Sinetch Atashi?


Ako si “Inday” para sa aking pamily and relatibs,
“Harrieth” sa buhay ng elementary fwends (laglagan na ‘to ng totoong birth name!)
“Harhar” o “Yet” sa aking highschool friendships
“Yi” sa layp ng college dabarkads
“H” sa kapanalig ko sa mundo ng manunulat
“Maan” sa mga readers ng PHR,
“JM” o “Jean Mae” sa mga may gusto naman ng MSV,
“One of da boys” sa paningin ng mga co-workers (dahil ako lang ang nakatagal at nakakasakay sa grupo ng mga puro lalaki.)
“Mabait” at “wholesome” sa unang tingin pagdating sa mga bagong nakakakilala (akala niyo lang yun. Don’t judge the book by its cober ika nga)
“Mayaman” at “Shala” daw sa ibang hanggang tingin lang ang kayang gawin sakin. (mayabang at feeling maganda lang talaga ako minsan)

Eto pa…

Akez ang baklang pinagpalang mailagay sa katawan ng isang babae (Mainggit kayo mga baklush!),

Atashi ang trying hard tibu noong highschool na nasusuka naman kapag iniisip pa lang na manliligaw ng babaeng mas pangit pa sakin,
Akez ang frustrated beauty queen na isang beses lang namang sumali ng beauty contest. (Noong grade one ako. First runner up ako, wag ka!),
Akez ang taong hindi gumagamit ng “s” sa pananalita ko. Dahil nagiging tunog “th” iyon,
Akez ang matangkad na babaeng hate na hate ang mahuli sa pila kapag “according to your height” ang drama,
Akez ang musikerang hindi man lang marunong gumamit kahit na pambatang gitara,
Akez ang music lover na hindi naman updated sa mga bagong kanta dahil makaluma ang trip,
Akez ang singer na ginagawang “araneta” ang banyo at “microphone” ang suklay,
Akez ang dancer na walang ibang alam na step kundi Macarena,
Akez ang inggiterang ginagaya lang si ateng wanda (http://anggandaniwanda.blogspot.com/2006/01/sino-ka-wanda.html) kaya may ganitong pakulong blog post,
Akez ang sosyalera at elitistang hindi naman marunong gumamit ng 3 inch heel sandals, deadma sa dresses at palda at keri’ng kumain kahit sa pinakamurang pagkain sa tabi ng kalye,
Akez ang fashionistang walang datung kaya kuntento na sa jeans and shirts,
Akez ang joker na puro naman corny ang jokes,
Akez ang emo’ng hindi naman trip ang get up ng mga emo pipolness,
Tahimik na otaw pero di naman halata ng lahat,
Akez ang ermitanyong naninirahan sa magulong syudad ng Cebu,
Akez ang probinsyanang hindi naman makatagal sa bukid (Kung vacation mode lang, keri ng powers ko),
Akez ang romantikong wala namang kakilig-kilig sa katawan at hindi naman naniniwala sa lab-lab eklavu na yan (ang ironic duhbah?)
Akez ang laitera at echoserang ultimo sarili ay hindi pinapalagpas (nilalait at iniechos din),
Akez ang reader na gustong gayahin ang istilo ng fave writers pero wit ko naman keri,
Akez ang KSP’ng manunulat na mahilig umeksena kahit hindi naman hinihingan. I can be whatever you want me to be (ENGLISH TEH?!?!?). Ganyan ako ka-flexible. Hindi nga lang sa katawan kundi sa personality lang. Mabait akong frend at masama akong maging kaaway.

Ako si Maan Beltran. At ito ang mga piling eksena ng aking buhay...

2 umeepal:

Anonymous said...

nyeta, baklang bakla ka ah! :D

aylabyu poknat! :)

~ EJ

HartWanders said...

hahaha.. walang magawa teh eh! labshutu! :D

Post a Comment

Sige, umeksena ka din. Keme lang naman...

 
Copyright © EKSENADORANG MANUNULAT