Showing posts with label writing. Show all posts
Showing posts with label writing. Show all posts
10

Unexpected Moments

Kumusta mga kaeksenadora? Susko! March pa ang huling entry ko! Kumusta naman diba? Kinatamaran na ang pagbablog! Sabi nung isa kong friend na nanggaya lang din daw ng blog ko, wala na daw kwenta ang aking site! Eh kasi naman, waley na kong machika. Am a praybeyt persen [person] yah know! Charlot! Artista lang ang peg! Haha…

So eneweiz, bilang respeto sa friend kong naghahanap ng bagong entry dito, kaya eto, new entry ulet! Napipilitan lang akez yah know! Hahaha… Charaught lang! Seryoso mga ateng, magpapasalamat lang akez sa mga readers na sa kabila ng lulubog-lilitaw na status ko sa writing world ay mahal pa din ako ng bonggels! O dali, prepare your handkerchief na! Hindi yan para sa luha, gaga. (Ahay! Sorry for the word!) Wit mo na asahan na pang-MMK itechiwa. Wala lang. Trip ko lang na pakuhanin ka ng panyo. Hihi…

Aamin na si atashi. Isa akong malaking autistic at bipolar. (Oo! Hinakot ko na lahat!) May mga moments in layp kung saan dinadalaw ako ni insecurity at jealousy. Memoryado ko na ang visiting hours niyan. Tuwing may bagong release ang mga writers na pamilyar na sakin o kapag may bagong series ang kasabayan kong writers. Jealousy ang tawag sa unang dalawang rason ko. Sa mga panahong iyan ko narerealize na hindi lang ako fanatic ni Juan Tamad, isa yata ako sa mga long lost granddaughter niya! Dumadalaw din si insecurity sa tuwing feeling ko ay walang nagbabasa ng libro ko; Or most of the time, trip niya lang talagang dalawin ako for no reason at all. Daig niya pang ang BFF ko. Basta na lang pumapasok ng bahay ng walang paalam. Oh well, sadyang ganyan talaga si insecurity, isang malaking epal sa buhay ko at waley na kong magagawa doon.

Pero sadya ding may mga pipolets na hindi mo inaasahang darating sa buhay mo na magpaparamdam sayo kung gaano tayo kaespesyal. Iyong tipong wala kang kamuwang-muwang, binago mo na pala ang buhay nila. Ansabeehh!! Exagg lang ang drama! Haha… Hanggang espesyal lang tayo mga bakla. Wit na iyong “changing lives.” Di naman tayo si PLDT na may tagline pang ganun. So eneweiz, sa hinaba-haba ng intro ko (partida, tatlong paragraph!), ang point ko lang naman ay magtethank you lang ako sa mga piling readers na naging parte na ng buhay ko at eventually ay kaibigan na ang tingin ko at hindi na isang reader lang. Witchikels ko knowings kung anong pambobola ang ginawa ng mga ito at nagtagumpay silang bilugin ang utak ko. Kasi hindi naman ako talaga masyadong tumatagal sa isang conversation. Madalas sa hindi, iniiwan ko na lang basta mga kausap ko. Kinatatamaran ko ang pagreply. Hindi ko ikakamatay na hindi magtext sa isang araw. Baka nga matagalan ko pang walang katext sa isang buwan! Swear! Wiz kita binobola! Kahit iverify niyo pa yan sa numero unong reklamador sa pagiging tamad kong magtext – ang mudra ko! Pero may mga pagkakataon naman na feel na feel kong sumagot at makipag-interact. Malamang natiyempuhan akong kausapin ng mga ito nang mga panahong unstable ang utak ko kaya swak agad. Kaya heto na pipolets, ang mga magaling sa pambobola! :)

1. Jhoy Balboa and TGVamps. Tandang-tanda ko pa ang unang pag-uusap namin ni Jhoy. Bakit ko kamo tanda? Dahil nang minsang naglinis ako ng inbox, nakita ko ang conversation namin. At ang lakas ng tawa ko habang binabalikan iyon dahil masyado kaming pormal mag-usap! Sinong mag-aakala na may tinatago pala kaming sungay at nakamaskara lang pala kami that time? Matipid si Jhoy sa mga bola niya. Puro “maganda” at “sulat ka pa” lang sinabi niya. Hmp! Di man lang nabusog ang ego ko! Tse! Hehehe… Siya ang pinakaunang Manila reader na kinatagpo ko. Siya ang pinakaunang reader kung saan naging komportable ako. At siya ang unang reader na nagbigay sakin ng napakasarap na cake! (Jhoy! Namimiss ko na cake mo! :D) Doon ko nakilala ang iba pa niyang kaibigan – ang PPG. Sina Frecy, Armie, Marga at Toni. Masaya silang kasama. Tawa lang kami ng tawa. Mga baliw lang tulad ko. Hindi ko reader ang mga lecheng yan. Ha-ha.. Leche talaga? Mga isa o dalawang libro ko lang ata ang meron sila. But they were honest enough and iyon ang naappreciate ko ng sobra. Hindi sila nagsinungaling. Wala iyong mga bola na gustong-gusto mong dugtungan ng “weh?!” Wala ang mga exaggeration na feeling mo pati patay ay babangon para lang sapakin ka. Ha-ha… Yes, you don’t have to be an avid reader of mine o follower para lang maging kaibigan ko. Just be honest and be yourself. Iyon ang mas hinihingi ko. Mas iyon ang naaappreciate ko. At iyon ang dahilan kung bakit ko sila naging kaibigan hanggang ngayon.

2. Rex Basical. A true-blooded bading. Yata? Ha-ha… Ewan! Naguluhan ako nang sabihin niyang gumawa ako ng Hot Intruder at siya daw ang hero! Susko! Ha-ha… Naalala ko ang unang message sakin ni Rex. Isang umaatikabong sorry dahil daw never pa siyang nakabasa ng libro ko. At naappreciate ko yun. Nakonsensya yata ang bakla nang sumunod na linggo ay bumili ng libro ko. Nagustuhan niya daw. So binili at hinanap niya pa iyong iba. Akala ko magugustuhan niya lahat. Hindi pala! Kaloka ka Rex! May ibang libro na hindi niya gaanong gusto! Ha-ha… Prangka ito. Iyong tipo ng prangka na kung seseryosohin mo ay iinit ang dugo mo. Buti na lang at half-blood bading din ako kaya nagagantihan ko ang mga panonopla niya minsan. But he is my friend. At tanggap ko na ganun siya. Ang dami niya ng nagawa for me sa totoo lang. Minsan nga ako na ang nahihiya.

