig sa sentimental value. Madrama kumbaga. And I always say this to my close friends, mukha lang akong bato at walang pakialam but deep inside, I treasure every person and place that have come into my life. Makakalimutin ako sa ibang bagay pero hindi ang mga mahal ko. Unlike my friend, I’ve spent nine years of my life here in Cebu. Ang dami kong iiwan sakaling uuwi ako ng Gensan. Friends, work, relatives, beautiful places and a lifestyle na nakagawian ko na. I have come to love Cebu. It’s the place where you can have a taste of close-to-Manila-like life and heaven-like life of provinces at the same time. I feel like I’ve become too attached with the place that I’m having a hard time deciding when to go back home. And I can honestly say na ito na ang second home ko.

Alam ko namang walang namemressure sakin na mamili between the two o taong nagpapauwi na sakin. I just can’t help but think of it right now dahil halos lahat na yata ng kakilala ko dito sa Cebu na taga-Mindanao ay umuuwi na for good. Feeling ko nga kami na lang ng kapatid ko ang natitira dito. He-he… Pero basta… D
eep inside me, alam kong uuwi talaga ako ng Gensan for good. I see myself growing old there and spending my day with my beloved relatives. Nandoon ang pamilya ko. Ang relatives sa ibang side ko kung saan tinulungan kami nung mga panahong kailangan namin ng tulong. Hindi ko man alam kung kelan ako talaga uuwi ng Gensan, isa lang ang alam ko: Hindi ako tatandang empleyado pa rin. At anuman ang mangyari, uuwi pa din ako ng Gensan. And that my friend is the answer to my magulong question kanina.

The place where I can be silly, or tired, or cry, or laugh, or walk around in your underwear?

GENSAN. :)

2

"My Mom Raised Me Well..."


Tunog TV commercial lang ano? Hehe.. Pero totoo talaga yan para sa akin at sa kapatid ko. Because our mom raised us well. Naks! Ang drama ko lang naman!

I was barely six years old when our father died of heart attack. Medyo malabo na sakin ang ibang eksena noon. Ang naaalala ko lang talaga ay iyong eksenang umiiyak sa isang tabi ang Mamang ko habang inaalo ito ng isa sa mga Tita or Tito ko (not sure din) at kampanteng ginagamit ng mga doctor at nurse ang cardiac defibrillator sa natutulog kong Papang. I was not even crying that time. Dahil sa totoo lang, hindi ko alam kung anong nangyayari at kung bakit nandun kami sa hospital at nagkakagulo ang lahat sa paligid ko. And then the next thing I remember, hindi na sa hospital bed nakahiga ang Pudra ko kundi sa isang kabaong na. That was when I realized that my father will never wake up again – ever.


Since then, si mudra na din ang tumayong ama at ina sa amin. Naaalala ko pa noon nang mawalan siya ng trabaho, habang ang ibang singles na dati nyang coworker ay nag-iisip kung saan gigimik o gagamitin ang separation pay nila, si Mudra naman ay abala sa paghahanap ng trabaho kinabukasan. Never kong nakalimutan ang isa mga comment ng former coworker niya: “Naningkamot gid ang byuda!” [Kumakayod talaga ang byuda!]. Hindi ko maalalang nagpahinga siya pagkatapos nun. She was thinking about me, my brother and our daily needs. Kailangan niyang makahanap agad ng trabaho dahil ayaw niya kaming magutom. But of course, hindi ko pa alam ang mga iyon noon.

God must have heard her prayers or maybe my father has been on our sides all the time dahil kaagad na nakahanap ulit si Mudra ng trabaho. But then, hindi pa doon nagtapos ang problema. For a single mother with a minimum salary and has two children, (not to mention na sa amin din nakatira ang lola ko), hindi madali ang lahat. Sa pagkain pa lang, pambayad ng kuryente at tubig at pambayad sa paaralang pinapasukan namin, kulang pa ang sweldo niya. Kaya kinailangan niyang maghanap ng sideline para may maibigay siyang pambaon samin - which is by the way 10 pesos a day. (Yes, tama ang nabasa niyo. Iyan lang ang baon ko noon.) Pagbebenta ng grapes, peanut butter, manicure, pedicure… name it. Lahat na yata ng sideline nagawa na ng ina ko para lang may maibigay lang na baon samin. Kapag naman hindi maganda ang sideline, kinailangan pa nitong mangutang sa iba.

