So eneweiz, bilang respeto sa friend kong naghahanap ng bagong entry dito, kaya eto, new entry ulet! Napipilitan lang akez yah know! Hahaha… Charaught lang! Seryoso mga ateng, magpapasalamat lang akez sa mga readers na sa kabila ng lulubog-lilitaw na status ko sa writing world ay mahal pa din ako ng bonggels! O dali, prepare your handkerchief na! Hindi yan para sa luha, gaga. (Ahay! Sorry for the word!) Wit mo na asahan na pang-MMK itechiwa. Wala lang. Trip ko lang na pakuhanin ka ng panyo. Hihi…
Aamin na si atashi. Isa akong malaking autistic at bipolar. (Oo! Hinakot ko na lahat!) May mga moments in layp kung saan dinadalaw ako ni insecurity at jealousy. Memoryado ko na ang visiting hours niyan. Tuwing may bagong release ang mga writers na pamilyar na sakin o kapag may bagong series ang kasabayan kong writers. Jealousy ang tawag sa unang dalawang rason ko. Sa mga panahong iyan ko narerealize na hindi lang ako fanatic ni Juan Tamad, isa yata ako sa mga long lost granddaughter niya! Dumadalaw din si insecurity sa tuwing feeling ko ay walang nagbabasa ng libro ko; Or most of the time, trip niya lang talagang dalawin ako for no reason at all. Daig niya pang ang BFF ko. Basta na lang pumapasok ng bahay ng walang paalam. Oh well, sadyang ganyan talaga si insecurity, isang malaking epal sa buhay ko at waley na kong magagawa doon.
Pero sadya ding may mga pipolets na hindi mo inaasahang darating sa buhay mo na magpaparamdam sayo kung gaano tayo kaespesyal. Iyong tipong wala kang kamuwang-muwang, binago mo na pala ang buhay nila. Ansabeehh!! Exagg lang ang drama! Haha… Hanggang espesyal lang tayo mga bakla. Wit na iyong “changing lives.” Di naman tayo si PLDT na may tagline pang ganun. So eneweiz, sa hinaba-haba ng intro ko (partida, tatlong paragraph!), ang point ko lang naman ay magtethank you lang ako sa mga piling readers na naging parte na ng buhay ko at eventually ay kaibigan na ang tingin ko at hindi na isang reader lang. Witchikels ko knowings kung anong pambobola ang ginawa ng mga ito at nagtagumpay silang bilugin ang utak ko. Kasi hindi naman ako talaga masyadong tumatagal sa isang conversation. Madalas sa hindi, iniiwan ko na lang basta mga kausap ko. Kinatatamaran ko ang pagreply. Hindi ko ikakamatay na hindi magtext sa isang araw. Baka nga matagalan ko pang walang katext sa isang buwan! Swear! Wiz kita binobola! Kahit iverify niyo pa yan sa numero unong reklamador sa pagiging tamad kong magtext – ang mudra ko! Pero may mga pagkakataon naman na feel na feel kong sumagot at makipag-interact. Malamang natiyempuhan akong kausapin ng mga ito nang mga panahong unstable ang utak ko kaya swak agad. Kaya heto na pipolets, ang mga magaling sa pambobola! :)
1. Jhoy Balboa and TGVamps. Tandang-tanda ko pa ang unang pag-uusap namin ni Jhoy. Bakit ko kamo tanda? Dahil nang minsang naglinis ako ng inbox, nakita ko ang conversation namin. At ang lakas ng tawa ko habang binabalikan iyon dahil masyado kaming pormal mag-usap! Sinong mag-aakala na may tinatago pala kaming sungay at nakamaskara lang pala kami that time? Matipid si Jhoy sa mga bola niya. Puro “maganda” at “sulat ka pa” lang sinabi niya. Hmp! Di man lang nabusog ang ego ko! Tse! Hehehe… Siya ang pinakaunang Manila reader na kinatagpo ko. Siya ang pinakaunang reader kung saan naging komportable ako. At siya ang unang reader na nagbigay sakin ng napakasarap na cake! (Jhoy! Namimiss ko na cake mo! :D) Doon ko nakilala ang iba pa niyang kaibigan – ang PPG. Sina Frecy, Armie, Marga at Toni. Masaya silang kasama. Tawa lang kami ng tawa. Mga baliw lang tulad ko. Hindi ko reader ang mga lecheng yan. Ha-ha.. Leche talaga? Mga isa o dalawang libro ko lang ata ang meron sila. But they were honest enough and iyon ang naappreciate ko ng sobra. Hindi sila nagsinungaling. Wala iyong mga bola na gustong-gusto mong dugtungan ng “weh?!” Wala ang mga exaggeration na feeling mo pati patay ay babangon para lang sapakin ka. Ha-ha… Yes, you don’t have to be an avid reader of mine o follower para lang maging kaibigan ko. Just be honest and be yourself. Iyon ang mas hinihingi ko. Mas iyon ang naaappreciate ko. At iyon ang dahilan kung bakit ko sila naging kaibigan hanggang ngayon.