3. Cebuano readers (Ivy, Nerie, Celine, Johanna). Hindi ko na tanda kung papano ko naging kaibigan ang unang tatlo. Halu-halo ata. Through multiply, FB, other writers. Ewan! At ang mga ito, bumibili ng libro ko pero never namang nagbigay ng reaksyon tungkol sa libro ko! Ni hindi ko alam kung binabasa nila o tinatambak lang! Ha-ha… But nevertheless, I love them. Actually, kung iisipin ko, iyon nga yata ang rason kung bakit ko sila mahal. He-he... Kapag kasama ko sila, nakakalimutan kong ako pala si Maan Beltran. With them, I'm just plain "H." And I love every moment na kasama ko sila. Kahit pa madalas ay nauubos ang energy ko kapag sabay na nagpapakita sakin sina Ivy, Celine at Nerie! At sila iyong tipo ng taong hindi ko trip pirmahan ang books dahil di na naman kailangan! :) And then there's Johanna, na nakilala ko trough SMP. Mahiyain ang batang itech! At tulad ni Jhoy matipid siya sa pambobola! Hindi nabusog ang ego ko! Ha-ha... Pero mahal ko ang batang ito. And of the reasons why napasama ka sa number 3 ko. :)

4. Angeli. Wag ng bigyan ng last name at baka mapatay nya ako. Ha-ha... Kung bakit? Well, continue reading mga ateng! Tulad ng number 3, hindi ko alam kung papano nagsimula ang friendship namin. Basta nagising na lang ako isang araw na natatandaan na ng utak ko ang twitter name niya. Na isa siya sa mga follower ko na gustung-gusto kong kausap. Siya ang pinakaunang tao na tumawag sakin ng “idol.” At hanggang ngayon ay hindi ko alam kung bakit. Binibili niya yata halos lahat ng libro ko. Makwento siya. Or should I say, matanong ako? Ha-ha... At sa totoo lang, mas iniidolo ko siya sa sobrang lakas ng loob niya. Na sa kabila ng nangyari sa buhay at pamilya niya ay hindi siya sumuko. At kung titingnan ang personality niya, hindi obvious na marami na pala silang napagdaanan. Eneweiz, sige inaamin ko na. Ako ang matanong pagdating sa kanya. Hihi.. At sa dami ng tanong ko, doon ko nalaman ang tungkol sa impending love story niya. Masyado akong kinilig kaya kinulit ko siya ng kinulit na ikwento sakin ang buong storya. And one day isang araw, nauwi sa isang novel ang kwentong iyon. Novel na may pinamagatang “The Right Mr. G.” Oh yes! Hahaha… Bukingan na ng pangalan! Wala naman itong apilyedo eh kaya safe ka pa! :D

And last but not the least, ang rason kung bakit may ganito akong entry. Ang friend ko na nagreklamo dahil wala na daw kwenta ang blog ko at wala na siyang mabasang bago. Ang rason kung bakit hindi man lang ako makaramdam ng insecurities these past few weeks kahit pa wala na akong pondo sa PHR at maging sa MSV. Ang dahilan kung bakit kahit nagkalat na ang bad vibes sa facebook ay hindi man lang ako apektado. Kung bakit sa kabila ang katamaran kong magsulat ay parang ang saya-saya ko pa din. Ang taong nagparealize sakin na kahit hindi man umabot sa isanlibo ang avid readers ko (baka nga hindi pa umabot sa 500 eh!), okay lang dahil andyan naman siya. Dahil para sa akin katumbas niya na ang 500 readers. Walang halong echos yan, ateng! Maniwala ka! Utang na loob! Actually, wala kang choice kundi ang maniwala dahil sinasaksak ko na ito sa baga mo. Ha-ha… Walang iba kundi si… drum roll please! ilatag ang red carpet! …  
5. Psyche! Psyche… okay fine, pagbigyan natin ang pantasya niya… Psyche Nadal (daw)! He-he…

