1

EVERY CLOUD HAS A SILVER LINING...

Isa ako sa mga taong nanisi kay PNoy, nagalit kay Mar at nairita kay Korina. Ilang araw din akong panay ang share ng kung anu-anong posts, blogs at pictures sa FB account ko. And until now, hindi ako nagsisisi sa ginawa ko. Let me just make it clear, hindi ako totally galit sa gobyerno. I get that we belong in third world, mabagal ang respond dahil sa kakulangan ng mga equipments at sa geographical chorva ng Pilipinas. Bukas ang isip ko na pagdating sa disaster chorva, olats talaga tayo. Ang ikinagagalit ko lang, sa gitna ng lahat ng ito ay nakuha pa ni PNoy na manisi ng local government. Sa gitna ng paghahanap ng mga biktima sa mga nawawala nilang kamag-anak, sa gitna ng pagkalugmok ng spirit nila at sa gitna ng paghahanap nila ng pagkain para mapawi ang gutom, nagkaroon pa ng oras si PNoy na manisi. Siya ang nauna. Sorry pero I still think that he deserves what he’s getting right now.

But after days of sharing and voicing out my opinion, humupa din ang galit ko. Feeling ko tinapik Niya ako para magising. Feeling ko siya mismo ang nagpahupa ng galit ko. And He did again earlier during the Sunday Mass and right after the communion. Ilang segundo din akong nakaluhod not knowing what to tell Him. Ayokong ulit-ulitin ang dasal ko noong mga nakaraang araw about helping Yolanda victims. Dahil obvious naman na dumating na ang mga tulong. And then suddenly, after a long seconds of silence, parang may bumulong na lang na – “Silver Lining.” Two words and I already know kung anong ikukwento ko sa kanya.

He’s just there. He never left us. And He loves us.

Alam ko na naman iyon noon pa. Nung sabihin nga ni Mayor Duterte iyong statement niya about God abandoning us, kahit iniidolo ko siya, hindi pa din ako sumang-ayon. Despite what happened to Yolanda victims, it never crossed my mind that He abandoned us. I want to think that He has his own plan and reason for doing this. Maybe I am just saying this dahil wala ako mismo sa lugar ng mga biktima. Na hindi ko nararamdaman ang trauma, gutom, takot at kawalan ng pag-asa na nararamdaman nila doon. I know that and please forgive me. But as of now, mas gugustuhin ko pang iyon ang isipin kaysa ipagpatuloy ang pagbatikos kay PNoy. Sinasabi ng iba na baka kaya nangyayari ito ay dahil malapit ng magunaw ang mundo, na baka malapit na siyang dumating. I would like to think otherwise. Mas gusto kung isipin na siguro kaya nangyayari ang lahat ng ito dahil gusto Niyang ipakita sa atin na sa kabila ng gyerang nangyayari ngayon, sa kabi-kabilang away ng iba’t ibang bansa at pagdami ng krimen, hindi pa rin nawawala ang pagiging tao natin. The goodness is still there. We just had to find it among ourselves. Siguro ay gusto niyang ibalik sa atin ang pag-asang hindi pa rin pala huli ang lahat. We can still make this world a better place (sabi nga ni Michael Jackson).  Na kapag lugmok na lugmok ka na, may mga tao (o bansa) ka pa ding maaasahan.

THERE IS STILL HOPE.

And I know pagkatapos ng lahat ng ito, tatayo tayong mas malakas, mas matibay at sana, kahit hindi man lahat, dumami pa iyong mga taong nagkakaisa at nagdadamayan. Sana kahit walang trahedya o sakuna, maipakita natin iyon sa iba. 
6

He's a BIG Boy Now...


WARNING: THIS ENTRY IS SOOO MELODRAMATIC. Some lines and paragraphs are not suitable for very insensitive readers. [Meaning, kung hindi ka makarelate at wala ka sa mood na sabayan ako sa drama ngayon, pwes, huwag mo ng ituloy ang pagbabasa!]

If you happened to read my Mother’s Day entry (a surprise little gift for my mother), I’m sure you already know that my brother and I lost our father when we were just a little kid and that my mother solely raised us since then. Bida si Mamang sa entry na yun kaya hindi ko masyadong naibida ang nag-iisang kapatid ko. I once had a blog entry about me and my brother sa multiply. Kaso hindi ko na mahanap ngayon. And so I am making this blog again for my little brother – J.

My brother and I are very opposite. Lalaki siya, babae ako (surely!); Malinis siya sa katawan, burara ako; Mabarkada ako, habang siya ay hindi masyado; Magaling siyang mag-ipon ng pera, bihasa naman ako sa paggasta ng kwarta; Tahimik siya, maingay naman ako; Masunurin siya, matigas naman ang ulo ko; Mahaba ang pasensiya niya, walang-wala ako niyan. Madaling uminit ang ulo ko, samantalang siya ay kalmadong-kalmado. Mahinhin siya habang ako ay tila laging nagmamadali. Mahilig siya sa mga bata at ako naman ay hindi. Simple lang ako. Pero kapag kasama ko siya, feeling ko ay ang sosyal-sosyal ko na. (Ganyan siya ka uber-simple!)