2. Rex Basical. A true-blooded bading. Yata? Ha-ha… Ewan! Naguluhan ako nang sabihin niyang gumawa ako ng Hot Intruder at siya daw ang hero! Susko! Ha-ha… Naalala ko ang unang message sakin ni Rex. Isang umaatikabong sorry dahil daw never pa siyang nakabasa ng libro ko. At naappreciate ko yun. Nakonsensya yata ang bakla nang sumunod na linggo ay bumili ng libro ko. Nagustuhan niya daw. So binili at hinanap niya pa iyong iba. Akala ko magugustuhan niya lahat. Hindi pala! Kaloka ka Rex! May ibang libro na hindi niya gaanong gusto! Ha-ha… Prangka ito. Iyong tipo ng prangka na kung seseryosohin mo ay iinit ang dugo mo. Buti na lang at half-blood bading din ako kaya nagagantihan ko ang mga panonopla niya minsan. But he is my friend. At tanggap ko na ganun siya. Ang dami niya ng nagawa for me sa totoo lang. Minsan nga ako na ang nahihiya.
3. Cebuano readers (Ivy, Nerie, Celine, Johanna). Hindi ko na tanda kung papano ko naging kaibigan ang unang tatlo. Halu-halo ata. Through multiply, FB, other writers. Ewan! At ang mga ito, bumibili ng libro ko pero never namang nagbigay ng reaksyon tungkol sa libro ko! Ni hindi ko alam kung binabasa nila o tinatambak lang! Ha-ha… But nevertheless, I love them. Actually, kung iisipin ko, iyon nga yata ang rason kung bakit ko sila mahal. He-he... Kapag kasama ko sila, nakakalimutan kong ako pala si Maan Beltran. With them, I'm just plain "H." And I love every moment na kasama ko sila. Kahit pa madalas ay nauubos ang energy ko kapag sabay na nagpapakita sakin sina Ivy, Celine at Nerie! At sila iyong tipo ng taong hindi ko trip pirmahan ang books dahil di na naman kailangan! :) And then there's Johanna, na nakilala ko trough SMP. Mahiyain ang batang itech! At tulad ni Jhoy matipid siya sa pambobola! Hindi nabusog ang ego ko! Ha-ha... Pero mahal ko ang batang ito. And of the reasons why napasama ka sa number 3 ko. :)
4. Angeli. Wag ng bigyan ng last name at baka mapatay nya ako. Ha-ha... Kung bakit? Well, continue reading mga ateng! Tulad ng number 3, hindi ko alam kung papano nagsimula ang friendship namin. Basta nagising na lang ako isang araw na natatandaan na ng utak ko ang twitter name niya. Na isa siya sa mga follower ko na gustung-gusto kong kausap. Siya ang pinakaunang tao na tumawag sakin ng “idol.” At hanggang ngayon ay hindi ko alam kung bakit. Binibili niya yata halos lahat ng libro ko. Makwento siya. Or should I say, matanong ako? Ha-ha... At sa totoo lang, mas iniidolo ko siya sa sobrang lakas ng loob niya. Na sa kabila ng nangyari sa buhay at pamilya niya ay hindi siya sumuko. At kung titingnan ang personality niya, hindi obvious na marami na pala silang napagdaanan. Eneweiz, sige inaamin ko na. Ako ang matanong pagdating sa kanya. Hihi.. At sa dami ng tanong ko, doon ko nalaman ang tungkol sa impending love story niya. Masyado akong kinilig kaya kinulit ko siya ng kinulit na ikwento sakin ang buong storya. And one day isang araw, nauwi sa isang novel ang kwentong iyon. Novel na may pinamagatang “The Right Mr. G.” Oh yes! Hahaha… Bukingan na ng pangalan! Wala naman itong apilyedo eh kaya safe ka pa! :D