Gusto ko lang sagutin ang mga sinabi mo sa blog mo. Ang pesteng blog mo na ilang minutong nagpablangko sa utak ko. Limitado lang ang capacity nito ateng kaya hindi kinaya ang lahat ng nabasa! Ayan tuloy, nagcrash! May goosebumps pang after effect! Lech! I don’t know if I’m worth it! I’m not even sure if I deserve all of these. Charlot! Best actress lang ang peg! Pero seryoso ateng, hindi mo alam kung gaano ako nawindang sa blog mo. It took me five minutes para ireboot ulit ang utak ko. And yes, gaya ng paniniwala mo, feeling ko meant to be talaga ang pakakadiskubre mo sa book ko! Iqu-quote ko lang ang sinabi mo. Hindi ko na ibibuking ang blogsite mo at baka sigawan mo na naman ako. Hahaha:
Mas gusto kong isipin na serendipity iyon. That we were brought together and we were meant to be! Hahahaha. Lalaki lang?!
I agree. Parang magjowa lang talaga ang tunog! Ha-ha… Sa dinami-dami ng writers ng PHR, mga writers na mas madaming libro kesa sakin, eh bakit iyong libro ko pa ang napulot mo (literal po na pulot sa sahig just in case gusto niyo lang naman pong malaman.)? Gusto ko lang pong ishare ang iba pa niyang sinabi at kung bakit nasabi kong katumbas na siya ng 500 readers ng iba.
Una kong binasa yung The unscripted love. Yun ata latest nung time na yon. Natuwa ako! In fairness! Pinasaya ako ng librong yun. Promise! Sobrang depressed ako ng mga panahong iyon. Kaya naman to find such a joy in reading a tagalog book was a good change for me. I felt connected to Mavie (mali yata ang name, shiiiit!), yung heroine sa book. Sasabihin siguro ng mga taong nakakaalam ng mga pangyayari sa buhay ko, this is an exaggeration. Pero hindi po! Mavie... or Mavic was my saving grace! I owe her my life. Hahaha. For the first time in a loooooong time, I actually laughed. I wish I can explain it further pero... Huwag na. I'm only thankful I accidentally bought those books!
Oh, kailangan ko pa bang sabihin? Binasa ko rin yung 2 pa! Hahaha. Consistent po yung writer. Kaya namangha ako. Siguro isa lamang siya sa daang-daang manunulat ng PHR at nagkataon lang na kanya yung napulot kong book. BUT, sorry! Ang galing niya! Sinave nga ako ng libro niya bago tuluyang mabaliw 'di ba? Hahahaha. Then I remembered Meann's KS collection years before. (Refer to Part 1 kung di niyo knows si Meann! Haha) Ang layo sa writing tech niya kay MC (siya lang mapagkukumparahan ko).Pero ito sasabihin ko, it was nooooot less than that of MC's. Magkaiba sila. But in a very good way. And i feel guilty, comparing the two! Feeling ko unfair. >.< No comparisons folks! Gusto niyo ng mala-teleserye? Buy MC's. Pero kung feel-good romance gusto niyo, aaah definitely check out MB's!
Ms. Maan, nung sinabi kong idolo kita malamang hindi ka naniwala. Dahil malamang araw-araw maraming nagsasabi sa'yo niyan. Hahahaha. But in my case, iba 'to nooooh! Ako'y super grateful! Dahil kung tiniyagaan mong basahin ang ubod ng habang blog na 'to. Malalaman mong pinasaya ako ni Mavic ('di ko alam kung tama) at Sabel, sa mga panahong wala akong ibang ginawa kundi magkulong sa kwarto at umiyak. So, thank you! Salamat at friend na rin kita kahit 'di pa tayo nagkikita. Hihi. Magpatuloy sana ang pagsulat mo ng mga baklang babae! Hahahahaha. Dahil hindi mo alam ang mga babaeng baklang iyon ay may nailigtas na isang pariwarang babaeng bakla rin. Hahahaha. Chos.
Nang magdesisyon akong seryosohin ang pagsusulat ng novel (weh? Seryoso ka na sa lagay na ito?!), kahit pa mangangahulugan iyong gabi-gabing puyat at ilang beses na tardiness sa full time job ko, hindi ko inaasahan na may matutulungan akong ibang tao. I mean of course, aasahan mo na may matutuwa. Rom-com nga ang sinusulat ko diba? Heller?! Pero never ko namang inexpect na ganun! Bolero ka lang yata talaga Psyche! Ha-ha… At gusto lang kitang icorrect, hindi araw-araw na may nagsasabi saking “idol” nila ako. Ang naririnig ko lang araw-araw ay “maganda ka Maan.” Naririndi na nga ako eh. Ha-ha.. Charaught! Pero seryoso, maraming salamat! Hindi na ko magpapakadrama. Sapat na iyong mga sinabi ko at ang blog na ito para malaman mo kung gaano tumagos sa bone marrow ko ang pesteng blog mo. :)

Sila ang mga taong dumagdag sa listahan ng mga kaibigan ko. Mga taong wit ko naman in-expect na darating sa layp ko nang ipinanganak si Maan Beltran pero dumating. Sila lang, sapat na para ipagpatuloy ko ang buhay ni Maan Beltran. Hindi na ko mangangarap na sumunod sa yapak ni Martha Cecilia. Ang tayog lang nun teh! Hindi ko abot! Tama ng hanggang first letter ng pen name ay pareho kami. hihihi... Kaya sa mga taong nabanggit ko, from the bottom of my heart, maraming salamat. :)
0

I'm still ALIVE!!!

Yes, I’m still alive! Surprise? Hahaha…
It’s been months since my last entry. And maybe (or maybe not) you’re all wondering where the hell I am right now since I haven’t even posted my year-end thank you and my 2012 goal which I did last year. Well, my apologies. Inatake lang ng tamaditis and “doubtmares.” And I don’t really wanna go into details with the latter. Basta all I can say is, I got depress to the point that I deactivated my Maan Beltran account. I was having second thoughts if writing is really for me. Kasi feeling ko naman walang maghahanap sakin kapag tuluyan ng nawala si Maan Beltran.

Yeah, yeah, I know. I’m so full of dramas! Baka kapag nalaman ng mga friends ko ang mga nangyari ay magulat sila. Baka kuyugin pa ko and ask me kung sinapian ba ko. Siguro nga may sapi ako this past months.

But enough about my gloomy months. I’m here and I’m somewhat okay now (I hope and I guess). So what’s going on with me lately? I don’t know. Nothing much, I think. Still working my ass off day and night. Anyways, kayo na ang magdecide if it’s really “not much.” So here it is:

1. Had a simple birthday dinner with my family last Tuesday (March 13).
2. My two books entitled “Hot Intruder: Isaac, The In denial Romantico” and “The Quitter and the Persistent Lover” was released last week (March 6).
3. Just got an email yesterday from my editor that “A Place in Your Heart” (a sequel of Hot Intruder Isaac) has been approved. And this is my first approved manuscript for this year.
4. Attended that PHR Writers and Editors Exposure last Feb 29 at Quezon City. We watched the Thee Na Natuto concert/play thingy at PETA Theater. Nakaattend ako even if I’m from Cebu dahil nataong monthly meeting din namin sa Makati ng Feb 28.
5. Currently writing a manuscript for My Special Valentine. Yes, Jean Mae Oryza is back. And as a comeback chenes, premium ang sinusulat ko ngayon.
6. Had a talked with my editor about a possible series. For revision ang nakuha ko sa Book 1 na pinasa ko. Hindi ko pa alam kung magiging series pa siya. I still need to get an approval from the Editor in Chief about it. Will revise my manuscript as soon as I’m done with my current.
7. As of this writing, I have 7 Works in Progress. A new Hot Intruder, sequel ng “The Quitter and the Persistent” (two books), two books again na sequel ng “The Right Mr. G” which will be release soon, Book 1 and Book 2 of my would-be series (crossfingers on this. Sana maaprove ang concept!).
8. Already planned my travel for this year. Baguio and Sagada! Baguio will be a family trip and Sagada is well, barkada trip with Ayin and Jaki. Had my tickets already! Savings na lang ang kulang. Sana matuloy! (Crossfingers on this) I’m also planning to have my Bangkok trip this year, but I guess malabo na siya. Wala akong makakasama eh. Sadness.
9. Planning to change my blog template. Pero tinatamad pa ko so please bear with this muna. I’ll fix it this weekend.
10. And the rest of the days? Well, I’m playing an ordinary office girl.