I grew up knowing that my mom is different from my classmates’ mother. Hindi nito kayang umattend ng PTA meeting dahil may trabaho ito kaya Lola ko ang madalas na dumadalo. Hindi niya kami mapaghandaan ng almusal (liban na lang kung day off niya), dahil maaga siyang umaalis for work. Kaya nasanay na akong hindi kumakain ng almusal. Hindi niya kami pwedeng maihatid sa school kaya pinsan ko ang gumagawa nun. Madalas sa hindi, nagigising kaming wala na siya at dumadating kami ng kapatid ko mula sa school na tulog pa siya dahil sa graveyard ang shift niya. Naging Lola’s girl ako dahil halos ang Lola na ang nag-alaga samin noon.

Kung makitid lang siguro ang utak namin ng kapatid ko, baka nasumbatan na namin siya. Lagi kasi siyang wala. But then, sino ba kami para magreklamo? Hindi kami ipinanganak na mayaman. Kailangan pa naming maghintay ng medyo matagal kung gusto namin ng bagong damit. Nakaugalian na naming magsabi ng advance kay Mudra kung may kailangang bayaran sa school. Dahil hindi niya maibibigay ang pera in just a snap of her finger at kailangan pang humanap ng paraan para lang sa “emergency” na iyon. Lumaki kaming nakikita ang paghihirap ng Mudra ko mabigyan lang kami ng maayos na buhay. Tumatak sa isip namin ang lahat ng iyon kaya sino kami para sumbatan siya? Kung mayaman lang sana kami, eh di sana yung pagkukulang niyang iyon ay pinapalitan niya ng pera diba? Wish ko lang! But no, mahirap lang kami kaya burado sa listahan iyan. I guess, me and my brother both understand our situation that time kaya never kaming nagdemand sa kanya. Iyon lang siguro ang sekreto para sa isang masaya at maayos na pamilya – ang intindihin ang isa’t isa. (Parang pamilyado kung magsalita ano? Hehe…) She may be different from other moms, pero katulad din ng ibang ina, wala siyang ibang hinangad kundi ang makita lang kaming maayos. Iyon ang paraan niya para maipakita niya sa amin na mahal niya kami. Different ways but same objective. Ganun lang iyon kasimple.

Mahirap kami, oo. Pero never kaming naghapunan o nananghalian ng lugaw o champorado o magdildil ng asin. No, masyadong madrama na iyon mga fwends. Hindi pa ganun ka-MMK ang buhay naming pamilya. Alam niyo kung bakit? Dahil nagsumikap at naghirap ang Mudra ko huwag lang namin iyong matikman. And I guess lumaki kaming may positive outlook sa buhay kaya sa kabila ng lahat ng paghihirap, hindi ko naisip na pwedeng isa-MMK ang buhay namin. Dahil kung tutuusin, mas marami pa diyang mas madrama ang buhay kaysa sa amin. Marami diyang wala na ngang Tatay, pinapabayaan pa ng Nanay o vice versa. I guess dahil sa ugali din naming iyon kaya madalas ay napagkakamalan kami ng kapatid ko na hindi mahirap. Eh hello? Nakapag-aral lang naman kami ng private schools dahil sa scholarship at never kaming humingi ng awa sa ibang tao. Never din naman kaming nagyabang o nagkunwaring mayaman. I swear! Our friends can testify to that. We always believe that everything will turned out right dahil iyon ang nakikita ko lagi noon sa ina ko. She surpassed all the trials and look at us now?

Wala ako sa posisyon para magyabang ng mga achievements dahil sa totoo lang, wala pa naman talaga akong masasabing achievements. Hehe… Pero looking back to where we were twenty years ago, I’d say may mga nagbago nga. Sabi ni Mudra, madalas daw sabihin ng mga kakilala at kabaranggay namin sa GenSan na maswerte daw siya dahil kami ang anak niya. Pero sa totoo lang? Kami ang maswerte dahil siya ang nanay namin. At kung papipiliin ulit ako ng magiging nanay ko, between her and a rich mother who can give me all I want, dun na ko sa rich mother! Hehehe.. Joke! Siyempre sa kanya pa rin. I will never value the word “hardwork,” “never give up” and “trust” kung hindi dahil sa kanya. At hahanap pa ba ko ng iba kung pwede ko namang makita ang isang Tatay, Bestfriend at Nanay sa katauhan niya?

