My friends (Ayin and Cassie) and I thought this would be the best time to experience discovering some place together. Ayin and I love to travel a lot. We make it a point to travel at least once every year. We’ve been doing that for two years now and since then we haven’t really had the chance to travel and explore things together. Like this year, I took my holy week vacation at Camiguin with my writer friends while Ayin had her late summer vacation at Baguio together with her officemates.
And so we decided to grab this opportunity. Problem is, we don’t have an ample time and enough money to travel around Palawan, Tagaytay or even Dumaguete. So that leaves us to one particular idea - Explore the southern part of Cebu Island. And the first part of exploration starts with: Carcar and Argao.
Oh ha? Nasurvive ko ang dalawang paragraph in plain English! Punyemas, dinugo ako ng todo. Gusto ko sanang mag-english ng bongga sa particular entry na ‘to, kaso lang... malaking eksena yun pag nagkataon diba? Spot the difference ang drama kapag ginawa ko yun kung ang mga previous ko namang ginawa ay may halong kaechosan naman. (Liban na lang dun sa copy-paste ha? Hindi naman akin yun originally.) So eneweiz, pasensiya na mga kafatid, nagsusumigaw talaga ang pagiging walang sense ko. Asan na ba tayo? Ah ayun!
So iyonchi na nga, nagdisappear kami sa city of Cebu ng 7:15 ng umaga. Sakay ng pamosong Carcar minibus kung saan ay kilala sa sobrang bilis magpatakbo. As in to the highest level na bilis ka? Keber sa overspeeding ang drama ng mga driver ditech. “Biyaheng Langit” nga sey pa nga ng iba. Oh diba? Sa minibus pa lang, katakot-takot na adventure na agad ang mae-experience mo. Andyang kakapit ka ng mahigpit sa upuan sa tuwing mag-oovertake ang lintek na minibus. Alam na ngang alanganin, magpupumilit pang sumiksik?! Nariyang mapapasigaw ka na para kang nanonood ng horror movie sa sinehan sa tuwing dinidiinan ng driver ang break ng ura-urada. At higit sa lahat, mahihilo ka sa halu-halong baho ng mga pasahero dahil para na kayong sardinas sa loob. Normal ng madikit sa buhok mo ang baho ng kili-kili ng nakatayong pasahero sa gilid mo. Bakit kamo? Dahil ang epal na kundoktor, nakatayo na nga ang iba (dahil wala ng maupuan), pick up pa rin ng pick up ng pasahero. Sa pagsigaw nito ng “Meron pa pong bakante! Dali! Bilis!” ay kasabay niyon ang pagtaas ng kilay mo. Saan mo ilalagay ang bagong sakay na pasahero, aber? Sa kandungan ng driver? Kalurkey ka koya (ang kundoktor)!
Siyempre pa dahil nga siksikan ang lahat, hirap na ring makadaan ang kundoktor para maningil ng pamasahe. Ang siste, kailangan niyang makipagkiskisan sa mga lalaking nakatayo. At bilang hindi lang nasa dugo ko ang pagiging berde kundi maging sa utak na rin, bigla akong napangisi nang bigla akong may naisip na kalokohan. Pinalitan ko sa isip ang tatak ng Carcar minibus. From “biyaheng langit” to “Biyaheng Brokeback Mountain!” Nawindang ang utak at mata ko sa tuwing kumikiskis ang harapan ni koya kundoktor sa likuran ni amang pasahero. Ang sagwang tingnan teh pramis! Hahaha…
Nakarating kami sa wakas ng Carcar Proper ng bandang 8:15. Sumakay ng tricycle para ihatid kami sa aming first destination: Ang Theotokos Shrine. We figured its best to start your travel with the Lord’s guidance. (Naks!) nandoon ang malaking rebulto ni Mama Mary. At dahil isa siyang sacred place, hindi pwede ang sobrang kulit at ingay diba? Kaya pigil na pigil kami sa picture namin. Kita niyo naman? So konting picture lang tapos dasal.
Sunod naming pinuntahan ay ang Carcar Museum na matatagpuan sa gilid ng Carcar Church. Pero dahil isa kaming malaking engot, hindi namin naisip na baka sarado siya dahil holiday nga diba? Sumalubong samin ang saradong museum. Tsk, tsk... Disappointing. Inechos-echos pa namin si Mamang Bantay sa pagbabakasakaling bumigay. Pero asa pa kami? Sino ba kami diba? Kaya nakuntento na lang kaming sumilip-silip sa loob, magpose sa labas ng museum at kunan ang pahamak na padlock. Hayst… It hurts, you know. :( Sayang! Akala pa naman namin ay makakaharbat na kami ng antique products. Chos!
Dahil wala naman kaming napala sa museum, tumuloy na lang kami ng Argao. Walking distance lang ang sakayan ng jeep to Argao from Carcar church. Nang papunta na kami doon, napadaan kami sa isang stall kung saan may nagtitinda ng sapatos. Kilala ang Carcar sa paggawa ng matitibay at murang sapatos. Kaya nakiusyoso kami. Baka sakaling may magustuhan. Cassie bought a pair of flats for 80.00 pesos. At kami ni Ayin? Well... matapos ang maha-habang hanapan – nagkita na rin kami ng sapatos na gusto ko! At long last! Yihee!! Sa halagang 200 pesos ay meron na kong ganito…
Mga more or less ay 40 minutes lang ang biyahe from Carcar to Argao kung sasakay ka ng pampaserhong jeep. It was a nice trip dahil nagkaroon kami ng instant tour guide sa katauhan ni Manong I-love-Argao (We forgot to ask his name). Binanggit niya samin lahat ng lugar na dapat naming puntahan sa Argao maging ang pamasahe. In fairness kay Manong, truelili lahat ng sinabi niya. Lalo na sa pamasahe portion. Hihi..
