1

EVERY CLOUD HAS A SILVER LINING...

Isa ako sa mga taong nanisi kay PNoy, nagalit kay Mar at nairita kay Korina. Ilang araw din akong panay ang share ng kung anu-anong posts, blogs at pictures sa FB account ko. And until now, hindi ako nagsisisi sa ginawa ko. Let me just make it clear, hindi ako totally galit sa gobyerno. I get that we belong in third world, mabagal ang respond dahil sa kakulangan ng mga equipments at sa geographical chorva ng Pilipinas. Bukas ang isip ko na pagdating sa disaster chorva, olats talaga tayo. Ang ikinagagalit ko lang, sa gitna ng lahat ng ito ay nakuha pa ni PNoy na manisi ng local government. Sa gitna ng paghahanap ng mga biktima sa mga nawawala nilang kamag-anak, sa gitna ng pagkalugmok ng spirit nila at sa gitna ng paghahanap nila ng pagkain para mapawi ang gutom, nagkaroon pa ng oras si PNoy na manisi. Siya ang nauna. Sorry pero I still think that he deserves what he’s getting right now.

But after days of sharing and voicing out my opinion, humupa din ang galit ko. Feeling ko tinapik Niya ako para magising. Feeling ko siya mismo ang nagpahupa ng galit ko. And He did again earlier during the Sunday Mass and right after the communion. Ilang segundo din akong nakaluhod not knowing what to tell Him. Ayokong ulit-ulitin ang dasal ko noong mga nakaraang araw about helping Yolanda victims. Dahil obvious naman na dumating na ang mga tulong. And then suddenly, after a long seconds of silence, parang may bumulong na lang na – “Silver Lining.” Two words and I already know kung anong ikukwento ko sa kanya.

He’s just there. He never left us. And He loves us.

Alam ko na naman iyon noon pa. Nung sabihin nga ni Mayor Duterte iyong statement niya about God abandoning us, kahit iniidolo ko siya, hindi pa din ako sumang-ayon. Despite what happened to Yolanda victims, it never crossed my mind that He abandoned us. I want to think that He has his own plan and reason for doing this. Maybe I am just saying this dahil wala ako mismo sa lugar ng mga biktima. Na hindi ko nararamdaman ang trauma, gutom, takot at kawalan ng pag-asa na nararamdaman nila doon. I know that and please forgive me. But as of now, mas gugustuhin ko pang iyon ang isipin kaysa ipagpatuloy ang pagbatikos kay PNoy. Sinasabi ng iba na baka kaya nangyayari ito ay dahil malapit ng magunaw ang mundo, na baka malapit na siyang dumating. I would like to think otherwise. Mas gusto kung isipin na siguro kaya nangyayari ang lahat ng ito dahil gusto Niyang ipakita sa atin na sa kabila ng gyerang nangyayari ngayon, sa kabi-kabilang away ng iba’t ibang bansa at pagdami ng krimen, hindi pa rin nawawala ang pagiging tao natin. The goodness is still there. We just had to find it among ourselves. Siguro ay gusto niyang ibalik sa atin ang pag-asang hindi pa rin pala huli ang lahat. We can still make this world a better place (sabi nga ni Michael Jackson).  Na kapag lugmok na lugmok ka na, may mga tao (o bansa) ka pa ding maaasahan.

THERE IS STILL HOPE.

And I know pagkatapos ng lahat ng ito, tatayo tayong mas malakas, mas matibay at sana, kahit hindi man lahat, dumami pa iyong mga taong nagkakaisa at nagdadamayan. Sana kahit walang trahedya o sakuna, maipakita natin iyon sa iba. 
 
Copyright © EKSENADORANG MANUNULAT