Kaya for u Mudra, Happy Mother's Day! Alala mo yung kaadikan at asaran natin nung isang araw? Uulitin ko ngayon, huwag ka lang maging pasaway pag matanda ka na kung ayaw mong ihagis kita sa sapa. Ha-ha-ha… i Love you Mamang!
7

Fight, fight, fight! Go, go, go!


Trip kong magmarunong. Gusto kong manermon. Nangangati akong umepal. At higit sa lahat… due to insistent public demand (chos! parang reprinted books lang ng PHR), eeksena ulit ang abang lingkod niyo. Bakit ba? Sa gusto ko eh. Meh angal? Hehe.. Pero no, hindi iyon dahil sa demand ng public. (Wish ko lang noh!?) Demand ko lang yan sa sarili ko. Pero deadmahin niyo na mga friends, pagbigyan niyo na ko. hehe...

So eneweiz highways, siryus muna tayo okay? Let’s bow our heads and put ourselves in… ay mali… Sorry.. Eto na talaga.. Walang halong biro. Laglagan moment ito. Game.

Likas na sa akin ang pagiging tsismosa at madaldal (sa net world). Aminado ako doon at hindi ko iyon ikinakaila. At gaya nga ng sabi ko sa huling blog ko, this past few days ay araw-araw na yata akong online sa FB at twitter. Dahil dun ay marami-rami na rin akong naging kaibigang readers and aspiring o new writers like me. May iba ding humihingi ng tips kung papano daw ba magsulat. (Chos! Para namang may karapatan akong magbigay hano? Eh sino lang ba ako?) Sila din ang dahilan kung bakit naisulat ko ang blog entry kong My First and What Went Wrong. Because I wanted to help them in any way I can. Sila at ang iba kong kapwa (aspriring) writer din ang dahilan kung bakit ko naisip gawin ang blog na ito. Even if the following lines would also mean na ilalaglag ko ang sarili ko. Pero naisip ko, kung ang paglalaglag naman sa sarili ko ang maging dahilan para mamotivate silang simulan ang pangarap nila o patuloy na magsulat, then pikit-matang ilalaglag ko ang sarili ko.

Game. Alam niyo ba kung ilang manuscript ang pinagpuyatan ko bago ko nakuha ang limang approved manuscript? SIYAM. Yup. Hindi po ako nagbibiro o nag-eexaggerate. I have written fourteen manuscript already. Lima lang ang pumasa sa taste ng PHR editors, walo ang bagsak at isang muntik-muntikan na (revision in short). Lupet ko diba? Hehe.. Ganito ang sequence niyan: 4 rejected manuscript (2008) -->2 consecutive approved (2008) --> another 4 reject (2009) --> 1 approved (2009) --> 1 revision (2010) and 2 consecutive approved ulit (2010). Iyan ang buhay ko for the past three years in my writing career sa PHR. Nakakahiya mang aminin, pero kung iisipin kong mabuti, sa lahat yata ng mga aspiring writers, ako na yata ay may pinakamadaming reject na nakuha at ang pinakatamad sa lahat.

Hindi lang iisang beses akong sumuko, nawalan ng pag-asa, nagalit o kinuwestiyon ang kakayahan ko. Ilang buwan akong tumigil sa pagsusulat at tinalikuran ito. Naisip ko din noon, bakit ba ko nagpapakahirap na magpuyat sa gabi at trabahuin ang isang walang kasiguraduhang manuscript gayong maaga pa kinabukasan ang pasok ko? I have my full time day job, you know. Hindi rin biro ang trabaho ko doon kaya hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit pinapahirapan ko ang sarili ko. Kung bakit pinagpipilitan ko ang isang bagay na sa tingin ko naman ay hindi para sakin.

Pero kahit gaano man ako kalungkot, kainis o kaawa-awa sa paningin ko, at the end of the day… it all points out to one obvious thing. Ito ang gusto ko. Ito ang matagal ko ng pangarap at ito ang trabahong willing kong gagawin kahit na walang sweldo – ANG MAGSULAT.