So what do you think? Boring ba ang life ko?
0

PHR Goes to Cebu [again]! (A.K.A My Suicide Attempt)

Okay, so maybe I was exaggerating. But this is really a suicide attempt… at least for me. I’m gonna have my first ever book signing! And I can hear people around me yelling:

"BOOK SIGNING!?! *eyes pop* Are you mad?! You only have 7 PHR published books in three years. Imagine how seldom your name appears in PHR’s weekly release, Maan!"



Yeah, yeah, yeah. I exactly know that friends. Thanks for reminding me. That is why I called this as suicide attempt! Duh?! *roll eyes*He-he… So eneweiz, I already said YES to PHR. Because honestly, that is unfortun!tely one of my flaws – having a hard time turning down people I considered part of my life (chos!). It took me two hours to answer them[PHR]. And believe me when I say this, my heart was pounding so hard and my hands were really really shaking composing that message.

So please bear with me na lang my fellow kaeksenadora and Cebuanos. Kahiya-hiya mang sabihin but I’m nervous. Kulang na lang gusto kong ihinto ang araw para huwag ng dumating ang November 19. But here it is friends, four days remaining na lang. And I would like to invite all of you to please check on PHR outlet at SM Cebu. Located at floor, infront of Quantum. If I’m not mistaken, malapit lang iyon either sa Max’s or Jollibee. And if you have one of my seven PHR novels or even my MSV books, you could bring them and I would gladly sign it for you. :)

0

More about Writing...





Yellow! Mustamus mga amigas and amigos? Watchadoin lately? Ako? Eto:

Lately, I have been receiving some emails and PMs asking for tips on how to write romance novel. Na para bang may karapatan akong magbigay, eh sa totoo lang hindi ko din alam kung papano. Kung may mga naisulat man ako dito tungkol sa pagsusulat, hindi iyon tips o kung anupaman oke? Mabuti na iyong malinaw. Sadyang mahilig lang akong ilaglag ang sarili ko sa ibang tao by sharing my experience with them. Keber sa reaction mga kafatid.Hehe… Kaya ngayon, iseshare ko na naman sa inyo ang nadiscober ko.

Anyways these past few days, I found myself struggling with writing novels. Pramis! Parang bigla akong bumalik sa simula. Hindi ko alam kung bakit. And it freaks me out. Really! Parang bigla kong nakalimutan ang formula ng pagsusulat. Nahihirapan na akong gumawa ng conflict. Maryosep, hindi pa umabot sa singkwenta ang gawa ko pero parang nauubusan na ko ng pwedeng maging conflict! Waahhh… Kaya naman bigla akong napabili ng How-to Guide ng Bookware and started to read again. Hindi pa ko nakuntento, nagresearch pa ko sa internet ng mga tips on how to write romance novels. Then I stumbled upon this site na super informative. And I want it to share this with you guys. May iba din itong articles kaya don’t limit yourself with just one entry. Explore the site! And maybe just like what it did to me, makatulong din ito sa inyo. Enjoy reading! :)

1. Creating Emotional Conflict and Tension in a Romance Novel
2. Writing a Romance Novel
0

PHR in Cebu!

Good news mga Sugbuanon! Our fave writers: Heart Yngrid, Sonia Francesca and Sofia will be having their book signing this coming July 22, 23 and 24! Check out pic below for the details. This is a once in a lifetime opportunity so don't miss it! Of course pupunta din po ako dun hindi bilang writer kundi bilang reader. :) Will visit the booksigning at July 23 and 24 since may trabaho pa po ako ng July 22. :D Magpapapirma din ako ng mga libro nila na meron ako! So magkita-kita ta didto mga Sugbuanon!

4

Develop the Romance Writer in You!

Hey there mga eksenadora'ng tulad ko! Look what I've found from My Special Valentine site!


Whenever you pick up and read a My Special Valentine book, does it fill you with the desire to write your very own romance story, but you don’t know where to start? Do you very much want to submit a manuscript, but feel like you’re not doing enough?
Worry no more: From one of our esteemed editors comes a new book that answers your questions… and more! In How To Write A Tagalog Romance Novel, Apple Masallo delivers a very thorough and straightforward guide to writing your own Tagalog romance novel. In it, she explains the very intricate process of crafting memorable characters and an equally memorable plot, handling the intricacies of grammar, and dealing with writer’s block among other things.

You may buy this book at MSV's online bookshop. So bili na mga fwends! :)
0

PHR Writers Mall Tour 2011

Magpa-plug lang po. :)

Catch your favorite PHR writers at these dates (see below). Chance niyo na po ito to meet them in person! Especially my friends: Maricar Dizon, Ashley Javier and most of all, my sister Angel Bautista!

0

Writing "tips" Again...

Napapansin ko lately madami yata ang gustong magsulat. Medyo marami-rami ang humihingi ng tips eh. Whenever someone asks me to give some tips on writing (as if may "K" akong gawin yun.), i always end up suggesting my blog site. Particularly, THIS BLOG ENTRIES. Kahit papano naman pala ay may silbi itong blog ko no? Hahaha... So eneweiz, panibagong tips na naman mga kaeksenadora. :D Nakita ko lang din ito sa blog site ng isa ding new writer na si Maricar Dizon. I find it helpful and a reminder kaya irerepost ko din dito. Sana ay makatulong. :)

0

When You Have Nothing to Write...



