EVERY CLOUD HAS A SILVER LINING...
To-Blog List
So eto na ang mga dapat kong isusulat. Pwede niyong abangan, pwede din namang hindi.
1. Family Trip at Baguio (Mom's Birthday Celebration)
2. Sagada Adventure with Superfriends
Mga gala ang mga iyan so malamang I will talk about my day-to-day trip and travel expenses. Speaking of travel expenses. Hindi ko pa pala naba-blog yung travel expenses ko sa HK-Macau na pinangako ko. Susko naman po! It's sooooooo late na! Ipopost ko pa ba yun? Huwag na lang siguro. :-P Pagdagdag pa yun sa isusulat ko eh.
See how acute my tamaditis is? Now you know why I only have 11 published books for the past three years.
Unexpected Moments
So eneweiz, bilang respeto sa friend kong naghahanap ng bagong entry dito, kaya eto, new entry ulet! Napipilitan lang akez yah know! Hahaha… Charaught lang! Seryoso mga ateng, magpapasalamat lang akez sa mga readers na sa kabila ng lulubog-lilitaw na status ko sa writing world ay mahal pa din ako ng bonggels! O dali, prepare your handkerchief na! Hindi yan para sa luha, gaga. (Ahay! Sorry for the word!) Wit mo na asahan na pang-MMK itechiwa. Wala lang. Trip ko lang na pakuhanin ka ng panyo. Hihi…
Aamin na si atashi. Isa akong malaking autistic at bipolar. (Oo! Hinakot ko na lahat!) May mga moments in layp kung saan dinadalaw ako ni insecurity at jealousy. Memoryado ko na ang visiting hours niyan. Tuwing may bagong release ang mga writers na pamilyar na sakin o kapag may bagong series ang kasabayan kong writers. Jealousy ang tawag sa unang dalawang rason ko. Sa mga panahong iyan ko narerealize na hindi lang ako fanatic ni Juan Tamad, isa yata ako sa mga long lost granddaughter niya! Dumadalaw din si insecurity sa tuwing feeling ko ay walang nagbabasa ng libro ko; Or most of the time, trip niya lang talagang dalawin ako for no reason at all. Daig niya pang ang BFF ko. Basta na lang pumapasok ng bahay ng walang paalam. Oh well, sadyang ganyan talaga si insecurity, isang malaking epal sa buhay ko at waley na kong magagawa doon.
Pero sadya ding may mga pipolets na hindi mo inaasahang darating sa buhay mo na magpaparamdam sayo kung gaano tayo kaespesyal. Iyong tipong wala kang kamuwang-muwang, binago mo na pala ang buhay nila. Ansabeehh!! Exagg lang ang drama! Haha… Hanggang espesyal lang tayo mga bakla. Wit na iyong “changing lives.” Di naman tayo si PLDT na may tagline pang ganun. So eneweiz, sa hinaba-haba ng intro ko (partida, tatlong paragraph!), ang point ko lang naman ay magtethank you lang ako sa mga piling readers na naging parte na ng buhay ko at eventually ay kaibigan na ang tingin ko at hindi na isang reader lang. Witchikels ko knowings kung anong pambobola ang ginawa ng mga ito at nagtagumpay silang bilugin ang utak ko. Kasi hindi naman ako talaga masyadong tumatagal sa isang conversation. Madalas sa hindi, iniiwan ko na lang basta mga kausap ko. Kinatatamaran ko ang pagreply. Hindi ko ikakamatay na hindi magtext sa isang araw. Baka nga matagalan ko pang walang katext sa isang buwan! Swear! Wiz kita binobola! Kahit iverify niyo pa yan sa numero unong reklamador sa pagiging tamad kong magtext – ang mudra ko! Pero may mga pagkakataon naman na feel na feel kong sumagot at makipag-interact. Malamang natiyempuhan akong kausapin ng mga ito nang mga panahong unstable ang utak ko kaya swak agad. Kaya heto na pipolets, ang mga magaling sa pambobola! :)
1. Jhoy Balboa and TGVamps. Tandang-tanda ko pa ang unang pag-uusap namin ni Jhoy. Bakit ko kamo tanda? Dahil nang minsang naglinis ako ng inbox, nakita ko ang conversation namin. At ang lakas ng tawa ko habang binabalikan iyon dahil masyado kaming pormal mag-usap! Sinong mag-aakala na may tinatago pala kaming sungay at nakamaskara lang pala kami that time? Matipid si Jhoy sa mga bola niya. Puro “maganda” at “sulat ka pa” lang sinabi niya. Hmp! Di man lang nabusog ang ego ko! Tse! Hehehe… Siya ang pinakaunang Manila reader na kinatagpo ko. Siya ang pinakaunang reader kung saan naging komportable ako. At siya ang unang reader na nagbigay sakin ng napakasarap na cake! (Jhoy! Namimiss ko na cake mo! :D) Doon ko nakilala ang iba pa niyang kaibigan – ang PPG. Sina Frecy, Armie, Marga at Toni. Masaya silang kasama. Tawa lang kami ng tawa. Mga baliw lang tulad ko. Hindi ko reader ang mga lecheng yan. Ha-ha.. Leche talaga? Mga isa o dalawang libro ko lang ata ang meron sila. But they were honest enough and iyon ang naappreciate ko ng sobra. Hindi sila nagsinungaling. Wala iyong mga bola na gustong-gusto mong dugtungan ng “weh?!” Wala ang mga exaggeration na feeling mo pati patay ay babangon para lang sapakin ka. Ha-ha… Yes, you don’t have to be an avid reader of mine o follower para lang maging kaibigan ko. Just be honest and be yourself. Iyon ang mas hinihingi ko. Mas iyon ang naaappreciate ko. At iyon ang dahilan kung bakit ko sila naging kaibigan hanggang ngayon.
2. Rex Basical. A true-blooded bading. Yata? Ha-ha… Ewan! Naguluhan ako nang sabihin niyang gumawa ako ng Hot Intruder at siya daw ang hero! Susko! Ha-ha… Naalala ko ang unang message sakin ni Rex. Isang umaatikabong sorry dahil daw never pa siyang nakabasa ng libro ko. At naappreciate ko yun. Nakonsensya yata ang bakla nang sumunod na linggo ay bumili ng libro ko. Nagustuhan niya daw. So binili at hinanap niya pa iyong iba. Akala ko magugustuhan niya lahat. Hindi pala! Kaloka ka Rex! May ibang libro na hindi niya gaanong gusto! Ha-ha… Prangka ito. Iyong tipo ng prangka na kung seseryosohin mo ay iinit ang dugo mo. Buti na lang at half-blood bading din ako kaya nagagantihan ko ang mga panonopla niya minsan. But he is my friend. At tanggap ko na ganun siya. Ang dami niya ng nagawa for me sa totoo lang. Minsan nga ako na ang nahihiya.