And last but not the least, ang rason kung bakit may ganito akong entry. Ang friend ko na nagreklamo dahil wala na daw kwenta ang blog ko at wala na siyang mabasang bago. Ang rason kung bakit hindi man lang ako makaramdam ng insecurities these past few weeks kahit pa wala na akong pondo sa PHR at maging sa MSV. Ang dahilan kung bakit kahit nagkalat na ang bad vibes sa facebook ay hindi man lang ako apektado. Kung bakit sa kabila ang katamaran kong magsulat ay parang ang saya-saya ko pa din. Ang taong nagparealize sakin na kahit hindi man umabot sa isanlibo ang avid readers ko (baka nga hindi pa umabot sa 500 eh!), okay lang dahil andyan naman siya. Dahil para sa akin katumbas niya na ang 500 readers. Walang halong echos yan, ateng! Maniwala ka! Utang na loob! Actually, wala kang choice kundi ang maniwala dahil sinasaksak ko na ito sa baga mo. Ha-ha… Walang iba kundi si… drum roll please! ilatag ang red carpet! …
5. Psyche! Psyche… okay fine, pagbigyan natin ang pantasya niya… Psyche Nadal (daw)! He-he…
Gusto ko lang sagutin ang mga sinabi mo sa blog mo. Ang pesteng blog mo na ilang minutong nagpablangko sa utak ko. Limitado lang ang capacity nito ateng kaya hindi kinaya ang lahat ng nabasa! Ayan tuloy, nagcrash! May goosebumps pang after effect! Lech! I don’t know if I’m worth it! I’m not even sure if I deserve all of these. Charlot! Best actress lang ang peg! Pero seryoso ateng, hindi mo alam kung gaano ako nawindang sa blog mo. It took me five minutes para ireboot ulit ang utak ko. And yes, gaya ng paniniwala mo, feeling ko meant to be talaga ang pakakadiskubre mo sa book ko! Iqu-quote ko lang ang sinabi mo. Hindi ko na ibibuking ang blogsite mo at baka sigawan mo na naman ako. Hahaha:
Mas gusto kong isipin na serendipity iyon. That we were brought together and we were meant to be! Hahahaha. Lalaki lang?!I agree. Parang magjowa lang talaga ang tunog! Ha-ha… Sa dinami-dami ng writers ng PHR, mga writers na mas madaming libro kesa sakin, eh bakit iyong libro ko pa ang napulot mo (literal po na pulot sa sahig just in case gusto niyo lang naman pong malaman.)? Gusto ko lang pong ishare ang iba pa niyang sinabi at kung bakit nasabi kong katumbas na siya ng 500 readers ng iba.
Una kong binasa yung The unscripted love. Yun ata latest nung time na yon. Natuwa ako! In fairness! Pinasaya ako ng librong yun. Promise! Sobrang depressed ako ng mga panahong iyon. Kaya naman to find such a joy in reading a tagalog book was a good change for me. I felt connected to Mavie (mali yata ang name, shiiiit!), yung heroine sa book. Sasabihin siguro ng mga taong nakakaalam ng mga pangyayari sa buhay ko, this is an exaggeration. Pero hindi po! Mavie... or Mavic was my saving grace! I owe her my life. Hahaha. For the first time in a loooooong time, I actually laughed. I wish I can explain it further pero... Huwag na. I'm only thankful I accidentally bought those books!
Oh, kailangan ko pa bang sabihin? Binasa ko rin yung 2 pa! Hahaha. Consistent po yung writer. Kaya namangha ako. Siguro isa lamang siya sa daang-daang manunulat ng PHR at nagkataon lang na kanya yung napulot kong book. BUT, sorry! Ang galing niya! Sinave nga ako ng libro niya bago tuluyang mabaliw 'di ba? Hahahaha. Then I remembered Meann's KS collection years before. (Refer to Part 1 kung di niyo knows si Meann! Haha) Ang layo sa writing tech niya kay MC (siya lang mapagkukumparahan ko).Pero ito sasabihin ko, it was nooooot less than that of MC's. Magkaiba sila. But in a very good way. And i feel guilty, comparing the two! Feeling ko unfair. >.< No comparisons folks! Gusto niyo ng mala-teleserye? Buy MC's. Pero kung feel-good romance gusto niyo, aaah definitely check out MB's!