So eneweiz, gora ulit sa Old Church ng Argao kung saan sobrang byonda naman talaga ng lugar! Kung ikaw ay mahilig sa mga old stuffs and building, for sure magugustuhan mo ang lugar na iyon. Kulang na lang ay magsuot ako ng Filipiana para masabing in ako. May naiimagine din ako na may mga taong naglalakad doon in black in white version dahil panahon pa ni Jose Rizal o Andres Bonifacio.
Sa gilid ng Argao Church ay ang Hall of Justice nila. Maganda din ang building, hindi nga lang namin makunan dahil may mga tao. :) Sa harap ay ang old chapel na sabi ni Manong I-love-Argao ay mas luma pa sa mismong church. Sa tabi ng old chapel ay isang luma at medyo sira ng arc. May nakalagay na 400 sa ibabaw. Hindi ko alam kung hindi masyadong inexplain ni Manong o talagang lumulutang ang utak ko nung nasa biyahe kami dahil hindi ko sure kung 400 BC ba iyon o 400 years old. Either way, luma na siyang talaga.
And here’s more at sobrang gusto ko… Konting lakad pa sa arkong iyon ay masa-sight mo ang dagat! Oh ha? Ang echos diba? Pwede kang mag emote ng todo dun pagkatapos mong magkumpisal kay Padre sa simbahan. :) Ang bongga dun lalo na sa gabi. Sarap ng may ka-HHWW. Hihi.. As if meron ano?
Picture to sawa sa mga magagandang spot doon. At dahil hindi kami nakapasok sa Carcar Museum, pinasok naming ang Argao Heritage. Para siyang katulad ng Old convent sa Siquijor. Only, mas alaga sa Argao dahil doon din nag-oopisina ang butihing mayor ng Argao.
Past one na kami nakapaglunch. Walking distance lang sa Argao Church ay makikita mo ang Alex Kafe. Nirecommend lang din iyon samin ng officemate ni Ayin. In fairlalu talaga sa kafe na iyon, mura lang ang pagkain pero talap-talap naman ng mga ulam. For 87 pesos ay may kalderata, 3 piece lumpia at one and a half plain rice na ko. Not bad huh? And the place was great. Ganda ng ambience at tahimik. I love it there. I recommend them kapag pupunta kayo ng Argao.
Next stop ay ang Argao Natures Park. It’s a government owned place kaya naman hindi na kami nagulat na mura lang ang entrance fee. And for 35 pesos, pwede ka ng makapag-canopy walk, zipline (40 meters wide and 30 feet high), and boating. 10 pesos lang din ang wall climbing nila. Oh ha? Pangmasa diba? I love the place. It’s close to nature at kahit mahina lang ang development dahil nga government owned, makikita mong malaki ang potential niyang gumanda pa lalo in coming years. Libre ang cottage nila. May hammock pa kaming nakita somewhere. And what I love most was the fresh air. Bihira ka lang kasing makakalanghap nun sa syudad. At malamig pa! Talking about province ang BER month. We stayed for a little while at the park. Kumain ng chichirya at nagmasid-masid sa place. Enjoying the moment.
Next and last stop for the day ay ang Riverstone Castle. Namangha ako sa place, really! Maliit na kastilyo talaga ang dating! Nataranta kami ng friends ko sa loob dahil hindi namin alam kung saang parte ng kastilyo kami unang magpapapicture. Haha… Ang dami kasing magandang eksena. Kompleto ang drama ng mini-kastilyo mga friendship. May rebulto ng knights sa bungad ng castle, wine cellar (though hindi kami sure kung may imbakan ng wine nga sa loob), true crocodile na nangangain ng mga aliping taksil at kaaway ng palasyo (echos lang!), kalesa at iba pa. Kung sa Old Argao church ay gusto mong mag-Filipiana, sa riverstone naman ay parang trip mong magbihis reyna o prinsesa para lang bumagay sa lugar. It was designed by a Belgian National at its a private owned place kaya naman mas mahal ang entrance fee niya kaysa sa Natures Park. Kailangan mo ring paghintayin ang tricycle sa labas kung ayaw mong mahirapang makauwi. Wala kasing dumadaang sasakyan doon.
Riverstone also caters overnight stay there. For more info regarding the room rates, you can contact them at 367-7641 or 367-7214.
Umuwi kami ng Cebu ng pagod na pagod pero super satisfied naman sa lakad. And we do hope na magawa na namin ang Part 2 ng South Exploration namin.
For the benefit of those who love to explore the Carcar and Argao, here’s the complete list of our expenses:
Cebu – Carcar: 40.00
Carcar Proper to Theotokos: 10.00
Theotokos to Carcar Church (where the Carcar Museum is located): 7.00
Carcar to Argao: 25.00
Argao Church to Nature’s Park: 6.00
Inside the Park:
Entrance Fee: 5.00
Canopy Walk: 10.00
Ziplining: 20.00
Boating: 5.00
Wall Climbing: 10.00
Natures Park to Riverstone (two way): 30 pesos (plus additional para sa effort ni Mamang Driver sa paghihintay sa inyo)
Argao to Cebu (CERES bus): 64.00
Others: Food: 87.00
TOTAL EXPENSES: 319.00