3. Cebuano readers (Ivy, Nerie, Celine, Johanna). Hindi ko na tanda kung papano ko naging kaibigan ang unang tatlo. Halu-halo ata. Through multiply, FB, other writers. Ewan! At ang mga ito, bumibili ng libro ko pero never namang nagbigay ng reaksyon tungkol sa libro ko! Ni hindi ko alam kung binabasa nila o tinatambak lang! Ha-ha… But nevertheless, I love them. Actually, kung iisipin ko, iyon nga yata ang rason kung bakit ko sila mahal. He-he... Kapag kasama ko sila, nakakalimutan kong ako pala si Maan Beltran. With them, I'm just plain "H." And I love every moment na kasama ko sila. Kahit pa madalas ay nauubos ang energy ko kapag sabay na nagpapakita sakin sina Ivy, Celine at Nerie! At sila iyong tipo ng taong hindi ko trip pirmahan ang books dahil di na naman kailangan! :) And then there's Johanna, na nakilala ko trough SMP. Mahiyain ang batang itech! At tulad ni Jhoy matipid siya sa pambobola! Hindi nabusog ang ego ko! Ha-ha... Pero mahal ko ang batang ito. And of the reasons why napasama ka sa number 3 ko. :)
4. Angeli. Wag ng bigyan ng last name at baka mapatay nya ako. Ha-ha... Kung bakit? Well, continue reading mga ateng! Tulad ng number 3, hindi ko alam kung papano nagsimula ang friendship namin. Basta nagising na lang ako isang araw na natatandaan na ng utak ko ang twitter name niya. Na isa siya sa mga follower ko na gustung-gusto kong kausap. Siya ang pinakaunang tao na tumawag sakin ng “idol.” At hanggang ngayon ay hindi ko alam kung bakit. Binibili niya yata halos lahat ng libro ko. Makwento siya. Or should I say, matanong ako? Ha-ha... At sa totoo lang, mas iniidolo ko siya sa sobrang lakas ng loob niya. Na sa kabila ng nangyari sa buhay at pamilya niya ay hindi siya sumuko. At kung titingnan ang personality niya, hindi obvious na marami na pala silang napagdaanan. Eneweiz, sige inaamin ko na. Ako ang matanong pagdating sa kanya. Hihi.. At sa dami ng tanong ko, doon ko nalaman ang tungkol sa impending love story niya. Masyado akong kinilig kaya kinulit ko siya ng kinulit na ikwento sakin ang buong storya. And one day isang araw, nauwi sa isang novel ang kwentong iyon. Novel na may pinamagatang “The Right Mr. G.” Oh yes! Hahaha… Bukingan na ng pangalan! Wala naman itong apilyedo eh kaya safe ka pa! :D
And last but not the least, ang rason kung bakit may ganito akong entry. Ang friend ko na nagreklamo dahil wala na daw kwenta ang blog ko at wala na siyang mabasang bago. Ang rason kung bakit hindi man lang ako makaramdam ng insecurities these past few weeks kahit pa wala na akong pondo sa PHR at maging sa MSV. Ang dahilan kung bakit kahit nagkalat na ang bad vibes sa facebook ay hindi man lang ako apektado. Kung bakit sa kabila ang katamaran kong magsulat ay parang ang saya-saya ko pa din. Ang taong nagparealize sakin na kahit hindi man umabot sa isanlibo ang avid readers ko (baka nga hindi pa umabot sa 500 eh!), okay lang dahil andyan naman siya. Dahil para sa akin katumbas niya na ang 500 readers. Walang halong echos yan, ateng! Maniwala ka! Utang na loob! Actually, wala kang choice kundi ang maniwala dahil sinasaksak ko na ito sa baga mo. Ha-ha… Walang iba kundi si… drum roll please! ilatag ang red carpet! …
5. Psyche! Psyche… okay fine, pagbigyan natin ang pantasya niya… Psyche Nadal (daw)! He-he…
Gusto ko lang sagutin ang mga sinabi mo sa blog mo. Ang pesteng blog mo na ilang minutong nagpablangko sa utak ko. Limitado lang ang capacity nito ateng kaya hindi kinaya ang lahat ng nabasa! Ayan tuloy, nagcrash! May goosebumps pang after effect! Lech! I don’t know if I’m worth it! I’m not even sure if I deserve all of these. Charlot! Best actress lang ang peg! Pero seryoso ateng, hindi mo alam kung gaano ako nawindang sa blog mo. It took me five minutes para ireboot ulit ang utak ko. And yes, gaya ng paniniwala mo, feeling ko meant to be talaga ang pakakadiskubre mo sa book ko! Iqu-quote ko lang ang sinabi mo. Hindi ko na ibibuking ang blogsite mo at baka sigawan mo na naman ako. Hahaha:
Mas gusto kong isipin na serendipity iyon. That we were brought together and we were meant to be! Hahahaha. Lalaki lang?!I agree. Parang magjowa lang talaga ang tunog! Ha-ha… Sa dinami-dami ng writers ng PHR, mga writers na mas madaming libro kesa sakin, eh bakit iyong libro ko pa ang napulot mo (literal po na pulot sa sahig just in case gusto niyo lang naman pong malaman.)? Gusto ko lang pong ishare ang iba pa niyang sinabi at kung bakit nasabi kong katumbas na siya ng 500 readers ng iba.
Una kong binasa yung The unscripted love. Yun ata latest nung time na yon. Natuwa ako! In fairness! Pinasaya ako ng librong yun. Promise! Sobrang depressed ako ng mga panahong iyon. Kaya naman to find such a joy in reading a tagalog book was a good change for me. I felt connected to Mavie (mali yata ang name, shiiiit!), yung heroine sa book. Sasabihin siguro ng mga taong nakakaalam ng mga pangyayari sa buhay ko, this is an exaggeration. Pero hindi po! Mavie... or Mavic was my saving grace! I owe her my life. Hahaha. For the first time in a loooooong time, I actually laughed. I wish I can explain it further pero... Huwag na. I'm only thankful I accidentally bought those books!
Oh, kailangan ko pa bang sabihin? Binasa ko rin yung 2 pa! Hahaha. Consistent po yung writer. Kaya namangha ako. Siguro isa lamang siya sa daang-daang manunulat ng PHR at nagkataon lang na kanya yung napulot kong book. BUT, sorry! Ang galing niya! Sinave nga ako ng libro niya bago tuluyang mabaliw 'di ba? Hahahaha. Then I remembered Meann's KS collection years before. (Refer to Part 1 kung di niyo knows si Meann! Haha) Ang layo sa writing tech niya kay MC (siya lang mapagkukumparahan ko).Pero ito sasabihin ko, it was nooooot less than that of MC's. Magkaiba sila. But in a very good way. And i feel guilty, comparing the two! Feeling ko unfair. >.< No comparisons folks! Gusto niyo ng mala-teleserye? Buy MC's. Pero kung feel-good romance gusto niyo, aaah definitely check out MB's!
Ms. Maan, nung sinabi kong idolo kita malamang hindi ka naniwala. Dahil malamang araw-araw maraming nagsasabi sa'yo niyan. Hahahaha. But in my case, iba 'to nooooh! Ako'y super grateful! Dahil kung tiniyagaan mong basahin ang ubod ng habang blog na 'to. Malalaman mong pinasaya ako ni Mavic ('di ko alam kung tama) at Sabel, sa mga panahong wala akong ibang ginawa kundi magkulong sa kwarto at umiyak. So, thank you! Salamat at friend na rin kita kahit 'di pa tayo nagkikita. Hihi. Magpatuloy sana ang pagsulat mo ng mga baklang babae! Hahahahaha. Dahil hindi mo alam ang mga babaeng baklang iyon ay may nailigtas na isang pariwarang babaeng bakla rin. Hahahaha. Chos.Nang magdesisyon akong seryosohin ang pagsusulat ng novel (weh? Seryoso ka na sa lagay na ito?!), kahit pa mangangahulugan iyong gabi-gabing puyat at ilang beses na tardiness sa full time job ko, hindi ko inaasahan na may matutulungan akong ibang tao. I mean of course, aasahan mo na may matutuwa. Rom-com nga ang sinusulat ko diba? Heller?! Pero never ko namang inexpect na ganun! Bolero ka lang yata talaga Psyche! Ha-ha… At gusto lang kitang icorrect, hindi araw-araw na may nagsasabi saking “idol” nila ako. Ang naririnig ko lang araw-araw ay “maganda ka Maan.” Naririndi na nga ako eh. Ha-ha.. Charaught! Pero seryoso, maraming salamat! Hindi na ko magpapakadrama. Sapat na iyong mga sinabi ko at ang blog na ito para malaman mo kung gaano tumagos sa bone marrow ko ang pesteng blog mo. :)
Sila ang mga taong dumagdag sa listahan ng mga kaibigan ko. Mga taong wit ko naman in-expect na darating sa layp ko nang ipinanganak si Maan Beltran pero dumating. Sila lang, sapat na para ipagpatuloy ko ang buhay ni Maan Beltran. Hindi na ko mangangarap na sumunod sa yapak ni Martha Cecilia. Ang tayog lang nun teh! Hindi ko abot! Tama ng hanggang first letter ng pen name ay pareho kami. hihihi... Kaya sa mga taong nabanggit ko, from the bottom of my heart, maraming salamat. :)
I'm still ALIVE!!!
Yes, I’m still alive! Surprise? Hahaha…It’s been months since my last entry. And maybe (or maybe not) you’re all wondering where the hell I am right now since I haven’t even posted my year-end thank you and my 2012 goal which I did last year. Well, my apologies. Inatake lang ng tamaditis and “doubtmares.” And I don’t really wanna go into details with the latter. Basta all I can say is, I got depress to the point that I deactivated my Maan Beltran account. I was having second thoughts if writing is really for me. Kasi feeling ko naman walang maghahanap sakin kapag tuluyan ng nawala si Maan Beltran.
Yeah, yeah, I know. I’m so full of dramas! Baka kapag nalaman ng mga friends ko ang mga nangyari ay magulat sila. Baka kuyugin pa ko and ask me kung sinapian ba ko. Siguro nga may sapi ako this past months.
But enough about my gloomy months. I’m here and I’m somewhat okay now (I hope and I guess). So what’s going on with me lately? I don’t know. Nothing much, I think. Still working my ass off day and night. Anyways, kayo na ang magdecide if it’s really “not much.” So here it is:
1. Had a simple birthday dinner with my family last Tuesday (March 13).
2. My two books entitled “Hot Intruder: Isaac, The In denial Romantico” and “The Quitter and the Persistent Lover” was released last week (March 6).
3. Just got an email yesterday from my editor that “A Place in Your Heart” (a sequel of Hot Intruder Isaac) has been approved. And this is my first approved manuscript for this year.