But despite all of that, mas marami ang mga bagay na pareho kami: Una, halos lahat ay nagsasabing magkamukhang-magkamukha kami. Like we were twins; We share the same last name (obvious naman siguro); Pareho kaming matangkad; Parehong computer-related ang kinuha naming course; We share the same hobbies. From teks (a card game) when we were kids to Ragnarok and Dota, he was my best playmate ever; Matalino ako (dati) pero mas matalino siya. Pareho kaming hindi vocal. We never had “I Love You” and “I Miss You” moments. (Maybe that’s the reason why I never say “I miss you” to my closest friends.) I remember dati nung na-assign siya ng Manila for four months, madalang pa sa patak ng ulan ang palitan namin ng text. It’s because we both know that we love each other and we will always have each other’s back no matter what happen. Hindi na kailangan ng mga salita. All we need is to show it. While I suck at showing love and affection, my brother was not. He was very good at it. Pano ko nasabi? Isa-isahin natin ang opposite traits naming dalawa.

1. Being the only guy in our family, parang automatic na inako ng kapatid ko ang pagiging isang padre de pamilya despite his very young age. Bata pa lang siya ay nakitaan na siya ni Mamang ko ng pagiging isang responsable. Feeling ko mabilis siyang nagmature because of that. Kaya siguro hindi siya kasing palabarkada tulad ko. Kaya siguro mas malinis siya at burara ako.

2. I remember when we were young, elementary days to be exact. Minsan ay nangungutang pa si Mamang kay J para lang may maipabaon siya sa amin. Dahil dati pa man, marunong ng magtipid si bro. Imagine, sa kabila ng kakapirangkot na baon namin noon, nakukuha pa ng kapatid ko na mag-ipon. Akalain mong naisip niya iyon at ako ay hindi? Haha.. Si J ang laging takbuhan ni Mamang kapag gipit kami. Hanggang ngayon ay ganun pa din ang scenario, actually. He would always be there every time we needed him. Hindi siya madamot. Hindi siya nagrereklamo sa kabila ng pagiging magastos ng kapatid niya (that’s me). Well, nagrereklamo siya minsan. Pinapagalitan ako but in the end, hindi niya pa din ako natitiis, nagbibigay pa din siya. Hihi...

3. And as I’ve said earlier, maingay ako, mainit ang ulo at maikli ang pasenya. I am a nagger. Madalas sa hindi, sa kanya ko nabubunton ang init ng ulo ko. But being the calm and quiet himself, hindi niya sinasalubong ang galit ko. Madalas ay sumusunod na lang siya sakin para lang matahimik lang ako. Pinapabayaan niya lang ang topak ko. Kaya feeling ko, kaya naging bihasa ito sa pagbasa ng topak ng babae dahil sa akin.

Bro, remember during our college days and we had a fight? Can't remember na exactly kung sino ang may kasalanan nun. Pero malamang ako. Hindi tayo nagpansinan buong gabi. We went to school the next day na hindi magkasabay. And then hindi rin ako nakatiis, tinext din kita eventually (noon break) at nag-sorry. At alam mo bang muntik na kong mapaluha sa reply mo? It was the text na hindi ko nakalimutan ever. Sabi mo,

“Sorry din. Sorry if I’m not the brother you wish you could have. Sorry if I’m not the best.”

Diyan ka nagkakamali, bro. Lahat ng tinext mo mali. Because truth is, you’re the best brother that everyone could ever ask for. And I don’t know what I did right to deserve you. You had been a good brother and a good son. And I know that you’ll be a great husband and father as well. No doubt about that. You sacrificed a lot for us and we (I and Mamang) just want to see you happy. Masyado kang mabait kaya deserve mo ang isang family na tulad ng sa atin (siyempre! Ipagyayabang ko talaga). A supportive and loving wife who will accept not just you but your family (kasama na ang extended family) as well. And of course, future sons/daughters na kasing ugali natin (he-he…). Huwag mo kalimutan lahat ng sinabi/payo ko ha? Huwag na huwag! Hindi ko na pahahabain ang madramang blog na ito dahil baka hindi na kayanin ng mata ko.

Congrats on your new life bro. You will always be my little brother no matter what. And yeah, you know… ILY and IMU.

