0

A Place Called HOME


Isang madramang hapong mga kaeksenadora. Yes, magdadrama lang ako saglit dahil parang hindi ko na yata kaya ang mga pangyayari. Chos! Hehe.. Joke lang. Honestly, bukod sa trip kong dumaldal today, napansin kong matagal na rin pala simula nang huli akong magpost. So here we go again.

HOME. Define home. Nang isearch ko ng home kay google, madaming lumabas. Sabi ni free dictionary, a dwelling place together with the family or social unit that occupies it. May tama siya! Pero ang pinakapanalong sagot na nakita ko ay eto:
“Home to me, is the place where you want to be at the end of rough day. The one place where you know that you truly belong and feel welcome and loved. It's where you feel comfortable and at ease. It's where you can be silly, or tired, or cry, or laugh, or walk around in your underwear.”
Yes, that’s what HOME for me din. At bakit nga ba bigla kong naisip ang tungkol diyan? Well, a closed friend of mine finally decided to return to our homeland (which by the way is General Santos City or simply Gensan) for good after two years of staying here in Cebu. I’m happy for her sa totoo lang. And somehow envy her na din. Kasi ang dali niya lang nagdecide na uuwi na. Hindi tulad ko. Sabi nga niya, “You know what, kung iisipin mo talaga, pwede ka na namang umuwi na ng Gensan. With your writer’s fee, tiyak na kaiinggitan ka na ng mga ka-batch natin. You love your job, ikaw lang ang tambay sa bahay na sinuswelduhan, walang house rental na poproblemahin, walang traffic, mura ang lifestyle, what more can you asked for? San ka diba kundi sa "HOME" natin?”

Yes. She’s right. Pero saan nga ba ang HOME ko? Sa Gensan kung saan ako lumaki at naroroon ang pamilya ko o sa Cebu kung saan ako nagcollege at nagkaroon ng career? Hindi ganun kadali para sakin ang mamili between the said two places. Unlike her. I have this trait na mahilig sa sentimental value. Madrama kumbaga. And I always say this to my close friends, mukha lang akong bato at walang pakialam but deep inside, I treasure every person and place that have come into my life. Makakalimutin ako sa ibang bagay pero hindi ang mga mahal ko. Unlike my friend, I’ve spent nine years of my life here in Cebu. Ang dami kong iiwan sakaling uuwi ako ng Gensan. Friends, work, relatives, beautiful places and a lifestyle na nakagawian ko na. I have come to love Cebu. It’s the place where you can have a taste of close-to-Manila-like life and heaven-like life of provinces at the same time. I feel like I’ve become too attached with the place that I’m having a hard time deciding when to go back home. And I can honestly say na ito na ang second home ko.

Alam ko namang walang namemressure sakin na mamili between the two o taong nagpapauwi na sakin. I just can’t help but think of it right now dahil halos lahat na yata ng kakilala ko dito sa Cebu na taga-Mindanao ay umuuwi na for good. Feeling ko nga kami na lang ng kapatid ko ang natitira dito. He-he… Pero basta… D
eep inside me, alam kong uuwi talaga ako ng Gensan for good. I see myself growing old there and spending my day with my beloved relatives. Nandoon ang pamilya ko. Ang relatives sa ibang side ko kung saan tinulungan kami nung mga panahong kailangan namin ng tulong. Hindi ko man alam kung kelan ako talaga uuwi ng Gensan, isa lang ang alam ko: Hindi ako tatandang empleyado pa rin. At anuman ang mangyari, uuwi pa din ako ng Gensan. And that my friend is the answer to my magulong question kanina.

The place where I can be silly, or tired, or cry, or laugh, or walk around in your underwear?

GENSAN. :)

0

PHR in Cebu!

Good news mga Sugbuanon! Our fave writers: Heart Yngrid, Sonia Francesca and Sofia will be having their book signing this coming July 22, 23 and 24! Check out pic below for the details. This is a once in a lifetime opportunity so don't miss it! Of course pupunta din po ako dun hindi bilang writer kundi bilang reader. :) Will visit the booksigning at July 23 and 24 since may trabaho pa po ako ng July 22. :D Magpapapirma din ako ng mga libro nila na meron ako! So magkita-kita ta didto mga Sugbuanon!

 
Copyright © EKSENADORANG MANUNULAT