4. Attended that PHR Writers and Editors Exposure last Feb 29 at Quezon City. We watched the Thee Na Natuto concert/play thingy at PETA Theater. Nakaattend ako even if I’m from Cebu dahil nataong monthly meeting din namin sa Makati ng Feb 28.
5. Currently writing a manuscript for My Special Valentine. Yes, Jean Mae Oryza is back. And as a comeback chenes, premium ang sinusulat ko ngayon.
6. Had a talked with my editor about a possible series. For revision ang nakuha ko sa Book 1 na pinasa ko. Hindi ko pa alam kung magiging series pa siya. I still need to get an approval from the Editor in Chief about it. Will revise my manuscript as soon as I’m done with my current.
7. As of this writing, I have 7 Works in Progress. A new Hot Intruder, sequel ng “The Quitter and the Persistent” (two books), two books again na sequel ng “The Right Mr. G” which will be release soon, Book 1 and Book 2 of my would-be series (crossfingers on this. Sana maaprove ang concept!).
8. Already planned my travel for this year. Baguio and Sagada! Baguio will be a family trip and Sagada is well, barkada trip with Ayin and Jaki. Had my tickets already! Savings na lang ang kulang. Sana matuloy! (Crossfingers on this) I’m also planning to have my Bangkok trip this year, but I guess malabo na siya. Wala akong makakasama eh. Sadness.
9. Planning to change my blog template. Pero tinatamad pa ko so please bear with this muna. I’ll fix it this weekend.
10. And the rest of the days? Well, I’m playing an ordinary office girl.
So what do you think? Boring ba ang life ko?
A Place Called HOME

Isang madramang hapong mga kaeksenadora. Yes, magdadrama lang ako saglit dahil parang hindi ko na yata kaya ang mga pangyayari. Chos! Hehe.. Joke lang. Honestly, bukod sa trip kong dumaldal today, napansin kong matagal na rin pala simula nang huli akong magpost. So here we go again.
HOME. Define home. Nang isearch ko ng home kay google, madaming lumabas. Sabi ni free dictionary, a dwelling place together with the family or social unit that occupies it. May tama siya! Pero ang pinakapanalong sagot na nakita ko ay eto:
“Home to me, is the place where you want to be at the end of rough day. The one place where you know that you truly belong and feel welcome and loved. It's where you feel comfortable and at ease. It's where you can be silly, or tired, or cry, or laugh, or walk around in your underwear.”Yes, that’s what HOME for me din. At bakit nga ba bigla kong naisip ang tungkol diyan? Well, a closed friend of mine finally decided to return to our homeland (which by the way is General Santos City or simply Gensan) for good after two years of staying here in Cebu. I’m happy for her sa totoo lang. And somehow envy her na din. Kasi ang dali niya lang nagdecide na uuwi na. Hindi tulad ko. Sabi nga niya, “You know what, kung iisipin mo talaga, pwede ka na namang umuwi na ng Gensan. With your writer’s fee, tiyak na kaiinggitan ka na ng mga ka-batch natin. You love your job, ikaw lang ang tambay sa bahay na sinuswelduhan, walang house rental na poproblemahin, walang traffic, mura ang lifestyle, what more can you asked for? San ka diba kundi sa "HOME" natin?”
Yes. She’s right. Pero saan nga ba ang HOME ko? Sa Gensan kung saan ako lumaki at naroroon ang pamilya ko o sa Cebu kung saan ako nagcollege at nagkaroon ng career? Hindi ganun kadali para sakin ang mamili between the said two places. Unlike her. I have this trait na mahilig sa sentimental value. Madrama kumbaga. And I always say this to my close friends, mukha lang akong bato at walang pakialam but deep inside, I treasure every person and place that have come into my life. Makakalimutin ako sa ibang bagay pero hindi ang mga mahal ko. Unlike my friend, I’ve spent nine years of my life here in Cebu. Ang dami kong iiwan sakaling uuwi ako ng Gensan. Friends, work, relatives, beautiful places and a lifestyle na nakagawian ko na. I have come to love Cebu. It’s the place where you can have a taste of close-to-Manila-like life and heaven-like life of provinces at the same time. I feel like I’ve become too attached with the place that I’m having a hard time deciding when to go back home. And I can honestly say na ito na ang second home ko.
Alam ko namang walang namemressure sakin na mamili between the two o taong nagpapauwi na sakin. I just can’t help but think of it right now dahil halos lahat na yata ng kakilala ko dito sa Cebu na taga-Mindanao ay umuuwi na for good. Feeling ko nga kami na lang ng kapatid ko ang natitira dito. He-he… Pero basta… Deep inside me, alam kong uuwi talaga ako ng Gensan for good. I see myself growing old there and spending my day with my beloved relatives. Nandoon ang pamilya ko. Ang relatives sa ibang side ko kung saan tinulungan kami nung mga panahong kailangan namin ng tulong. Hindi ko man alam kung kelan ako talaga uuwi ng Gensan, isa lang ang alam ko: Hindi ako tatandang empleyado pa rin. At anuman ang mangyari, uuwi pa din ako ng Gensan. And that my friend is the answer to my magulong question kanina.
The place where I can be silly, or tired, or cry, or laugh, or walk around in your underwear?
GENSAN. :)
God created the World, and the rest is China
I’m sure nabanggit ko na with my previous blog that my friend Ayin went to US (Georgia to be exact) for three months for some work-related stuff. And since nasa US na rin naman siya, she grabbed that opportunity to tour from States to States. Isa na sa mga iyon ang Florida. At ano pa nga ba ang unang maiisip ng isang Harry Potter Fanatic kapag narinig ang lugar na iyon?The famous and newly opened Harry Potter Theme Park!!
Yiipppeee!!! Andito pa lang sa Pinas ay sinabihan ko na ang barkada ko na just in case mamamasyal sila ng Florida at dadaan ng HP Theme Park ay magpapabili ako ng HP keychain. At first hindi siya sure kung makakapunta nga sila. But I think luck must be on my side dahil indeed… pumasyal sila Ayin ng Orlando! Kaya naman kuntodo FB message agad siya sakin clarifying about my request. And since barkada ko siya at hindi uso sa amin ang hiya-hiya, nagpabili na nga ako. Kahit mahal! Ha-ha-ha… And Ayin must have love soooooo much dahil hindi niya na pinabayaran sakin ang keychain. Pasalubong na lang daw niya iyon for me. Oh ha??? I feel the lurve ng sobra. Ha-ha…
And when she finally gave to me my pasalubong, laking tawa namin nang makita ang nakaengrave sa likod.
Oh ha? Naman teh! Sa esteyts na nga binili, Made in China pa din? Hahaha.. Ganun nga yata talaga kaunlad ang China. Ultimo US of A ay produkto nila ang gamit. Oh ha? Sana in the near future ganun na din ang Pilipinas. Iyon halos lahat ay “Made in Philippines” ang nakatatak. Ang bongga nun diba? Wish ko lang!
My Own Independence Day Celebration
Okay, bago niyo isipin kung gaano ko kamahal an gating Inang Bayan, let me just inform you ahead that this is not a Mabuhay-Ang-Pilipinas-Mahal-Ko-Ang-Bayan-Ko blog entry. Eeksena lang ulet mga kafatid. Since most of my previous blog were a little bit serious and not so0o0o0o ME na talaga. He-he. So eneweiz, as we all know, June 12 is a regular holiday for Filipinos. Independence Day daw kasi. I won’t lecture you na about Philippine History since it is your responsibility – as a Filipino – to learn and appreciate our rich culture and history. Kung nagtunog “taksil sa sariling bayan” man ako sa umpisa, rest assured na kahit papano ay alam ko pa din naman kung papano natin nakuha ang Independence Day. At pinapahalagahan ko pa rin iyon hanggang ngayon. (Chaarrriiinnnnggg!!!)
At kung ang ibang tao ay nagcecelebrate ng ating Kalayaan, kami naman ng housemates ko ay nagcecelebrate din ng sariling version ng ating Kalayaan. Ano nga ba ang iba pang kahulugan ng Independence? Freedom… Free… FREE! And for us, June 12 is literally our FREE Day. It was also my close friend’s birthday. Kaya naman lunch time pa lang ay nakatikim na ko ng libre mula sa kanya. We went into an Eat-All-You-Can Restaurant by 12noon. Nagpakabusog doon. And then off to SM Cebu to watch the “Nestle’s Kasambuhay Habambuhay Anthology of Short Films.” It’s Nestlé’s free movie for its centennial celebration. At ito ang pag-uusapan natin ngayon.