It's been three weeks since my last manuscript got approved. Three weeks and yet until now, wala pa rin akong matapos-tapos na story. Alam mo yung feeling na may gusto kang isulat, alam na alam mo kung papano tatakbo ang storya and yet hindi mo mailagay sa MS Word? Yeesss.. ganun ako lately. Ang dami ko pa namang babayarin this month. Amf! :( What's more worst is that inaatake ako ng pagka-OC ko. Or maybe somehow, aminin ko man o hindi, apektado ako sa isang comment ng isang reader na nabasa ko somewhere. Sabi niya to no one in particular, pare-pareho na lang daw ang plot. WALANG BAGO.

Kaya eto... para tuloy akong tanga. Sa sobrang conscious at epal ko, walang maisulat. Because whenever I think of something new (plot), lagi kong naiisip yung sinabi niya kahit na hindi naman iyon para sa akin (or baka para sakin talaga yun? Hehehe...). Ang resulta, inuunahan ko ang self ko. Na kesyo pareho lang ng ganito, pareho lang ng ganyan. WALA NGANG BAGO. Ako na mismo ang mang-okray sa self ko. I figured out, mas mabuti pang ako na ang manlait sa sarili ko kaysa ibang tao.
Please don't get me wrong. I always welcome constructive criticism. Wala akong problema dun. Madalas, iyon pa nga ang hinihingi ko sa mga readers ko because I'm very much aware that my writing needs improvement. Kaya nga gustung-gusto kong makapag-workshop eh. Hindi ko nga lang magawa dahil laging conflict sa day job ko ang schedule kahit pa weekend siya. Kapag sinabi mong medyo na-bore ako sa ganitong chapter ng libro, mas madami ang narration kesa sa dialogue o di naman kaya ay wala siyang gaanong impact sayo, wala akong problema dun. Tatanggapin ko ng buong puso ang comment na iyon.
Pero iba ang constructive criticism sa pagiging tactless or inconsiderate. Depende din iyan sa pagkakadeliver ng isang tao. May ibang comment na masakit pero hindi mo iindahin dahil maayos at malumanay siya nang sabihin iyon (gaya ng mga halimbawang binigay ko sa itaas). Pero may iba talagang bitaw lang ng bitaw na hindi nag-iisip kung makakasakit ba sila ng kapwa o hindi. Sana man lang bago magbitaw ng mga salitang nakakasakit, isipin nila kung ilang gabing hindi natulog ang isang writer o ilang beses na sumakit ang ulo nito para lang matapos ang isang manuscript. Sana maisip nila na hindi madaling mag-isip ng mga eksenang "bago" o "unique" para sa isang gasgas na plot dahil sa ilang libong beses na iyong nagamit. Mahirap bumuo ng isang matinong love story na kailangang may 22,000 to 24,000 words. Subukan mo munang gumawa ng manuscript bago ka magreklamo.
Kung wala ka namang magandang sasabihin, sana manahimik ka na lang. At sana alam mo din yung kasabihang "Some things are better left unsaid."

I know, with this entry, you might think of me as suplada o maldita. O isa na namang epal na nakikisawsaw. Only this time, wala naman talagang issue. Gumagawa lang ako dahil nga wala akong magawa sa buhay at wala akong matapos-tapos na manuscript. Poknat na buhay 'to. Hahaha.

Hahayst!
7

Fight, fight, fight! Go, go, go!


Trip kong magmarunong. Gusto kong manermon. Nangangati akong umepal. At higit sa lahat… due to insistent public demand (chos! parang reprinted books lang ng PHR), eeksena ulit ang abang lingkod niyo. Bakit ba? Sa gusto ko eh. Meh angal? Hehe.. Pero no, hindi iyon dahil sa demand ng public. (Wish ko lang noh!?) Demand ko lang yan sa sarili ko. Pero deadmahin niyo na mga friends, pagbigyan niyo na ko. hehe...

So eneweiz highways, siryus muna tayo okay? Let’s bow our heads and put ourselves in… ay mali… Sorry.. Eto na talaga.. Walang halong biro. Laglagan moment ito. Game.

Likas na sa akin ang pagiging tsismosa at madaldal (sa net world). Aminado ako doon at hindi ko iyon ikinakaila. At gaya nga ng sabi ko sa huling blog ko, this past few days ay araw-araw na yata akong online sa FB at twitter. Dahil dun ay marami-rami na rin akong naging kaibigang readers and aspiring o new writers like me. May iba ding humihingi ng tips kung papano daw ba magsulat. (Chos! Para namang may karapatan akong magbigay hano? Eh sino lang ba ako?) Sila din ang dahilan kung bakit naisulat ko ang blog entry kong My First and What Went Wrong. Because I wanted to help them in any way I can. Sila at ang iba kong kapwa (aspriring) writer din ang dahilan kung bakit ko naisip gawin ang blog na ito. Even if the following lines would also mean na ilalaglag ko ang sarili ko. Pero naisip ko, kung ang paglalaglag naman sa sarili ko ang maging dahilan para mamotivate silang simulan ang pangarap nila o patuloy na magsulat, then pikit-matang ilalaglag ko ang sarili ko.

Game. Alam niyo ba kung ilang manuscript ang pinagpuyatan ko bago ko nakuha ang limang approved manuscript? SIYAM. Yup. Hindi po ako nagbibiro o nag-eexaggerate. I have written fourteen manuscript already. Lima lang ang pumasa sa taste ng PHR editors, walo ang bagsak at isang muntik-muntikan na (revision in short). Lupet ko diba? Hehe.. Ganito ang sequence niyan: 4 rejected manuscript (2008) -->2 consecutive approved (2008) --> another 4 reject (2009) --> 1 approved (2009) --> 1 revision (2010) and 2 consecutive approved ulit (2010). Iyan ang buhay ko for the past three years in my writing career sa PHR. Nakakahiya mang aminin, pero kung iisipin kong mabuti, sa lahat yata ng mga aspiring writers, ako na yata ay may pinakamadaming reject na nakuha at ang pinakatamad sa lahat.