At kahit gaano man kadaming reject ang natanggap ko, kapag nakikita ko naman ang isang text o email ng editor na nagsasabing approved na ang isang manuscript ko, lahat ng iyon [rejected ms] ay nabubura sa isip ko. Lalo na kapag nakita ko na sa net ang salitang PHR release at andoon ang cover ng libro ko? Sus! Sulit na sulit lahat ng puyat, pagod at hirap na dinanas mo. You will never get used to it actually. Parang laging first time mo kapag nakikita mo ang libro mo sa net o sa bookshelves ng mga bookstore. Idagdag mo pa kapag may nakita kang tao na binibili ang gawa mo. Oh ha?! You feel very proud of yourself at sasabihin mong, tama lang talaga na hindi mo sinuko ang pangarap mo.

Bilib ako sa mga kakilala kong nagte-take ng risk na iwan ang full time job para lang sundin ang passion nila sa pagsusulat. Bow na bow talaga ako sa inyo. Pramis! Hindi niyo lang alam. Dahil pinaglalaban niyo talaga kung anong gusto niyo. Alam niyo kung anong gusto niyo talaga sa buhay. Hindi ko pa kayang gawin yan sa ngayon. Although I know that someday, I would have to choose between my full time job and my writing.

Naalala ko bigla iyong huling sinabi ng favorite teacher ko noon sa highschool bago ako lumipat ng ibang school. Sabi niya, “It is not the truck who drives the driver. But rather, it is the driver who drives the truck.” Hindi ko alam kung imbento niya lang iyon dahil hindi ko naman mahanap sa net ang quote na iyon. (Kahit kailan talaga si Sir. :D ) Pero naiintindihan ko kung ano ang gusto niyang sabihin. You choose your own destiny. You choose your own path. And it’s up to you kung tatapusin mo ang byahe mo o ititigil mo na lang yung truck sa tabi ng daan at mag-iisip na lang na, “Ano nga kaya kung nagpatuloy ako no?” Eh heller? Papano mo malalaman kung hindi ka magdadrive papunta doon? Hindi mo mararating iyon kung puro ka na lang pangarap at imagination. Kailangan mo iyong pagtrabahuin. Kahit pa ma-flat ang gulong mo on your way to the top, may asungot man na naki-hitch sa truck mo at makapal ang mukhag ihatid mo siya sa pupuntahan nito kahit out of the way, maubusan ka man ng gasolina sa daan o may malaking puno ng kahoy na natumba sa gitna ng daan, lahat ng iyon magagawan mo ng paraan kung gugustuhin mong makarating talaga sa pakay mo.

Sa ngayon, sa awa ng Diyos, nakakatatlong sunud-sunod na approved ako. Sana naman ay magtuluy-tuloy ano? Kasi ba naman, sa dami na ng rejected MS ko grabe naman kung hindi pa ko natututo diba? Eh lagi namang may comment ang mga editor sa mga rejected MS. Basta lang you’ll learn from your mistakes. Iyon din ang isa mga isipin mo kapag nakakatanggap ka ng isang lumalagapak na “REJECT.” Hindi yun nangyari para patigilan ka sa pag-abot ng pangarap mo, nangyari yun kasi gusto nilang matuto ka at mag-excel ng bonggang-bongga sa gusto mo.

Kaya para sa mga kapwa ko aspiring writers diyan, huwag lang tayong sumuko. Fight lang ng fight! Go lang ng go! Pinasok natin ‘to eh. Ano pa nga bang magagawa natin kundi ang mag-move forward diba? At gaya nga ng kanta ni Donna Cruz, “kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin ito”, sumunod na lang tayo para wala ng gulo. Mahirap kalaban ang puso mga kafatid, i tell you.

Kaya natin 'to. Aja!
2

Thank You (Part 2)


Okay, friendships and mga kapwa ko epal at eksenadora, siryus muna si oka uki? Ito ang buwan kung saan very active ang aking endocrine glands (tama ba? Bobo ako sa science eh.) kaya madalas ay madrama ako.. Patapos na kasi ang taon at nangangalap ako ng regalo kaya kailangang mag-emote. Baka sakaling may maawa. Haha.. Pero siryus pipolness, ang susunod na programang inyong mapapanood ay nangangailangan ng patnubay ng mga kaibigan. Huwag masyadong madala at huwag niyong sapawan ang kadramahan ko! Moment ko ‘to!