Obviously, ginastusan ng bonggang-bongga ng Nestle ang film. Ang daming bigating artista ang nandoon. John Lloyd Cruz, Eddie Garcia, Eugene Domingo, Gloria Romero at iba pa. The film composed of 10 short films (approximately 10 minutes each film). Walang konek ang lahat ng film sa isa’t isa pero puro lahat magaganda. Liban na lang dun sa isang copycat ng famous “Walang Himala” movie ni Nora Aunor. Ang adik lang talaga ng story na iyon. And of course, since it’s a Nestle film, expect mo na rin na starring ang mga produkto nila. Andyan ang Bear Brand, Nescafe 3-in-1, Nido, Maggie Magic Sarap, Milo at iba pang sikat nilang produkto. Pero keri lang. It doesn’t bother me at all.
For those who failed to watch the free movie of Nestle, here’s a quick rundown:
1. The Howl and the Fussyket
One of my top 5 fave film. The story is all about an eight-year old boy joins a declamation contest despite his “PNF disease.” Iyon bang sakit ng mga tao na pinagpapalit ang “f” and “p”? Iyon yun! He-he… Good thing, he has his ever-supportive mother (played by Eugene Domingo) that decided to assembled a team para mawala ang kanyang sakit. A speech coach (isang call center agent), acting coach (isang lalaki who always play the role of “taong bayan” sa mga plays) para sa tamang emotion daw sa paged-declame and a fashion designer for the kid’s outfit (isang matandang mananahi. I super love the scenes kung saan tinutulungan na nila ang bata. Tawa kami ng tawa!
2. Unplugged
Heartwarming story of a group of football players (kids) who spent their weekend at a provincial home with their coach (Marvin Agustin) where gadgets are not allowed as per Lolo (played by Eddie Garcia). Ang ganda lang talaga ng shots ng lugar! At in fairness, iyon pala ang Hacienda Luisita? Another pogi points for this film is the music na inarranged ni famous Noel Cabangon. Parang “Kanlungan” lang. Iyon bang tipong pakikinggan mo lang siya sa hammock at mag-iimagine ka ng mga magagandang eksena ng buhay mo? Naghahanap na nga ako sa kantang iyon eh. Unfortunately, as of now, wala pa kong makita. :(
3. Silup
(Copied for PEP Review) (Dahil tinamad na kong magsummary on my own. :P) : Silup (which is reverse for Pulis) shows the sensitive side of a dedicated policeman (portrayed by Sid Lucero). Its best asset is its simplicity. The ending of this suspense drama short packs an emotional punch that I'd rather not reveal so that you can experience it for yourself.
4. Isang Tasang Pangarap
(Copied for PEP Review): An ordinary man, whose only pleasure is drinking coffee, discovers that he can see the future by looking at coffee mugs. It has an interesting premise but it has escapist entertainment written all over it. Obviously a tribute to Ishmael Bernal's Himala, Ramon Bautista delivers Nora Aunor's trademark cry, "Walang himala!"
5. Sali-Salita
(Copied for PEP Review): A mother who writes children's storybooks ironically doesn't have enough time to create stories for her own son. Her child lets his imagination run wild in a storytelling game with his grandfather. For a short film, the production values of this film are stunning: viewers get to see a powerful warrior crossing a deserted plain and fighting a futuristic looking robot in order to save a beautiful princess. This segment demonstrates the power of the imagination and the importance of parental bonding.
Gusto ko din kahit papano ang movie na ‘to. Naaalala ko kasi iyong childhood days ko. Iyong mahilig ka mag-imagine ng kung anik-anik? And someday, I would like my kid to do that “Sali-salita” game.
6. Oh! Pa Ra Sa Ta U Wa Yeah!
The famous Nicos of Nestle Iced Tea is back! At siyempre pa, eto na naman siya sa pamomroblema kay Matina. Musical naman ang genre ng film na ito. Kumakanta sila most of the time habang sini-share ng father ni Nicos ang secret para mapasagot ang isang baba. Love the songs lalo na ang “Abakada ng Matamis na Oo.” Kinanta-kanta ko pa siya pagkalabas namin ng cinema. At bukod kay Coco Martin, crush ko na si Nicos! In fairness, may boses din pala siya. :)
7. Downtown
(Copied for PEP Review): A bittersweet glimpse into the life of an aging man who makes baby steps to get his life back on track. Viewers will get to see vignettes of life in Binondo in this quiet story about love. Like Silup, it has a simple narrative structure but the buildup and the payoff is so much better.
8. Tingala sa Baba
(Copied for PEP Review): Two boys are playing on a seesaw. One of them is well-off and chubby, while the other is less fortunate and lanky. Because of his weight, the rich kid is stuck at the bottom of the seesaw. How will they reverse their positions? This short imparts important lessons about social class, charity, and friendship.
Ito ang pinakafave ko sa lahat. Simple lang siya. Sa sobrang simple niya ay iisa lang ang naging setting – sa isang seesaw. pero ewan ko ba. Touch na touch lang talaga ako sa movie. You will find yourself smiling sa buong duration ng movie dahil na rin sa usapan ng dalawang bata. Ganda ng shot lalo na nung ending. At maganda ang pagkakalapat ng music. (Naks! Parang professional critic!)
9. Cooking Mo, Cooking Ko
(Copied for PEP Review): Direk Chris puts a culinary twist to the classic tale of Romeo and Juliet. The Capule family and the Montano family take their dispute to the kitchen as they try to outdo each other's recipe in their respective eateries. The star-crossed lovers must find a way to unite their families. This Shakespearean parody hits a comedy goldmine.
10. Sign Seeker
(Copied for PEP Review): A torpe, superstitious guy asks for signs if he should ask his crush out on a date. Solenn looks gorgeous as the female officemate who is the girl of his dreams. I know it's meant to be light-hearted, but it gives a silly ending to a whimsical film. I guess John Lloyd Cruz's charm can only do so much.
Siyempre, dahil si Lloydi ang bida, fave ko siya diba? Pero aside from that, gusto ko din ito dahil na rin sa relate na relate ako! Kung ikaw ang tipo ng taong hindi makuntento at duda pa sa isang sign na hinihingi, pwes sapul na sapul ka dito!
Randomness and Happiness
Okay, sorry for the title. I know it sounds so girly-ish or just some ish, but please bear with me on this. I’m just so delighted I wanna do some happy dance right this very moment. Ha-ha… So eneweiz, let me give you some random, happy things that have happened to me lately. - Finally got to visit Tagaytay. And although I know I wouldn’t have time to really see the city because it was a business trip, I’m still a bit excited about the road trip. Kasi I would get the chance na madaanan ang mga lugar na sa TV or libro ko lang naririnig. Yeah, call me a loser or mababaw ang kaligayahan pero sorry talaga, Bisaya at laking Cebu/Gensan kaya thrilled ako ideyang iyon.
- Had the chance to eat their delicious Bulalo at Mahogany Public Market and burger at Mushroom Burger.
- Finally saw my dream house (chos!). Sobrang naamaze lang ako (hindi lang ako actually kundi maging ang tatlo ko pang kasama managers) when we saw this not so big house and yet sobrang elegant. Maliit lang ang lot pero andun ang lahat ng room na gusto ko. Attic, music room, three bedrooms, second floor libing room, counter bar and lanai. Oh diba, bongga?
- Haven’t done any manuscript yet since second week of April. Oh ha? Ako na ang tamad! Pero hindi yan isa sa mga happy things actually. Pero ang nakakatuwa lang and I still can’t believe it hanggang ngayon) was the fact that kahit naka-dalawang manuscript lang ako as of this year, natupad pa din ang isa sa mga wish ko.
- Got a text last June 02 from someone. Pinapapunta nila ako dun ng Saturday (June 4). Pero dahil sa June 5 pa ang dating ko [dun], nagparesched ako ng June 7. Buti na lang at pumayag sila.
- And again, napatunayan ko na naman kung gaano kagaling si Bro magplano ng mga bagay-bagay. Ang hirap i-explain, pero ang mga nangyari ay proof na tama nga ang kasabihang “everything happens for a reason.” At gaya ng nabasa ko sa The Five People You Meet in Heaven, “...there are no random acts. That we are all connected. That you can no more separate one life from another than you can separate a breeze from the wind.”
So, I’m gonna do my happy dance! Gusto niyong sumabay? :)
That "M" Thing
WARNING: The following is not intended to frighten young single ladies. This is just my opinion. I’m not looking for a fight or debate. And if you’re a fanatic of weddings/matrimonial, STOP HERE.
Last April 12, 2011, our company provided us a free seminar for Personal Finance 101 with Chinkee Tan as our speaker (you can follow him at twitter). He calls himself a wealth and life coach. He was once a comedienne during 90’s I think if I’m not mistaken. He was one of the “Hawi Boys” of Randy Santiago. And he was also featured in Rated K with his rags to riches life story. The goal of the seminar is to help those who wanted to get out of their debt, budget their money and teach them the basic on how to be financially secured. I don’t mean to brag or something, but I have been reading some financial help books a long time ago so I wasn’t surprised with some of the facts, ideas and ways he presented. In fact, I’ve already started the base of my financial planning pyramid two years ago. But what really amazed me was how great he is as a speaker. He knows how to get everybody’s attention. He cracks jokes most of the time that made the whole session enjoyable. You’ll learn while you’re laughing.