Hindi lang iisang beses akong sumuko, nawalan ng pag-asa, nagalit o kinuwestiyon ang kakayahan ko. Ilang buwan akong tumigil sa pagsusulat at tinalikuran ito. Naisip ko din noon, bakit ba ko nagpapakahirap na magpuyat sa gabi at trabahuin ang isang walang kasiguraduhang manuscript gayong maaga pa kinabukasan ang pasok ko? I have my full time day job, you know. Hindi rin biro ang trabaho ko doon kaya hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit pinapahirapan ko ang sarili ko. Kung bakit pinagpipilitan ko ang isang bagay na sa tingin ko naman ay hindi para sakin.

Pero kahit gaano man ako kalungkot, kainis o kaawa-awa sa paningin ko, at the end of the day… it all points out to one obvious thing. Ito ang gusto ko. Ito ang matagal ko ng pangarap at ito ang trabahong willing kong gagawin kahit na walang sweldo – ANG MAGSULAT.

At kahit gaano man kadaming reject ang natanggap ko, kapag nakikita ko naman ang isang text o email ng editor na nagsasabing approved na ang isang manuscript ko, lahat ng iyon [rejected ms] ay nabubura sa isip ko. Lalo na kapag nakita ko na sa net ang salitang PHR release at andoon ang cover ng libro ko? Sus! Sulit na sulit lahat ng puyat, pagod at hirap na dinanas mo. You will never get used to it actually. Parang laging first time mo kapag nakikita mo ang libro mo sa net o sa bookshelves ng mga bookstore. Idagdag mo pa kapag may nakita kang tao na binibili ang gawa mo. Oh ha?! You feel very proud of yourself at sasabihin mong, tama lang talaga na hindi mo sinuko ang pangarap mo.

Bilib ako sa mga kakilala kong nagte-take ng risk na iwan ang full time job para lang sundin ang passion nila sa pagsusulat. Bow na bow talaga ako sa inyo. Pramis! Hindi niyo lang alam. Dahil pinaglalaban niyo talaga kung anong gusto niyo. Alam niyo kung anong gusto niyo talaga sa buhay. Hindi ko pa kayang gawin yan sa ngayon. Although I know that someday, I would have to choose between my full time job and my writing.

Naalala ko bigla iyong huling sinabi ng favorite teacher ko noon sa highschool bago ako lumipat ng ibang school. Sabi niya, “It is not the truck who drives the driver. But rather, it is the driver who drives the truck.” Hindi ko alam kung imbento niya lang iyon dahil hindi ko naman mahanap sa net ang quote na iyon. (Kahit kailan talaga si Sir. :D ) Pero naiintindihan ko kung ano ang gusto niyang sabihin. You choose your own destiny. You choose your own path. And it’s up to you kung tatapusin mo ang byahe mo o ititigil mo na lang yung truck sa tabi ng daan at mag-iisip na lang na, “Ano nga kaya kung nagpatuloy ako no?” Eh heller? Papano mo malalaman kung hindi ka magdadrive papunta doon? Hindi mo mararating iyon kung puro ka na lang pangarap at imagination. Kailangan mo iyong pagtrabahuin. Kahit pa ma-flat ang gulong mo on your way to the top, may asungot man na naki-hitch sa truck mo at makapal ang mukhag ihatid mo siya sa pupuntahan nito kahit out of the way, maubusan ka man ng gasolina sa daan o may malaking puno ng kahoy na natumba sa gitna ng daan, lahat ng iyon magagawan mo ng paraan kung gugustuhin mong makarating talaga sa pakay mo.

Sa ngayon, sa awa ng Diyos, nakakatatlong sunud-sunod na approved ako. Sana naman ay magtuluy-tuloy ano? Kasi ba naman, sa dami na ng rejected MS ko grabe naman kung hindi pa ko natututo diba? Eh lagi namang may comment ang mga editor sa mga rejected MS. Basta lang you’ll learn from your mistakes. Iyon din ang isa mga isipin mo kapag nakakatanggap ka ng isang lumalagapak na “REJECT.” Hindi yun nangyari para patigilan ka sa pag-abot ng pangarap mo, nangyari yun kasi gusto nilang matuto ka at mag-excel ng bonggang-bongga sa gusto mo.

Kaya para sa mga kapwa ko aspiring writers diyan, huwag lang tayong sumuko. Fight lang ng fight! Go lang ng go! Pinasok natin ‘to eh. Ano pa nga bang magagawa natin kundi ang mag-move forward diba? At gaya nga ng kanta ni Donna Cruz, “kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin ito”, sumunod na lang tayo para wala ng gulo. Mahirap kalaban ang puso mga kafatid, i tell you.

Kaya natin 'to. Aja!
0

The 10 Commandments for Romance Writers

Via Associated Content from Yahoo

Published June 11, 2007

by:Leigh Michaels

Rules for Writing a Romance that Will Touch Readers' Hearts

I. Thou shalt make thy reader care about thy characters.

For a reader to get involved in a story, she has to care what happens to the characters. We don't care much about people we don't like and admire, so our characters' flaws and problems must be realistic and reasonable.

It helps a lot if the character is facing his/her problems in a straightforward way, without whining.

II. Thou shalt create main characters who have logical reasons to like and trust each other as well as to dislike and distrust each other.

In too many romances, the main characters actively hate each other right up until the final scene, when they fall into each others' arms with declarations of love. But unless the reader sees the characters growing fond of each other as the story progresses, it's difficult for her to believe in the happy ending.

III. Thou shalt keep thy main characters on stage, together, as much as possible.

When the main characters aren't physically together and interacting, it's difficult to show a developing relationship. If the main characters aren't physically close, perhaps the hero should be on the heroine's mind, and vice-versa. And a scene where they're separated should usually be followed by one where they're together.

IV. Thou shalt not weasel away from conflict.

Almost nobody likes to witness a fight in real life; when one starts, we tend to leave the room. Maybe that's why, in fiction, there's an urge to summarize the dangerous action or rush through the argument.

