So there, moving forward, at exactly 8:30AM ay kinuha na kami ni Kuya Sherwin sa pension house. Travelling from Puerto Princesa City proper to Sabang Wharf is more or less 1.5 hours . Mula naman sa Sabang Wharf ay sasakay ka ng bangka papuntang Underground River mismo. Mga fifteen to twenty minutes yata ang byahe. I’m not sure though, hindi ko na naorasan ang pagsakay sa bangka bilang abala ako sa pagtili sa sobrang lakas ng alon. Ha-ha… And another five minutes walk para makarating sa mismong cave.
On our way to Sabang, we passed by the Vietnamese Village. Tama nga lang ang plano namin noon na huwag ng dumaan ng village during our city tour since as per research, hindi na masyadong maganda ang village. Hindi na siya masyadong naalagaan at sa ngayon daw ay dalawang pamilyang Vietnamese na lang ang nakatira doon. We had a quick stop over along the way. I forgot the name of the place pero ang sabi, from there ay may isang oras pa kaming bubunuin. Waaahhhh! (At ako ay nagrereklamo gayong sanay na ko sa mahabang byahe diba? Haha.. Chika lang po.) Sa stop over na yun nakilala namin ang isang unggoy na nagngangalang KAMO-KAKO. Ulitin natin, si KAMO-KAKO. (Haha.. adik lang.)
After nun ay tuloy ang byahe. Hindi na kami tumigil sa Viewdeck chuchu na nadaanan namin bilang hinahabol ni Kuya Chris ang pinakamaagang sched na makukuha namin sa Underground River. FYI: You need to acquire a permit first before you can go to underground. Kung ikaw ang tipo ng taong hindi bet ang hassleness sa trip, I suggest mag-avail na lang kayo ng tour package na ino-offer ng mga hotels. Hindi naman nalalayo ang presyo nun sa iba kaya keri lang. And as per our experience, worth it lang ang bayad. We also passed by the elephant mountain (dahil korteng elephant siya), Hulugan Village (where we hear another Puerto Princesa history) and it’s tres marias island and lastly, the place where the Avatar (movie by James Cameron) took place. Kung napanood niyo ang movie na iyon, tiyak na makikilala niyo ang malaking puno o tinawag na floating forest sa movie kung saan nakatira ang mga avatar. We wanted to stop and take some pictures with the puno, kaso nagmamadali nga si Kuya Chris. Kasuya talaga! Amfufu!
At sa wakas ay nakarating kami ng Sabang Wharf! Habang abala si Kuya Chris sa pagkuha ng permit, kami naman ay abala sa pagkuha ng pictures sa paligid. Haha…
Doon na rin kami nag-early lunch as per advice by Kuya Chris. Baka kasi matagalan kami sa Underground River kapag after pa kami kakain. So after the buffet lunch, we took the boat trip already. As I’ve said earlier, sobrang lakas ng hampas ng alon kaya nabasa din kami ng kaunti. Katakot din in fairness! Pero keri lang, dahil pagdaong na pagdaong namin, nawala naman agad sa sobrang ganda ng place. My Gawd! No wonder napasama siya sa list, tabing dagat pa lang panalo na sa ganda!
We had another registration at the picnic area. Isang para sa new seven wonder vote at isa para sa… sa… ewan. Hindi ko na inalam dahil excited na kong makita ang cave. Haha… Another picture taking sa picnic area at naglakad na kami papuntang bukana ng cave.
The five minutes walk from picnic area to cave.
And then finally… nakarating din kami! I was so amazed and dazzled with the beauty of nature that it took me a couple of minutes to step down the trail. Nagkaroon tuloy ng saglit na traffic dahil sa ginawa ko. Haha.. Sorry naman! Ang ganda naman kasi talaga ng lugar. I just stood there - awed and star struck. Thanking the Lord for the wonderful gift and thanking the Palawenos for not destroying this masterpiece. Daig ko pa ang nakakita ng gwapong artista. At ang lamig ng tubig, grabeh! Kung pwede lang maligo doon, ginawa na namin promise!