But what really caught my attention was not the “finance side” of the seminar but the “relationship thing” he taught. There’s this one quote he shared that strikes me the most. He said…
“Marriage is a decision. And decision is not just based on your feelings but is based in choice and commitment.”
You choose to marry that one person you wanted to be with for the rest of your life. Therefore, you are committed to stay with him/her no matter what the future holds. Like the wedding vows, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health. Until death do us part. If you aren’t ready for that commitment, then don’t get married. And as what Chinkee cited, the moment he decided to marry his wife, he chose to look to one woman only. Therefore he is committed to never take a second glance with other girls. He then jokingly said that its’ the “second look” that gets him into trouble.
Love is not enough for a marriage or a relationship to work. “Ang pag-aasawa ay hindi isang kanin na pwede mong iluwa kapag napaso ka.” Marriage is a lifetime commitment. I’ve heard those things before. But it is only now that they were starting to sink in fully.
Yes. Falling in love is a wonderful feeling. Who wouldn’t want to fall in love? Ayokong magpakaipokrita. I too, sometimes wish that I’ll be able to find my “The One” or “Mr. Right” or whatever you call it. I also hope to be with someone else just like some of my friends who are now happy with their relationship. I too, wanted to be just like every normal girl – waiting for the day that some guy will sweep them off their feet.
But then… A big, big BUT THEN:
Hearing that quote from Chinkee Tan and the everyday complaints of my already-married officemates, made me think and assess myself. And you know what I have found? THESE… I’m not fond of kids. I don’t know why but I’m always having a hard time mingling with them. I’m not patient. I’m not a morning person. I don’t know how to cook decent food. I’m scared of getting pregnant. Just thinking of the nine months agony and its labor process bothers me. I can’t see myself waking up in the middle of the night changing baby’s wet diaper or trying so hard to get him back to sleep. I’m still not satisfied with what I have achieved so far. And I still have other plans for my family (mother & brother).
Indeed… Marriage is something serious. It is a lifetime commitment. Getting married means you’re ready to forget about yourself and maybe giving up some of your usual habits (like shopping, travelling and sleeping for 10 hours straight). You always have to think of the family’s welfare first before yourself. Comfortable shelter, kid’s education, raising your kids properly, food, bills... Ugh! Never-ending list! Freaking scary!
Only now did I fully realize that I may be ready to fall in love again but I’m not yet ready to commit.
NOT NOW.
And I don’t know when…
Wazzup?

Wazzup folks? Wazzup dude? Hehe.. Ang adik lang.
Yan lately si Maan Beltran. Isang malaking A.D.I.K…
Well, what’s going up lately with Maan Beltran? Just the usual stuff, really. Walang malaking eksena’ng nagaganap lately. Here’s ramdom latest about me this past few days.
1. Writing, writing, writing: As of this moment, seryoso pa ko sa quota ko this year. So asahan niyong starting today. Magla-lie low muna aketch sa FB page ko at twitter. Received also good news yesterday from my PHR editor. Approved na ang first manuscript ko this year. Working now on my trilogy (Yes! Ako na ang magaling! Haha) and a stand-alone book na magkakaroon ng apat na sequel.
2. Working, working, working: Aside sa pagpupuyat ko dahil sa pagsusulat. Active pa din po ako sa full time day job ko. Last week lang ay nag-leave ng bongga ang counterpart ko so tambak ako sa work. I don’t have a choice but to handle the nationwide operation of the group.
3. Extending moral support to my dear friends: Within a week lang, I received three news from my dearest friends. Two good and one bad.
a. My friend Ayin (college barkada) just got her break (at last!) from her work. She’ll be assigned to US for three months for some work and training related eklavu. Grabeng pray at pagsindi ng kandila ang ginawa namin para lang maapproved ang visa niya. Text brigade din ang ginawa ko sa iba pang friends para lang mas tumindi ang power. And thank God, naapprove nga! Yiipppppeee!! So happy for my friend! She’s scheduled to leave the country this weekend (Feb 12).
b. My highschool barkada Lorna texted me the other day. Asking me if I’m willing to be a godmother for her baby. Manganganak na siya anytime soon and I’m so excited! She’s currently based in Manila right now at nakascheduled akong pumunta doon for a business trip this March. Hopefully, magkita kami with her baby by then. :)
c. But then I got sad news from another highschool barkada– Basha. Nag-apply din pala siya ng tourist visa same sched with my friend Ayin. Unfortunately, denied siya. Pinagalitan ko nga. Dapat sinabi niya sakin ahead of time para naman masama ko siya sa prayers ko.. Well, better luck next time. Plano yata niyang mag-apply ulit ng tourist visa sa May. Sana by then ay ma-approved na siya.
4. Currently addicted to anything romance: Dahil nga seryoso ako sa aking quota, naghahanap ako ng mga materials na sa tingin ko ay magiging inspirasyon ko sa pagsusulat. Lahat na lang yata pinatos ko eh. Hollywood romantic movies, asian, anime, love songs, name it! Reyna ako ng pagda-download ngayong panahong ito. Hahaha.. So far ang tumatak pa lang sakin ay: Tangled (movie), First Love (Taiwan movie), I Give My First Love To You (Korean Movie), Kimi ni Todoke (anime series). As for songs, sobrang dami nila para ilista ko pa. But right now, I am addicted to Jojo’s new song – Underneath. Ang ganda kasi ng lyrics.
5. Worst ever addiction to FB and twitter: Kailangan ko na yatang mag-self imposed internet ban. Dahil palala ng palala araw-araw ang pagkaadik ko sa kanila. Kung friends o follower ko kayo, malamang sasang-ayon kayo dito.
And lastly,
I got sick for three days. :( Yeah, that was the saddest thing happened to me. Pero infairlalu huh? For more than a year, ngayon lang ulit ako tinablan ng sakit! Akalain mong nagkakasakit pa ang dambuhalang tulad ko? Hahaha.. Pero hindi naman ganun kataas ang lagnat ko. I can still manage to laugh and crack a joke during that time. Hindi ko nga lang matagalan. Buti na lang talaga at tumagal lang siya ng three days.
Well I think that sums up everything that happened to me lately. Until next time, mga kapwa ko eksenadora. Ciao
2011 Goal List
Three weeks na ang dumaan sa 2011 and yet hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapagpost dito.. Hanubayan! Naisip ko, saka na ko magpopost kapag may importanteng eksena na sa buhay ko.. Kaso, tinatamad akong magtrabaho now at inaantok pa ko. Kaya eto, gagawa na lang ako para malibang naman ako.. Hihi… Nabanggit ko na sa previous post ko na gagawa ako ng 2011 Goal ko. Akswaly, nagawa ko na ito bago pa man matapos ang 2010. Right after I posted my Thank You Part 2 blog entry. And so, without further ado here’s my 2011 Goal List.
1. Do at least 3 trips this year (Probably Palawan, Baguio & Hongkong). Kailangan kong ma-achieve ang Hongkong this year dahil may target ako sa sarili ko.. Hihi.. And I think I’m starting my year right. Dahil first quarter pa lang, may check na ko… I’ll have my Palawan trip this coming February. Yipee!
2. Look for other sidelines, extra income. Para namang may pinapakain akong isang dosenang inakay kung makapagsalita ako no? Hihi.. Well it’s because simula nang mabuksan ang mata ko sa kahirapan ng ating bayan – chos lang! Ang gusto ko lang naman sabihin ay nagsimula ang habit kong ‘to right after I read some financial help books. If you wanna be free financially free, start now! (chos!)
3. Finish ** manuscript. Secret muna ang number. Kahiyang ibalandra. sabihin pa lang ang ambisyosa ko! Hahaha.. but I really really want to achieve this. Kapag nagkataon, hindi lang doble ang improvement ko kaysa sa ginawa ko last year! Kahit alam kong imposible, kakaririn at eeport pa rin ako ng todo makuha ko lang ang goal na to! Aja! Tsaka, mabuti na yan. Para kapag tinanong niyo ko at the end of the year at hindi ko siya naachieve, madali na lang magsinungaling.
Crowd: Ang daya mo ate maan!
Me: Haha.. I know, right? (maarteng sagot)
4. Operation House Renovation. Whew! *punas pawis* Okay, medyo madugo ang isang ito. Hindi lang nosebleed kundi internal bleeding ang feeling ko ay aabutin ko. But I was hoping na maumpisahan na to namin with the help siyempre of my gwapo at mabait na brother. Kapag na-achieve ko ang third goal ko, kahit papano, nafoforsee ko na ang success nitong fourth na itech. Successful ang first project namin ng kapatid ko last year kaya I’m hoping this time ay magiging successful ulet ito.