I can say that this has been the best year ever of my life. Marami na kong natanggap na blessing last year at sa tingin ko ay dumoble pa siya this year. And I couldn’t thank God enough for all of these. Minsan nga naiiyak na ko sa tuwing nakikipag-usap ako kay Bro. (Opo. Kahit ang mga epal at eksenadorang tulad ko ay marunong ding umiyak.) Kasi iniisip ko, ano bang maganda o mabuting ginawa ko to deserve all these blessings? Parang wala naman yata. Alam ko hindi dapat kinukwestiyon iyon. Dapat ay nagpapasalamat ka lang dawn g nagpapasalamat. And I am. Minsan lang talaga, hindi ko ma-grasp yung idea how blessed I am for having all of these. Ni hindi ko alam kung worthy ba ko sa mga blessing na natatanggap ko. But then again sabi nga ng mga friends ko, hindi ibibigay sakin to kung hindi siya talaga para sakin. Kaya siguro nga para kay God, worthy ako. Kaya sige na nga… wala nang Q&A portion pa. Kaya eto na lang ang gagawin ko, ang mag-thank you ng mag-thank you. Para na kong sirang plaka nito kasi everyday na lang yata ito ang script ng prayers ko lagi. Pero still, ito lang yata ang script na hindi ko pagsasawaang i-deliver…

I know nakapagsulat na ko ng first Thank You note ko sa FB, pero gusto ko lang ulitin dito. This is my Thank You note part 2. Ginagawa ko talaga ito every end of the year.Ang magmuni-muni sa mga bagay na nangyari sakin from January to December. Only this time, in public na dahil meron na kong blog.

First: Si Bro siyempre.

I may not be very religious just like my bestfriend pero isa lang ang bagay na never na nawala sakin. Remember the verse na binigay sakin ng bestfriend ko seven years ago? Proverbs 3: 4-6… “Trust in the Lord with all your heart. And lean not on your own understanding. In all your ways, acknowledge Him and He will direct your path.” Iyon lang ang palaging binabalik-balikan ko, at alam ko na agad na hindi Mo ako iiwan no matter what happen. Masasabi kong wala akong maalalang mabigat na problemang naranasan this year (thank you ulit Bro for that.) Or maybe meron pero hindi ko lang ma-acknowledge na mabigat dahil lagi kong iniisip na may ibang taong mas mabigat ang problema kaysa sa kinakaharap ko ngayon. That I am still blessed despite everything.

Second: To my family and closest relatives

Sabi nila, kapag may itinanim, may aanihin. Pag may tiyaga, may nilaga. People around us would always tell my mom how lucky she is for having us as her mga anak. Biro pa ng iba, jetsetter na daw ang nanay ko dahil mani na lang para dito ang magpabalik-balik ng Cebu. Nakapamasyal na rin ito sa ibang lugar at kahit hindi na magtrabaho ay pwede pa ring mabuhay. At iyon ay dahil daw sa amin na mga anak niya. Siguro nga, somehow… totoo iyon. Pero para sa amin ng brother ko, kami ang maswerte for having her as our mother. Inaani lang ng nanay naming ngayon ang itinanim niya noon. Nagsakripisyo at nagtiyaga siya for us kaya ngayon ay kumakain na siya ng nilaga. And I thank God for giving us the best mother in the world. Hindi lang siya ina para sakin, bestfriend ko din siya. Supportive, loving, caring at mahaba ang pasensiya sa tamad na tulad ko. Hahanap pa ba ko ng ibang nanay kung nasa amin na ang dabest?

To my closest Titos and Titas na kahit noong mga bata pa man kami ng bro ko ay mataas na ang expectations sa amin. They love us so much kaya nakakatakot na bigyan sila ng disappointment. Maliban sa aking mamang, sila din ang nagsilbing guardian at second father sa amin. I remember, Tita ko ang namimili ng mga school supplies namin tuwing pasukan dahil can’t afford si mudra noon. Tito ko ang naghahatid sakin papuntang school dahil busy si mother sa trabaho. Never nila kaming pinabayaan. At sa bawat achievement na nakukuha namin ng kapatid ko, hindi lang si Mamang ang proud sa amin, kundi maging sila na rin. Kaya salamat po sa lahat ng pagmamahal at tulong noong mga panahong kailangang-kailangan namin iyon.