Ms. Maan, nung sinabi kong idolo kita malamang hindi ka naniwala. Dahil malamang araw-araw maraming nagsasabi sa'yo niyan. Hahahaha. But in my case, iba 'to nooooh! Ako'y super grateful! Dahil kung tiniyagaan mong basahin ang ubod ng habang blog na 'to. Malalaman mong pinasaya ako ni Mavic ('di ko alam kung tama) at Sabel, sa mga panahong wala akong ibang ginawa kundi magkulong sa kwarto at umiyak. So, thank you! Salamat at friend na rin kita kahit 'di pa tayo nagkikita. Hihi. Magpatuloy sana ang pagsulat mo ng mga baklang babae! Hahahahaha. Dahil hindi mo alam ang mga babaeng baklang iyon ay may nailigtas na isang pariwarang babaeng bakla rin. Hahahaha. Chos.Nang magdesisyon akong seryosohin ang pagsusulat ng novel (weh? Seryoso ka na sa lagay na ito?!), kahit pa mangangahulugan iyong gabi-gabing puyat at ilang beses na tardiness sa full time job ko, hindi ko inaasahan na may matutulungan akong ibang tao. I mean of course, aasahan mo na may matutuwa. Rom-com nga ang sinusulat ko diba? Heller?! Pero never ko namang inexpect na ganun! Bolero ka lang yata talaga Psyche! Ha-ha… At gusto lang kitang icorrect, hindi araw-araw na may nagsasabi saking “idol” nila ako. Ang naririnig ko lang araw-araw ay “maganda ka Maan.” Naririndi na nga ako eh. Ha-ha.. Charaught! Pero seryoso, maraming salamat! Hindi na ko magpapakadrama. Sapat na iyong mga sinabi ko at ang blog na ito para malaman mo kung gaano tumagos sa bone marrow ko ang pesteng blog mo. :)
Sila ang mga taong dumagdag sa listahan ng mga kaibigan ko. Mga taong wit ko naman in-expect na darating sa layp ko nang ipinanganak si Maan Beltran pero dumating. Sila lang, sapat na para ipagpatuloy ko ang buhay ni Maan Beltran. Hindi na ko mangangarap na sumunod sa yapak ni Martha Cecilia. Ang tayog lang nun teh! Hindi ko abot! Tama ng hanggang first letter ng pen name ay pareho kami. hihihi... Kaya sa mga taong nabanggit ko, from the bottom of my heart, maraming salamat. :)
10 umeepal:
*Punas luha* Naiyak naman ako sa message sayo ni Psyche. Pero sa totoo lang Ms. Maan, totoo naman 'yung sinabi niya na consistent ka sa mga gawa mo, and you always produce feel-good romance novels. So why the "doubtmares"? You can always "keri" that, and we will always support you. :D
huy aki! ikaw pa pala! hahaha.. bihira ka kasing online eh! di tuloy tayo makapagchikan ng bongga! And thank you so much, Aki. Sobra! Alam ko kahit tahimik ka at mahiyain nung una tayong nagmeet, you're one of the readers na never kong makakalimutan. And i hope you know that. Nakalimutan man kitang isama dito, isa ka sa mga readers na nagbibigay rason sakin para hindi itigil ang pagsusulat. :)
Ang galing mo talagang tumayming! Wuaaaah. Bakit ngayong araw kung kelang umemote ako ng bongga? Complete with chop chop pa q ng hair sa ka-emohan. Ayan ka na naman eh. Nafeel ba ni Lord na kelangan ko ulit ng divine intervention? Charot. hahahaha. Hindi ko pa nababasa pero nagcomment na 'ko, excited lang!