And last but surely not the least:
5. DIET. Last year ay plinano ko itech. Hindi nga lang natupad. Haha... As in lumobo kasi akong talaga last year. (ipinangalandakan talaga no? Bakit ba? Sa totoo namang lumubo talaga ako!) At panay na ang pang-aaway sakin ni mudra dahil dun. Sobrang kulit na minsan ay hindi ko na siya tinatawagan para lang hindi niya ko sermonan. Kapag naman tinatawagan ko siya, pinuputol ko kaagad kapag nag-uumpisa na. Kaya ngayon, siryus na atashi! Go na kung go! Hindi ko naman inaambisyon na maging kasing sexy ako ng mga model diyan. Ang gusto ko lang ay bumalik yung dating katawan ko. Yung tamang-tama lang para sa height ko…
Hindi ko na papangaraping isali pa sa listahan ang "save money." Mapapahiya lang ako for sure. Sa dami ba naman ng plano kong gawin ngayong 2011, ang kapal na ng fez ko kapag inambisyon ko pa yun diba? Asa pa ko sa save money na yan. Next year ka na lang fwend... Hihi..
Kaya wish me luck pipolness. Makaya ko sana itong pagpapahirap ko sa sarili ko! Haha…
Thank You (Part 2)

Okay, friendships and mga kapwa ko epal at eksenadora, siryus muna si oka uki? Ito ang buwan kung saan very active ang aking endocrine glands (tama ba? Bobo ako sa science eh.) kaya madalas ay madrama ako.. Patapos na kasi ang taon at nangangalap ako ng regalo kaya kailangang mag-emote. Baka sakaling may maawa. Haha.. Pero siryus pipolness, ang susunod na programang inyong mapapanood ay nangangailangan ng patnubay ng mga kaibigan. Huwag masyadong madala at huwag niyong sapawan ang kadramahan ko! Moment ko ‘to!
I can say that this has been the best year ever of my life. Marami na kong natanggap na blessing last year at sa tingin ko ay dumoble pa siya this year. And I couldn’t thank God enough for all of these. Minsan nga naiiyak na ko sa tuwing nakikipag-usap ako kay Bro. (Opo. Kahit ang mga epal at eksenadorang tulad ko ay marunong ding umiyak.) Kasi iniisip ko, ano bang maganda o mabuting ginawa ko to deserve all these blessings? Parang wala naman yata. Alam ko hindi dapat kinukwestiyon iyon. Dapat ay nagpapasalamat ka lang dawn g nagpapasalamat. And I am. Minsan lang talaga, hindi ko ma-grasp yung idea how blessed I am for having all of these. Ni hindi ko alam kung worthy ba ko sa mga blessing na natatanggap ko. But then again sabi nga ng mga friends ko, hindi ibibigay sakin to kung hindi siya talaga para sakin. Kaya siguro nga para kay God, worthy ako. Kaya sige na nga… wala nang Q&A portion pa. Kaya eto na lang ang gagawin ko, ang mag-thank you ng mag-thank you. Para na kong sirang plaka nito kasi everyday na lang yata ito ang script ng prayers ko lagi. Pero still, ito lang yata ang script na hindi ko pagsasawaang i-deliver…
I know nakapagsulat na ko ng first Thank You note ko sa FB, pero gusto ko lang ulitin dito. This is my Thank You note part 2. Ginagawa ko talaga ito every end of the year.Ang magmuni-muni sa mga bagay na nangyari sakin from January to December. Only this time, in public na dahil meron na kong blog.
First: Si Bro siyempre.
I may not be very religious just like my bestfriend pero isa lang ang bagay na never na nawala sakin. Remember the verse na binigay sakin ng bestfriend ko seven years ago? Proverbs 3: 4-6… “Trust in the Lord with all your heart. And lean not on your own understanding. In all your ways, acknowledge Him and He will direct your path.” Iyon lang ang palaging binabalik-balikan ko, at alam ko na agad na hindi Mo ako iiwan no matter what happen. Masasabi kong wala akong maalalang mabigat na problemang naranasan this year (thank you ulit Bro for that.) Or maybe meron pero hindi ko lang ma-acknowledge na mabigat dahil lagi kong iniisip na may ibang taong mas mabigat ang problema kaysa sa kinakaharap ko ngayon. That I am still blessed despite everything.
Second: To my family and closest relatives
Sabi nila, kapag may itinanim, may aanihin. Pag may tiyaga, may nilaga. People around us would always tell my mom how lucky she is for having us as her mga anak. Biro pa ng iba, jetsetter na daw ang nanay ko dahil mani na lang para dito ang magpabalik-balik ng Cebu. Nakapamasyal na rin ito sa ibang lugar at kahit hindi na magtrabaho ay pwede pa ring mabuhay. At iyon ay dahil daw sa amin na mga anak niya. Siguro nga, somehow… totoo iyon. Pero para sa amin ng brother ko, kami ang maswerte for having her as our mother. Inaani lang ng nanay naming ngayon ang itinanim niya noon. Nagsakripisyo at nagtiyaga siya for us kaya ngayon ay kumakain na siya ng nilaga. And I thank God for giving us the best mother in the world. Hindi lang siya ina para sakin, bestfriend ko din siya. Supportive, loving, caring at mahaba ang pasensiya sa tamad na tulad ko. Hahanap pa ba ko ng ibang nanay kung nasa amin na ang dabest?
To my closest Titos and Titas na kahit noong mga bata pa man kami ng bro ko ay mataas na ang expectations sa amin. They love us so much kaya nakakatakot na bigyan sila ng disappointment. Maliban sa aking mamang, sila din ang nagsilbing guardian at second father sa amin. I remember, Tita ko ang namimili ng mga school supplies namin tuwing pasukan dahil can’t afford si mudra noon. Tito ko ang naghahatid sakin papuntang school dahil busy si mother sa trabaho. Never nila kaming pinabayaan. At sa bawat achievement na nakukuha namin ng kapatid ko, hindi lang si Mamang ang proud sa amin, kundi maging sila na rin. Kaya salamat po sa lahat ng pagmamahal at tulong noong mga panahong kailangang-kailangan namin iyon.
Third: True Friends
Laging sinasabi sakin ni Mamang noon, magaling daw akong mamili ng kaibigan. Proven and tested niya na iyon. From my elementary friends to my co-writers, lahat nakilala niya na. Well, hindi pa ang mga co-writers ko, pero sa mga stories na sinasabi ko sa kanya, excited na siyang mameet sila para mapasalamatan. Kaya never akong nakatanggap ng sermon sa nanay ko tungkol sa pagbabarkada. Kasi she trust me enough to know na ang mga kinakaibigan ko ay mga taong hindi B.I sa buhay ko. Mula noon, hanggang ngayon, subok ko na ang friendship nila. Wala akong hundreds or thousands friends gaya ng iba diyan. Konti lang ang kaibigan ko, pero maipagmamayabang ko sa lahat na kahit hindi sila umabot ng one hundred, mga tunay ko silang kaibigan na kaya kong lapitan in case mangailangan ako.
Hindi ko na sila papangalanan dahil alam na nila kung sino sila. To my elementary friends, KSVS group kung saan kasama ko dito ang bestfriend ko(HS), BCP (college), Wiccan sisters, Bunso and my other closest co-writers, PPG, maraming maraming salamat at dumating kayo sa buhay ko… Thank you so much for everything. Alam kong rinding-rindi na kayo sa thank you pero again, salamat ng marami. I am not that good in expressing my true feelings pero believe me, mukha man akong walang pakialam sa mundo, mahal na mahal ko kayo. At hindi ko na maimagine ang buhay ko na wala kayo.
Fourth: Job
Thank you for co-workers that values and acknowledge your effort very much. And also treats you like a family. For a stable job, well compensated, overflowing benefits and kind boss… What more can you ask for?
Fifth: for the Talent and new found friends
Hindi ko akalaing dahil lang sa isang simpleng hobby ay magiging mas makulay at mas masaya ang buhay ko. It started as a desire to see my name (my pen name actually) printed on one of PHR and MSV’s book. Sabi ko noon, kahit isa lang masaya na ko. But then, siguro may mas magandang plano si Bro. From multiply kulitan to twitter to FB, sinong magsasabing dahil lang sa kanila ay makakahanap ako ng mga kaibigang kahit ocean’s apart ang drama ay alam kong totoo at maaasahan ko? Lalung-lalo na sa aking Wiccan Sisters, sa tiwalag Wiccan na si Victoria Amor, PPG at Bunsoy Mariane Reign. At ang dating hangarin na isang published novel lang, ngayon ay 5 na sa PHR at 10 sa MSV. Again, sinong mag-aakala?
