Day 2: Around Hong Kong

Okay, so this is way way overdue! I know. Obvious naman sa date posted diba? Sorry folks, talagang tinatamad lang this past few days . And since naumpisahan ko rin naman itong blogging na to ng aking HK-Macau Trip, no choice ako kundi tapusin siya diba? Kaya heto, tatapusin ko na talaga. But I’ll go straight to the point na. By bullet na lang at tinatamad na din akong magkwento. Hehe… Pasensiya na talaga.






  • Met up with a PHR reader that morning, si Gee. Kasama niya ang isa niya pang kaibigan na nakalimutan ko ang pangalan. Sorry po. :( Had a breakfast (courtesy of them) at Yoshinoya.




  • Went to the Central Park (I guess). Saw lots of Filipinos there. Kahit saan ka lumingon, andun sila. We even saw a pinay preaching about the word of God. Yes, uso din doon ang mga ganun!



  • Took some pictures with their infamous blackman. Parang monumento lang ni Rizal. Only, kulay itim siya.




  • They were kind enough to accompany us on our way to Ocean Park. Binigyan nila kami ng directions on how to get there. We bid our goodbyes at the MRT Station and hop in.




  • From Central Station, bumaba kami ng Admiralty Station. Paglabas namin ng Exit B, may mga travel agents na sumalubong samin offering a great Ocean Park deal. We had a 20HKD discount plus we don’t have to worry na on riding the Bus 629 dahil provided na nila ang sasakyan papunta dun.




  • At the Ocean Park, naglibut-libot muna kami. Visit the Panda and Aquarium. After that, sumakay na kami ng cable car to switch sa kabilang island kung saan nandoon mostly ang mga rides. We also watch the Dolphin Show. The show was okay. Really not that impressive pero keri na. Feeling ko kasi mas magaling pa ang mga dolphin dito sa Pilipinas kaysa dun. Rode the Raging River (wala man lang kachallenge-challenge! Susme!), Rapids (Mas lalong walang kwenta!) and Space wheel (dito lang ako nasiyahan!). I wanted to try kahit yung The Flash man lang since hindi na keri ng powers ko ang Abyss at Dragon, but mas duwag pa ang kasama ko kaya hindi na ko nag-insist. Overall, dahil masyadong mainit ang tama ng araw, hindi kami gaanong nasiyahan sa Ocean Park. But it was okay. Siguro kung adventurous lang yung kasama ko at hindi mainit, naenjoy ko siguro ang Ocean Park.




  • 3:00 PM nang magsawa kami sa Ocean Park. Hindi na muna kami umalis dahil I have to meet up with another two PHR readers. Si Ate Glenda at Shie. Madalas ko ng nakakachika si Ate Glenda sa FB kaya natuwa ako nang makita ko siya sa personal. Pirmahan muna saglit at picturean bago tumuloy sa Stanley Market. Hindi iyon kasama sa itinerary namin but since kasama naman namin ang mga readers na taga-HK, hindi big deal samin ang maligaw.



  • Had our very late lunch at Stanley at some Pizza resto. Again, thanks to Ate Glendz and Shie for the free lunch. Sa Stanley mo mostly makikita ang mga puti (foreigner). It was the western side of the HK. Konting tingin-tingin sa market bago bumalik sa Central para sa susunod naming itinerary – ang The Peak.





  • Nakipagkita ulit kami sa dalawang PHR readers na siyang sasama samin papuntang The Peak. Si Gellz at Alena. Kaso masyadong mahaba ang pila papuntang The Peak. No choice kami kundi ipostpone iyon at balikan na lang on our last day. Dumiretso na lang kaming Avenue of Stars para makahabol pa sa Symphony of Lights. Ride the Star Ferry from Central to TST.




  • Dinner at Mcdonalds bago tuluyang umuwi ng Taisan. Malapit na lang iyon from Avenue of Stars kaya nilakad na lang namin.



Next blog: Day 3: Ngong Ping 360 & Disneyland

0 umeepal:

Post a Comment

Sige, umeksena ka din. Keme lang naman...

 
Copyright © EKSENADORANG MANUNULAT