Third: True Friends

Laging sinasabi sakin ni Mamang noon, magaling daw akong mamili ng kaibigan. Proven and tested niya na iyon. From my elementary friends to my co-writers, lahat nakilala niya na. Well, hindi pa ang mga co-writers ko, pero sa mga stories na sinasabi ko sa kanya, excited na siyang mameet sila para mapasalamatan. Kaya never akong nakatanggap ng sermon sa nanay ko tungkol sa pagbabarkada. Kasi she trust me enough to know na ang mga kinakaibigan ko ay mga taong hindi B.I sa buhay ko. Mula noon, hanggang ngayon, subok ko na ang friendship nila. Wala akong hundreds or thousands friends gaya ng iba diyan. Konti lang ang kaibigan ko, pero maipagmamayabang ko sa lahat na kahit hindi sila umabot ng one hundred, mga tunay ko silang kaibigan na kaya kong lapitan in case mangailangan ako.

Hindi ko na sila papangalanan dahil alam na nila kung sino sila. To my elementary friends, KSVS group kung saan kasama ko dito ang bestfriend ko(HS), BCP (college), Wiccan sisters, Bunso and my other closest co-writers, PPG, maraming maraming salamat at dumating kayo sa buhay ko… Thank you so much for everything. Alam kong rinding-rindi na kayo sa thank you pero again, salamat ng marami. I am not that good in expressing my true feelings pero believe me, mukha man akong walang pakialam sa mundo, mahal na mahal ko kayo. At hindi ko na maimagine ang buhay ko na wala kayo.

Fourth: Job

Thank you for co-workers that values and acknowledge your effort very much. And also treats you like a family. For a stable job, well compensated, overflowing benefits and kind boss… What more can you ask for?

Fifth: for the Talent and new found friends

Hindi ko akalaing dahil lang sa isang simpleng hobby ay magiging mas makulay at mas masaya ang buhay ko. It started as a desire to see my name (my pen name actually) printed on one of PHR and MSV’s book. Sabi ko noon, kahit isa lang masaya na ko. But then, siguro may mas magandang plano si Bro. From multiply kulitan to twitter to FB, sinong magsasabing dahil lang sa kanila ay makakahanap ako ng mga kaibigang kahit ocean’s apart ang drama ay alam kong totoo at maaasahan ko? Lalung-lalo na sa aking Wiccan Sisters, sa tiwalag Wiccan na si Victoria Amor, PPG at Bunsoy Mariane Reign. At ang dating hangarin na isang published novel lang, ngayon ay 5 na sa PHR at 10 sa MSV. Again, sinong mag-aakala?

Sixth: Readers

People who takes time to send you message and search you on FB just to tell you na gusto nila ang book mo and encouraging you na magsulat pa ng madami. Bilang na bilang ko po kayong lahat, huwag po kayong mag-alala. Hehe.. kung milyonarya lang ako, may regalo na sana kayo ngayong kapaskuhan.. J Maraming salamat sa pagbili ng mga libro ko, for taking time to read them kahit na alam niyong baguhan lang ako and for liking them. Kayo po ang isa sa mga dahilan kung bakit nagpapakapuyat akong gumawa ng stories kahit na may pasok pa ko kinabukasan. Sana po ay hindi kayo magsawa. Maraming-maraming salamat po ulit.

Special mention of course kay Mary Jhoy Durano Balboa… Hay naku… *sigh* hindi ko alam kung papano kita pasasalamatan ng sobra at kung papano ako babawi sa lahat ng mga binigay mo na sakin. Una na ang pagbili mo ng mga books ko, sumunod ang paggawa mo ng FB page at higit sa lahat sa mga cakes, brownies at chocolates na pinaghirapan mong i-bake sa tuwing dumadayo ako ng Manila. Super duper thank you sa friendship. Isa ka sa mga taong gusto kong ikeep forever… At gaya nga ng sabi mo, I Heart You So Much!

Kaya kahit na hindi ko natupad ang lahat ng Goal ko for this 2010, keri lang teh… Sa mga blessings pa lang na natanggap ko, sobra-sobra na sila. Sabi nga ng roommate ko, ang swerte-swerte ko daw. Bakit daw mukhang wala akong problemang mabigat ngayong taong ito? Well… Hindi ko rin alam.. Or maybe, ito ang sagot…

Positive outlook in life, appreciation, trusting God and value what you have in life…

Iyon sa tingin ko ang ilan sa mga dahilan kung bakit nalagpasan ko ang taong ito ng may ngiti sa labi. Sana ay ganun din kayo.

Merry Christmas to all and have a fruitful New Year for all of us!

 
Copyright © EKSENADORANG MANUNULAT