Sixth: Readers
People who takes time to send you message and search you on FB just to tell you na gusto nila ang book mo and encouraging you na magsulat pa ng madami. Bilang na bilang ko po kayong lahat, huwag po kayong mag-alala. Hehe.. kung milyonarya lang ako, may regalo na sana kayo ngayong kapaskuhan.. J Maraming salamat sa pagbili ng mga libro ko, for taking time to read them kahit na alam niyong baguhan lang ako and for liking them. Kayo po ang isa sa mga dahilan kung bakit nagpapakapuyat akong gumawa ng stories kahit na may pasok pa ko kinabukasan. Sana po ay hindi kayo magsawa. Maraming-maraming salamat po ulit.
Special mention of course kay Mary Jhoy Durano Balboa… Hay naku… *sigh* hindi ko alam kung papano kita pasasalamatan ng sobra at kung papano ako babawi sa lahat ng mga binigay mo na sakin. Una na ang pagbili mo ng mga books ko, sumunod ang paggawa mo ng FB page at higit sa lahat sa mga cakes, brownies at chocolates na pinaghirapan mong i-bake sa tuwing dumadayo ako ng Manila. Super duper thank you sa friendship. Isa ka sa mga taong gusto kong ikeep forever… At gaya nga ng sabi mo, I Heart You So Much!
Kaya kahit na hindi ko natupad ang lahat ng Goal ko for this 2010, keri lang teh… Sa mga blessings pa lang na natanggap ko, sobra-sobra na sila. Sabi nga ng roommate ko, ang swerte-swerte ko daw. Bakit daw mukhang wala akong problemang mabigat ngayong taong ito? Well… Hindi ko rin alam.. Or maybe, ito ang sagot…
Positive outlook in life, appreciation, trusting God and value what you have in life…
Iyon sa tingin ko ang ilan sa mga dahilan kung bakit nalagpasan ko ang taong ito ng may ngiti sa labi. Sana ay ganun din kayo.
Merry Christmas to all and have a fruitful New Year for all of us!
Hit That Goal!

So eneweiz gokongwei, nasa-sight niyo ba olweiz na ang hilig-hilig kong mag-umpisa ng blog in English? As if naman kaya kong panindigan! Hay naku, makapag-eksena na nga lang! I started this goal listing nitong 2010 lang. Right after one of the managers handed me books about financial help chorva. Basahin ko raw at sundin ko kung gusto kong maging financially stable ek-ek hangga’t bata pa ko at nang hindi naman dumepende sa sahod ko lang. Umagree naman ako ng bonggang-bongga kaya tinanggap ko ang pinahiram niya saking book. It was a book by David Bach entitled Smart Women Finish Rich and Cashflow Quadrant: Rich Dad's Guide to Financial Freedom by Robert T. Kiyosaki. Very inspiring at may mga realization eklavu kang malalaman kaagad hindi mo pa man natatapos ang libro. Sey mo kafatid? My manager serves as my mentor when it comes to money issues. With him, marami akong natutunan. At paunti-unti, inaapply ko yun ngayon.
Una ko ngang sinunod ang sinabi ni David Bach, list down your short term goal and long term goal. Siyempre meron akong long term goal. Huwag na nating ungkatin pa iyon at isang sekretong malapit iyon. Para sa aking short term goal, naisip kong gawin siyang yearly. Kaya naipanganak si 2010 Goal List. Kaso nung tapos ko ng gawin ang listahan ko, isa lang ang napansin ko… puro gastos pa rin ang nasa listahan. *nahulog bigla sa upuan* Bwahahaha… Ano ba naman yan! Naglista pa ko diba? Pero sabi ko, keri lang yan. Keber sa panlalait ni self kay self! Umpisa pa lang naman ‘to. Balansehin ko na lang ng maayos para hindi ko na naman tapusin ang taong ito na luhaan at masakit ang dibdib.
So here it is… 2010 List of Goals. Ginawa ko ito last December 2009. And now na patapos na ang taon, siyempre ito na ang yung pinaka-exciting moment. At iyon ay ang… drum roll please! *drums rolling*
… ang okrayin ang sarili ko kung nalagyan ko ba ng isang malaking check ang mga pinaglilista ko sa 2010 Goal ko!
Haha... Nyemas na yan! Now pipolness, just to make it clear lang huh? And I would like to stress this out din na kahit ako ay hindi proud sa isa kong ugali’ng ito. I have some difficulties when it comes to discipline. Matigas talaga ang ulo ko and I sometimes tend to break the rules. Even ang rules na isini-set ko sa sarili ko.
2010 Goal List
1. Digicam
2. Laptop
3. Camiguin trip
4. Palawan trip
5. Finish 12 manuscripts
6. Start mutual funds
7. Ipod touch
And the results?
1. Digicam
2.
3.
4. Palawan trip – but I got to spend a weekend at Manila (take note: it’s personal expense and not company) and Byaheng South (Cebu) with my friends. Siguro naman pwede na yun as my second trip for this year ano?
5. Finish 12 manuscripts – okay, so wala akong ibang rason sa isang ito kundi… isang malaki at nagmamagandang KATAMARAN!! Blame it on movie, series and anime marathon. Gaaahhh!
6.
7. Ipod touch
Pwede ko pang mahabol ang digicam bago ako umuwi ng gensan (this December 22). With ipod touch, I’m not sure. I’m having second thoughts na with it. Pak teh! Signos na ba itech ng aketsewang tuluy-tuloy walang prenong pagbabagong buhay? OMG! Achievement ito teh! Pang-guiness! Palakpakan naman diyan! Haha.. Keri ko na naman kasing mabuhay ng walang ipod touch eh. Andyan naman ang laptop ko at cellphone. Hay, bahala ka na nga batman! Pero nakadepende pa iyan sa butihing boss of all boss namin na si Tito Manny. Malalaman ang verdict ngayong nationwide Christmas party namin. Wish me luck padlock!
Results: 3 out of 7. Kung isasama ko pa ang number 6 dahil choice kong baguhin iyon, 4 out of 7. For a hard-headed gal like me, isang malaking himala na yan pramis! And besides, the point here is, matapos ko ang taong ito na masasabi kong malaki ang nagbago sakin. Not for the worse, but for the better. Kaya kung tatanungin niyo ko kung naging masaya ba ang 2010 ko.. aba teh. Naman! To the highest sapin-sapin lebel!
PS: Isa sa mga to-do-list ko ay ang umpisahan na ang 2011 Goal List ko before the year ends.
Byaheng South...
My friends (Ayin and Cassie) and I thought this would be the best time to experience discovering some place together. Ayin and I love to travel a lot. We make it a point to travel at least once every year. We’ve been doing that for two years now and since then we haven’t really had the chance to travel and explore things together. Like this year, I took my holy week vacation at Camiguin with my writer friends while Ayin had her late summer vacation at Baguio together with her officemates.
And so we decided to grab this opportunity. Problem is, we don’t have an ample time and enough money to travel around Palawan, Tagaytay or even Dumaguete. So that leaves us to one particular idea - Explore the southern part of Cebu Island. And the first part of exploration starts with: Carcar and Argao.
Oh ha? Nasurvive ko ang dalawang paragraph in plain English! Punyemas, dinugo ako ng todo. Gusto ko sanang mag-english ng bongga sa particular entry na ‘to, kaso lang... malaking eksena yun pag nagkataon diba? Spot the difference ang drama kapag ginawa ko yun kung ang mga previous ko namang ginawa ay may halong kaechosan naman. (Liban na lang dun sa copy-paste ha? Hindi naman akin yun originally.) So eneweiz, pasensiya na mga kafatid, nagsusumigaw talaga ang pagiging walang sense ko. Asan na ba tayo? Ah ayun!
So iyonchi na nga, nagdisappear kami sa city of Cebu ng 7:15 ng umaga. Sakay ng pamosong Carcar minibus kung saan ay kilala sa sobrang bilis magpatakbo. As in to the highest level na bilis ka? Keber sa overspeeding ang drama ng mga driver ditech. “Biyaheng Langit” nga sey pa nga ng iba. Oh diba? Sa minibus pa lang, katakot-takot na adventure na agad ang mae-experience mo. Andyang kakapit ka ng mahigpit sa upuan sa tuwing mag-oovertake ang lintek na minibus. Alam na ngang alanganin, magpupumilit pang sumiksik?! Nariyang mapapasigaw ka na para kang nanonood ng horror movie sa sinehan sa tuwing dinidiinan ng driver ang break ng ura-urada. At higit sa lahat, mahihilo ka sa halu-halong baho ng mga pasahero dahil para na kayong sardinas sa loob. Normal ng madikit sa buhok mo ang baho ng kili-kili ng nakatayong pasahero sa gilid mo. Bakit kamo? Dahil ang epal na kundoktor, nakatayo na nga ang iba (dahil wala ng maupuan), pick up pa rin ng pick up ng pasahero. Sa pagsigaw nito ng “Meron pa pong bakante! Dali! Bilis!” ay kasabay niyon ang pagtaas ng kilay mo. Saan mo ilalagay ang bagong sakay na pasahero, aber? Sa kandungan ng driver? Kalurkey ka koya (ang kundoktor)!