Love,
Ate Inday

PS: Pakideposit na lang ng Php500,000.00 sa bank account ko. Kabayaran mo dahil inunahan mo akong maikasal. ;)
2

To-Blog List

Kung nakikita niyo ang "Eksena ni MB" sa right portion ng blog na ito at napansin niyo ang malaking gap ng months. As in super malaking gap! Like 5 months! Tapos ang January ko ay uber emote pa diba? Siyempre, alangan namang walang nangyari sakin sa limang buwan na yan. Of course meron! Tamaditis lang si atashi na magblog. So eneweiz, maraming nangyari sa limang buwan na pagkakawala ko. As in super dami. Sa sobrang dami ay hindi ko na maalala ang iba at dalawa lang ang nag-retain sa utak ko. At least, more than one pa din diba? Still in plural form. Ergo, madami na siyang matatawag. LOL.

So eto na ang mga dapat kong isusulat. Pwede niyong abangan, pwede din namang hindi.

1. Family Trip at Baguio (Mom's Birthday Celebration)
2. Sagada Adventure with Superfriends

Mga gala ang mga iyan so malamang I will talk about my day-to-day trip and travel expenses. Speaking of travel expenses. Hindi ko pa pala naba-blog yung travel expenses ko sa HK-Macau na pinangako ko. Susko naman po! It's sooooooo late na! Ipopost ko pa ba yun? Huwag na lang siguro. :-P Pagdagdag pa yun sa isusulat ko eh.

See how acute my tamaditis is? Now you know why I only have 11 published books for the past three years.
7

Prayers and Answers

Dati, naririnig ko sa iba at sa mga pari yung sinasabi nilang "God answers your prayer right away. You just have to wait for it.” Tapos may sinasabi pa ang mga pari na, “Hindi ka kasi naghintay at nakinig kaya hindi mo alam kung anong sinagot ni God.” And honestly, hindi ko alam kung papano iyon nangyayari. Papano ka ba maghihintay? Papano kung isang oras na pala ang lumipas pagkatapos mong magpray and yet hindi ka pa rin sinasagot? In short, paasa si Lord. Ako kasi kapag nagpi-pray, pray lang with matching luhod o upo. After that tapos na. Minsan ini-embrace ko ang silence after I prayed. Pero ni minsan never kong naranasan na sumagot si Lord. Or maybe He did, hindi lang ako nakinig.

Not until now.

Today was the 6th novena mass for Sto. Nino. First time kong magsimba during Sinulog time and first time kong mag-attempt na kumpletuhin ang Novena. Obviously, hindi ako kasing religious ng bestfriend ko. At first, ginusto kong kumpletuhin ang novena mass just for… ewan! Wala akong definite reason. Basta lang ako sumunod sa agos ng trip ng mga officemates ko. And then I finally had the reason and the urge to complete the novena. I want to ask a favor. Not for myself but for my brother. See, I always think of him as my little brother until now. Sabi niya nga kanina sa palitan namin ng PM kanina, “Parang ako pa yata ang babae sa lagay na ‘to. Hehe…” Okay na naman kasi daw ang parents ni girl. Si Mamang pa lang yata ang hindi pa natatanggap na ang bunso at nag-iisang lalaki sa pamilya naming ay magpapakasal na. Well… siguro medyo ako. Can you blame me, bro? Mas mahinhin ka sakin. Tahimik ka. At sa sobrang bait mo at sa sobrang inlababo mo kay M, ewan ko na lang! Basta alam mo na ang fear ko for you!
Earlier today, [during the mass] I ask God:
“Will my brother’s marriage be okay? Will he be okay? Dapat ba kaming magworry ni Mamang?”
Iyon ang paulit-ulit na tinatanong ko kanina? Hanggang sa napagod na ako at nanahimik na lang. Wala na akong ibang inisip. Wala akong ibang pinagdasal, wala akong ibang hiniling. Iyon lang. Then all of a sudden parang biglang may bumulong sakin. Suddenly ang empty mind ko ay biglang nagkalaman, carefully and slowly. Alam niyo kung anong inilagay sa utak ko? This:
“He is my son. You said it yourself, he had been a good son/brother and he deserves to be happy. And if ever na magkaproblema sa married life niya, sa tingin mo ba ay pababayaan ko siya? Hindi niyo ba siya dadamayan kung saka-sakali?”
Ilang minuto din yata akong nablangko. Hanggang unti-unti ay gumaan ang kanina lang ay mabigat na pakiramdam ko. Narealize ko ang isang bagay – nakalimot ako. Sinarili ko ang problema ko. (If you call it a problem rather than a “drama moment.”) I forgot to surrender everything to Him. I forgot to trust Him. And most of all, I forgot to trust my brother.

And for that, I’m sorry...

I should have know better. Our family survived everything because of You and look at us now? :) Kahit hindi sinabi ni Mamang o ng kahit na sino, inako ng kapatid ko ang naiwang role ng Papang ko. Ni minsan ay hindi siya nagreklamo. And surprisingly, he was very good at being the "man" in our family.

Hay naku! Bakit ba pati sa emo moments ay umaandar ang pagiging makakalimutin ko?
 
Copyright © EKSENADORANG MANUNULAT