To do so, however, cheats the reader of the feeling that she's there, and it cheats the writer of a marvelous opportunity to showcase the characters and heighten the importance of the conflict.

V. Thou shalt make thy characters' problems emotionally involving for thy reader.

For the reader to get involved in the story, the problems involved have to be important not only to the characters but to the reader. It's hard to get a reader deeply involved in an intellectual dispute like environmental issues. Misunderstandings which could be solved with five minutes of honest conversation don't make realistic, believable conflicts. Neither do disagreements which are engineered by others. And readers find it difficult to empathize with characters who have created their own problems through foolishness or carelessness.

VI. Thou shalt write love scenes which are appropriate to thy characters and thy plot.

A sexual relationship has to grow naturally from the characters. Twenty-year-old virgins react differently from forty-year-old widows. First experiences with love are different from later ones. And love scenes should affect the characters' later behavior; they shouldn't get out of bed in the morning and forget all about the night before.

VII. Thou shalt maintain mystery for the reader.

Many romances benefit from the reader having access to the points of view of both heroine and hero, but it's tempting to tell the reader too much. It's difficult to sustain a conflict - even a very strong one - if the reader knows up front all the details of what both hero and heroine are thinking. Build suspense by leaving things for the reader to wonder about, right up to the end.

VIII. Thou shalt prefer straightforward narrative.

Flashbacks add depth and dimension to the writing, and in places they are necessary to tighten the plot structure. But multiple flashbacks, or interlocking ones, are confusing and hard to follow.

Convoluted sentences make reading difficult, too. Including too many clauses, starting sentences out with long and involved clauses, or constructing overly long and complicated sentences makes your work hard to read.

IX. Thou shalt make each character, episode, and scene do double duty.

Romance novels are short, compared to most books - so we don't have the luxury of space to bring in meandering action and long descriptions. We also don't have room for extra characters. Every secondary character, scene, and episode should accomplish more than one thing. If your heroine has two friends, can you combine them into one? While you have your hero and heroine arguing over one thing, can you also foreshadow an upcoming piece of action?

X. Thou shalt never forget thee has promised thy reader a fantasy.

"Realistic" doesn't mean "real." The reader reads to enter a magical world, where lovable women and dynamic men risk everything in order to live happily ever after. Keep the romance paramount, and reflect the special

magic of two people coming together for all time in full understanding, empathy, and love, and you'll give your reader the enchantment she's been promised.

15

What Went Wrong?


, kapag daw may bago kang samting, gusto mo daw lagi gamit-gamitin. Para lang yang bagong boypren. Gusto mo lagi mo katext, kausap, kachenes, o di kaya ay kasama (doncha worry, savor the moment acheng, baka bukas makalawa, sawa na siya sayo. Haha.. Bitter Ocampo?). At since bago itong blog ko, gusto kong magpost ng magpost. Bakit ba? Blog ko ‘to. Walang pakialamanan. Kase mga beki, baka next week, tamarin na din akong magpost. Kaya pagbigyan niyo na ako, uki? Doncha wori… this too shall pass. Pak!

Pero bago ako umeksena, gusto ko lang ipaalala na hindi ito blog tungkol sa mga writing chembolar blog ha? Wala lang akong maisip na i-post kaya tungkol sa pagsusulat ang ichichika ko. Kasi naisip ko, nilaglag ko lang rin naman yung sarili ko tungkol sa mga rejected manuscript ko… might as well ilaglag ko na ng todo diba? Pareho lang din naman siyang masakit.

Kaya halika fwend, ichenes naman natin ngayon ang mga madalas na dahilan ng mga editors o readers kung bakit, isang malaking “R” ang iyong bebe (manuscript). Ito ay galing lang naman sa mga rason ng mga naging reader/editor KO ha? Base in true to life story iteklavu kaya wag magreact ng hindi tama. Sinishare ko ito para hindi niyo rin ulitin ang mga ginawa ko dati. And maybe, pwede na rin itong maging tips for those who want to become writer...

Game na? Okay, game!

1. MAIN CHARACTERS SHOULD BE LOVEABLE, INSPIRING AND INTERESTING. Kailangang ma-establish ang magandang karacter ng mga ito at ang romantic connection nila sa isa’t isa. Kapag may ginawang hindi kaiga-igaya ang isang karakter, ipaliwanag ng maayos kung bakit.

2. CONFLICT. Establish a conflict. Dapat may malalim na conflict ang isang nobela. Ano ba iyong conflict? Eto yung maaaring maging rason kung bakit hindi pwedeng magkatuluyan ang dalawang bida. Na sa bandang huli ay mareresolba din.

Ano ba ang ibig sabihin ng dapat “malalim” ang conflict? Aktwaly, hindi ko din alam talaga. Haha… Sample na lang tayo, uki? Base pa din siyempre sa mga nareject kong MS. (*crowd* Sample, sample, sample!) Huwag kang trying hard na gumawa ng conflict. Iyong tipong pwede naman pala siyang pag-usapan at ayusin agad tapos ay pinili mong maging epal at gawing sobrang hilig sa “pride” chicken ang bida mo kaya natagalan ang reconciliation nila.

3. GASGAS NA PLOT. Iyong tipong isang libong beses na siyang nagamit sa ibang libro at daang beses mo ng nakita sa TV at pelikula. Sabi nga sakin ni ate art. BE ORIGINAL. Pero obviously nakalimutan ko pa rin siyang sundin kaya ayun...

4. MANIPULADO ANG STORYA.
Hindi ko din sure anong ibig sabihin nito. Pero base sa experience ko, kahit pa sabihing fiction lamang ang isang romance novel, dapat kailangan mo pa rin iyong ibase sa mga facts. Huwag kang imbento. Gawin mo siyang makatotohanan.


Kala niyo kung mahaba, ano? Kala niyo lang yun. Echosera lang talaga ako.