Siyempre pa dahil nga siksikan ang lahat, hirap na ring makadaan ang kundoktor para maningil ng pamasahe. Ang siste, kailangan niyang makipagkiskisan sa mga lalaking nakatayo. At bilang hindi lang nasa dugo ko ang pagiging berde kundi maging sa utak na rin, bigla akong napangisi nang bigla akong may naisip na kalokohan. Pinalitan ko sa isip ang tatak ng Carcar minibus. From “biyaheng langit” to “Biyaheng Brokeback Mountain!” Nawindang ang utak at mata ko sa tuwing kumikiskis ang harapan ni koya kundoktor sa likuran ni amang pasahero. Ang sagwang tingnan teh pramis! Hahaha…
Nakarating kami sa wakas ng Carcar Proper ng bandang 8:15. Sumakay ng tricycle para ihatid kami sa aming first destination: Ang Theotokos Shrine. We figured its best to start your travel with the Lord’s guidance. (Naks!) nandoon ang malaking rebulto ni Mama Mary. At dahil isa siyang sacred place, hindi pwede ang sobrang kulit at ingay diba? Kaya pigil na pigil kami sa picture namin. Kita niyo naman? So konting picture lang tapos dasal.


Sunod naming pinuntahan ay ang Carcar Museum na matatagpuan sa gilid ng Carcar Church. Pero dahil isa kaming malaking engot, hindi namin naisip na baka sarado siya dahil holiday nga diba? Sumalubong samin ang saradong museum. Tsk, tsk... Disappointing. Inechos-echos pa namin si Mamang Bantay sa pagbabakasakaling bumigay. Pero asa pa kami? Sino ba kami diba? Kaya nakuntento na lang kaming sumilip-silip sa loob, magpose sa labas ng museum at kunan ang pahamak na padlock. Hayst… It hurts, you know. :( Sayang! Akala pa naman namin ay makakaharbat na kami ng antique products. Chos!
Dahil wala naman kaming napala sa museum, tumuloy na lang kami ng Argao. Walking distance lang ang sakayan ng jeep to Argao from Carcar church. Nang papunta na kami doon, napadaan kami sa isang stall kung saan may nagtitinda ng sapatos. Kilala ang Carcar sa paggawa ng matitibay at murang sapatos. Kaya nakiusyoso kami. Baka sakaling may magustuhan. Cassie bought a pair of flats for 80.00 pesos. At kami ni Ayin? Well... matapos ang maha-habang hanapan – nagkita na rin kami ng sapatos na gusto ko! At long last! Yihee!! Sa halagang 200 pesos ay meron na kong ganito…
Dyaran! Ganda diba? I love this kasi komportable sa paa. Mahal nga lang sa City kaya di ako makabili-bili. Akin yang blue siyempre. Kay Ayin yang black.Mga more or less ay 40 minutes lang ang biyahe from Carcar to Argao kung sasakay ka ng pampaserhong jeep. It was a nice trip dahil nagkaroon kami ng instant tour guide sa katauhan ni Manong I-love-Argao (We forgot to ask his name). Binanggit niya samin lahat ng lugar na dapat naming puntahan sa Argao maging ang pamasahe. In fairness kay Manong, truelili lahat ng sinabi niya. Lalo na sa pamasahe portion. Hihi..
So eneweiz, gora ulit sa Old Church ng Argao kung saan sobrang byonda naman talaga ng lugar! Kung ikaw ay mahilig sa mga old stuffs and building, for sure magugustuhan mo ang lugar na iyon. Kulang na lang ay magsuot ako ng Filipiana para masabing in ako. May naiimagine din ako na may mga taong naglalakad doon in black in white version dahil panahon pa ni Jose Rizal o Andres Bonifacio.

Sa gilid ng Argao Church ay ang Hall of Justice nila. Maganda din ang building, hindi nga lang namin makunan dahil may mga tao. :) Sa harap ay ang old chapel na sabi ni Manong I-love-Argao ay mas luma pa sa mismong church. Sa tabi ng old chapel ay isang luma at medyo sira ng arc. May nakalagay na 400 sa ibabaw. Hindi ko alam kung hindi masyadong inexplain ni Manong o talagang lumulutang ang utak ko nung nasa biyahe kami dahil hindi ko sure kung 400 BC ba iyon o 400 years old. Either way, luma na siyang talaga.
And here’s more at sobrang gusto ko… Konting lakad pa sa arkong iyon ay masa-sight mo ang dagat! Oh ha? Ang echos diba? Pwede kang mag emote ng todo dun pagkatapos mong magkumpisal kay Padre sa simbahan. :) Ang bongga dun lalo na sa gabi. Sarap ng may ka-HHWW. Hihi.. As if meron ano?

Picture to sawa sa mga magagandang spot doon. At dahil hindi kami nakapasok sa Carcar Museum, pinasok naming ang Argao Heritage. Para siyang katulad ng Old convent sa Siquijor. Only, mas alaga sa Argao dahil doon din nag-oopisina ang butihing mayor ng Argao.


Past one na kami nakapaglunch. Walking distance lang sa Argao Church ay makikita mo ang Alex Kafe. Nirecommend lang din iyon samin ng officemate ni Ayin. In fairlalu talaga sa kafe na iyon, mura lang ang pagkain pero talap-talap naman ng mga ulam. For 87 pesos ay may kalderata, 3 piece lumpia at one and a half plain rice na ko. Not bad huh? And the place was great. Ganda ng ambience at tahimik. I love it there. I recommend them kapag pupunta kayo ng Argao.
Next stop ay ang Argao Natures Park. It’s a government owned place kaya naman hindi na kami nagulat na mura lang ang entrance fee. And for 35 pesos, pwede ka ng makapag-canopy walk, zipline (40 meters wide and 30 feet high), and boating. 10 pesos lang din ang wall climbing nila. Oh ha? Pangmasa diba? I love the place. It’s close to nature at kahit mahina lang ang development dahil nga government owned, makikita mong malaki ang potential niyang gumanda pa lalo in coming years. Libre ang cottage nila. May hammock pa kaming nakita somewhere. And what I love most was the fresh air. Bihira ka lang kasing makakalanghap nun sa syudad. At malamig pa! Talking about province ang BER month. We stayed for a little while at the park. Kumain ng chichirya at nagmasid-masid sa place. Enjoying the moment.



Next and last stop for the day ay ang Riverstone Castle. Namangha ako sa place, really! Maliit na kastilyo talaga ang dating! Nataranta kami ng friends ko sa loob dahil hindi namin alam kung saang parte ng kastilyo kami unang magpapapicture. Haha… Ang dami kasing magandang eksena. Kompleto ang drama ng mini-kastilyo mga friendship. May rebulto ng knights sa bungad ng castle, wine cellar (though hindi kami sure kung may imbakan ng wine nga sa loob), true crocodile na nangangain ng mga aliping taksil at kaaway ng palasyo (echos lang!), kalesa at iba pa. Kung sa Old Argao church ay gusto mong mag-Filipiana, sa riverstone naman ay parang trip mong magbihis reyna o prinsesa para lang bumagay sa lugar. It was designed by a Belgian National at its a private owned place kaya naman mas mahal ang entrance fee niya kaysa sa Natures Park. Kailangan mo ring paghintayin ang tricycle sa labas kung ayaw mong mahirapang makauwi. Wala kasing dumadaang sasakyan doon.
Riverstone also caters overnight stay there. For more info regarding the room rates, you can contact them at 367-7641 or 367-7214.



Umuwi kami ng Cebu ng pagod na pagod pero super satisfied naman sa lakad. And we do hope na magawa na namin ang Part 2 ng South Exploration namin.
For the benefit of those who love to explore the Carcar and Argao, here’s the complete list of our expenses:
Cebu – Carcar: 40.00
Carcar Proper to Theotokos: 10.00
Theotokos to Carcar Church (where the Carcar Museum is located): 7.00
Carcar to Argao: 25.00
Argao Church to Nature’s Park: 6.00
Inside the Park:
Entrance Fee: 5.00
Canopy Walk: 10.00
Ziplining: 20.00
Boating: 5.00
Wall Climbing: 10.00
Natures Park to Riverstone (two way): 30 pesos (plus additional para sa effort ni Mamang Driver sa paghihintay sa inyo)
Argao to Cebu (CERES bus): 64.00
Others: Food: 87.00
TOTAL EXPENSES: 319.00