Mabilis si Kuya Chris kaya naman hindi nagtagal at turn na namin para pumasok ng cave. Forty five minutes ang buong duration ng trip sa loob ng cave. As in pitch black sa loob noon at walang ibang ilaw kundi ang nag-iisang flashlight na hawak ng tao sa harap namin. Kung na-amaze ako sa labas ng cave, mas na-amze ako sa loob. Lalo na nang makita ko ang mga natural rock formation ng stalactites. The boatmen serves as your tour guide also inside the cave. Sa kanya namin nalaman kung gaano kahaba ang cave na iyon. Around 7 kilometers more or less. Although sa forty five minutes na iyon ay 1.5 kilometers lang ang mapupuntahan mo. As per manong boatman, pwede ka namang kumuha ng special trip na tour. Huwag mo lang itaon ng weekend dahil tiyak na maraming turista nun. The special trip would take you 3 hours inside the cave and will cover 4 kilometers. Iyon ang hindi na talaga kaya ng powers ko! Three hours na walang liwanag sa loob ng cave? My Gawd talaga!
Marami kaming rock formation na nakita, isa na doon ang head ng dinosaurs (T-rex), malaking candle, horse with a wing, Mama Mary, half face of Jeses and the highlight of the trip was the rock formation of the Holy family. Meron din silang tinatawag doon na fruits and vegetables section kung saan may makikita kang formation ng corn, carrots, pechay, mushroom, puso ng saging at kung anu-ano pa. Natapos ang cave tour ng sobrang saya namin! We were able to touch some of the stalagmites pa. Pero siyempre hindi pwede iyong mga kulay yellow hano? Sabi kasi ni Manong, kapag daw iyon ang hinawakan mo, titigil ang paglaki nun at magbabago ng kulay – nagiging itim. Kaya kung may malasakit ka sa nature, huwag mo ng hawakan dahil hanggang 1.2 cm lang every year ang kaya nitong ilaki. Kapag hinawakan mo na iyon, eh dim as lalong waley na?!
Bumalik kami ng city proper na pagod pero satisfied at masaya. Nakakatawa nga, hindi pa man kami umuuwi ng Cebu, nagpaplano na kaming bumalik ng Palawan. Haha.. At himala ng himala talaga ang brother kong si Joed. Ito ang pinakakuripot na taong nakilala ko pero hayun at nangunguna pa sa pagplano kung kelan kami babalik. Hindi nito ininda ang perang nagastos. Haha…
At dahil mga around 4PM naman kami nakabalik ng city proper, we decided to drop by the Palawan Museum. Iyon ang lugar na hindi na namin napuntahan during our city tour. Saglit lang naman kami doon at ang tanging habol lang naman namin ay ang mga artifacts about the Tabon man and cave. Ang mga taong pinaniniwalaang unang Pilipino dito sa mundo. May entrance fee na twenty pesos doon. Para lang kaming nagfield trip sa loob dahil halos lahat ng mga napag-aralan niyo sa Sibika at Kultura ay makikita mo doon. The Chinese dynasty, early tradings in our country, musical instruments and etc. Lahat ay punung-puno ng history doon.
After the museum ay dumiretso na kaming tianggehan para mamili ng pasalubong. Walking distance lang iyon from museum. I bought some keychains, dream catcher for my friends and some Palawan delicacies for my officemates. Pagkatapos nun ay bumalik na kaming pension house.
Sabi nga ng bro ko: Ten thumbs up for Palawan! And we really wanted to go back there. Sobrang ganda talaga! Hinding-hindi kayo magsisisi sa gastos. And for those people who wanted to know kung magkano ang nagastos namin sa trip na ito. Here’s the breakdown of our expenses. Please take note that most of these expenses we’re divided into five dahil lima kaming gumala sa Palawan.
Accomodation (4D3N): 960 (320 per night)
DAY 1:
__City Tour (c/o Manong Sergz): 120 (per person)
__Bilao at Palayok (lunch): 240 (each)
__Crocodile Farm entrance: 40 (each)
__Ka Lui Restaurant (dinner): 300 (each)
DAY 2:
__Honda Bay Tour Package: 1,100 (per person)
__Snorkling Gears: 100 (each)
__Tip for Manong Boatmen: 20 (each)
DAY 3:
__Underground River: 1,500 (per person)
__Palawan Museum entrance: 20 (each)
GRAND TOTAL: 4,400.00 (excluding plane fare and pasalubong galore)