Iyon pa lang naman so far ang naranasan ko. May ibang nagsabi na sinabihan sila ng “kulang sa romance ang ms nila.” Infairlalu, hindi naman sa pagmamayabang, nagpapasalamat ako na hindi ko pa iyon nararanasan. Although, wala akong maramdamang kilig sa mga libro ko kapag binabasa ko na siya. Kaya nagugulat na lang ako kapag may nagsasabing kakakilig daw ang ganito at ganyan sa book ko. Akalain mo yun? Nakatsamba ako? Haha… I know, I know… Dati pa man, bato na talaga ako. Kaya hanggang ngayon, hindi ko alam kung bakit napunta ako sa genre ng “romance.”

Tingin niyo, bakit kaya?
19

My First


Alala mo pa ba yung perstaym mo?
Ako alalang-alala ko pa. Masakit diba?
Ewan ko lang sa iba, pero kasi sakin masakit eh.
Yung kaba sa dibdib, yung hindi ka mapakali at hindi ka matahimik sa bawat araw na dumaraan. Kasi naiisip mo… pano na lang kung nagkamali ka? Kung pumalya ka?

Hanggang sa dumating na yung araw na pinakahihintay mo. Nanginginig pa ang kamay mo habang hinihintay na lumabas ang resulta. At PAK! Malalaman mong REJECT pala ang unang manuscript na sinubmit mo. Kalorkey sa sakit diba?

Oh… oh… ano ba kasing iniisip niyo? Tsk, tsk… kayo talaga.

Ang pers na pag-uusapan natin ngayon ay hindi ang first rejected manuscript ko kundi para ichika sa inyo kung anong ginawa ko right after I got my first rejected manuscript. Alam niyo kung ano? Nagsulat pa ulit ako ng nagsulat. Ang nangyari? Nareject pa rin iyon ng nareject. Hahaha… Nakaapat na reject ako actually. Ang tigas ng mukha ko no?

Kung tatanungin niyo ko kung di ba ko napanghinaan ng loob, aba’y maraming beses na. Nakakababa ng self esteem sobra. Kamuntik ko ng sundan ang yapak ni Mara sa sobrang awa sa sarili ko. At matagal bago ako muling sumulat. Pero kasi, hindi naman ako pinanganak na Richie rich, kaya kailangang patigasan ko ulit ang mukha ko. Alangan namang padala na lang ako sa self-pity ek-ek na yan? Matutulungan niya ba kong bayaran ang mga babayarin ko that time? Hindi. Genie ba siya para kahit hindi na ko magsulat ay tutuparin niya ang wish kong makita ang pangalan ko sa kahit isa man lang novel na nakikita ko sa bookstore? Hindi.

Sabi ng iba, hindi mo makukuha ang isang bagay kung di mo paghihirapan. Papano ka magiging successful kung inuunahan ka lagi ng takot at awa sa sarili mo? Papano mo makikita ang pangalan mo sa isa sa mga libro na gusto mo kung susuko ka na?

Kaya nagdesisyon akong kulitin ulit si “Tadhana.” Gusto kong maging writer, despwes kailangan ko ulit magsulat. Pero kung noon ay feeling magaling ako at mayabang na basta na lang nagsasubmit dahil may paniniwala ako noon na calling ko ang pagsusulat (Chos! Para lang magmamadre), ngayon ay nawala na iyon sa dibdib ko. Napalitan ng dobleng takot. Ayokong makatanggap ulit ng rejection. And so I asked for ate art’s (ARIELLE in writing industry) help. Nagmalimos ako ng tips kung papano sumulat ng desenteng romance story. Hindi siya nagdamot. Kaya hindi ko rin ipagdadamot ang tips na binigay niya sakin noon. Madami din kasi ang humihingi eh. Sobrang dami – mga 5 – 7 ata. (toinks. 0.o)

This is soooo 2007 (April 2007 to be exact) pero sana ay makatulong pa din ito sa lahat ng mga gusto ding maging writer na tulad ko. Hindi ko nasunod lahat ng sinabi niya pero those tips help me a lot. Kaya here it is…. Galing ito mismo sa kanya. Yung mga nakabold lang ang binago ko para maging applicable for both publisher. :)

WRITING ROMANCE

Length : (FOR PHR) 22000 – 24000 words; (FOR MSV) 21000 – 22000 words
Space : Double
Margins : 1 inch on left and right
Font : (FOR PHR) Verdana, Courier New, Font Size 11 or Times New Roman Font Size 12(FOR MSV) Courier New, Font Size 11 or Times New Roman Font Size 12
Paper : Short Bond Paper
Where to submit: (FOR PHR) ed2rialstaff@yahoo.com; (FOR MSV) manuscripts@bookwarepublishing.com
Evaluation Period: 3 – 4 weeks (for both publisher)

Notes:
1.Precious Romance holds writing workshops/seminars every Summer. Lahat ng nakakapasa dito ay nagiging instant writer ng Precious.
2. Be sure na merong happy ending ang novel mo
3. Be very original.
4. Be sure to write your name, address and contact number on the first page as well as the title of the novel.
5.Include a short summary of the plot of your novel on the 2nd page. Katulad ng nakikita mo sa likuran ng mga books. This is needed para magkaroon ng idea ang mga editors sa klase ng kuwento mo.
6. Maganda din na lagyan mo ng page numbers. And on every page ay andon ang title ng novel mo at ang name mo.


HOW TO WRITE ROMANCE NOVELS

PLOT
Two most important things to remember
1. It must be original as much as possible.
2. It must not be a copycat of published novels or shown movies in cinema or tv.


Steps in defining and solidifying the plot.
1. Outline the chapters to be written in the novel
2. Outline the scenes that will happen in each chapter
3. Outline the character’s personality


CHARACTERS
1.Should appear like real persons
2. Base them on real live persons if possible
4. They should feel, act and look like real persons
5. Vital to the story


The hero
1. Should have a very attractive personality (not need be handsome)
2. Must have principles and convictions in life
3. Any bad or evil things he does must be explained properly
4. His actions and feelings must be understood


EDITED (30Nov10):
Bet niyo bang malaman ang kadalasang rason kung bakit nare-reject ang isang manuscript? Gora na kayo dito! :) What Went Wrong?
 
Copyright © EKSENADORANG MANUNULAT