hahaha! excited ka nga! basahin mo muna! anetch ang nangyari at umeemote ka ng bongga? at nagpagupit ka!? Mala-KC Concepcion ba na may kasamang "new hair, new life" ang drama? Text mo lang ako kung kailangan mo ng makakausap at hindi makapagreply ang mga BFF mo ha? Palalain natin ang nararamdaman mo. Hahaha
Wuaaaaaaaaaah!Hahahaha. Thank you! Napa-smile mo na naman ako sa isang lousy na araw. Haha. THANK YOU! :)
weh? di nga? napasmile na naman kita? joker na lang ba talaga ang papel ko sa buhay mo? hahaha... Di nga, thank you! :D
anupaaah ba ang pinoproblema ko. ala ng iba. hahaha. oo, ginaya ko si KC! wahahaha. kung pwede lang kulayan ng bonggang-bonggang green o blue ang hair ko, ginawa ko na! hahaha.
Retype kasi naaning sa biglaang interview. XD
Naloka ako sa kabaklaan mo teh! Hahaha!
Pero seriously teh, hindi man ako masyadong nagko-comment sa mga gawa mo, know that I like 'em, even love 'em in some cases. Ayaw mo nga lang pirmahan ang faves ko. Haha!
Ngayon na lang ako magko-comment para isahan na. Your works never fail to make me smile. Your baliw-baliwan style is refreshing. Kaya huwag kang masyadong bothered na wala kang bagong labas, kasi we have naman your other books na hindi nakakasawang ulit-ulitin. Always my read-when-down-feel-good choice. But despite the rom-com set up, when you deliver your lessons, it hits home, bull's eye! Kaya tuloy napagkakamalan akong baliw kapag nagbabasa - tatawa tapos iiyak. Haha! Hours after or even days after reading your works, I'm still on a high, a sweet sweet high.
If the day we met was an accident, then it's my fave accident and even today I am enjoying the injuries. [credits to the texter :)] Aja teh! Mwuah hugs! ;)
hahaha.. nerie! nagcomment ka din dito! hahaha.. aylabyu! at alam kong alam mo yan kahit na di tayo madalas magkatext o magkachika. at talagang may comment ka na sa books ko ha? nakonsensya bigla? hahaha.. but seriously nerie, pagdating sa inyo hindi na masyadong big deal sa akin un. parang tama na na friends ko kayo at binibili niyo book ko. kaya nga hindi ko rin trip pirmahan! ang awkward ng feeling na pinipirmahan ko books ng friends ko! eewww! hahaha
love u! mwah! hugs! :D
Bigla tuloy nagbalik sa isip ko kung paano ko nakilala si Maan Beltran.
Miyembro kami ng isang Fan Site at di ko pa alam na writer din siya.
Kilala ko lang siya bilang si Harrieth, ang labtem ni Wet Walker na madalas itukso sa kanya.
One time nasa Phr kami ng friend kong si Memie, 1st time kami nagkita doon.
Sabi sa akin ni Memie ay may bagong release na novel si Maan Beltran. Tinanong ko pa kung sino siya. Si ate harrieth daw.
Nakasulat daw ang name ko sa author's note niya.
That time, di ko pa nabili ang librong yun. Di ko tanda kung nakita ko ba siya sa bookshelf o naubusan na ako ng pambili.
Sa totoo lang di rin kasi ako mahilig mag explore ng ibang writer. May kinahuhumalingan pa ako noon at may promise pa ako magiging loyal sa 1 writer na paborito ko.
Then biglang tumigil siya magsulat. Di rin ako pwede tumigil mabasa dahil stress reliever ko iyon.
I remembered Maan Beltran, hinanap ko ang novel nya na may pangalan ako. Sobrang natouch ako kasi naalala nya ako. My sunshine, my love ang title nito.
After ko mabasa novel nya, nahumaling ako! Gusto ko makulekta lahat hanggang sa lahat ng PHR novels nya ang nabili ko, maging ang kay Jean Mae Oryza na siya rin pala ay di ko pinalampas.
I love her novel, her story and especially her characters. I laughed, cried, inspired, and mixed with different emotions!
Unfortunately naubusan na ako ng mababasa kaya ngayon kahit blog nya at binasa ko.
i hope makapagproduce ka na ulit ng mga novels na di lang basta makakapagbigay ng inspirasyon. I do agree na nakapagpapabago ng buhay, because also mine changed. Really! walang ka echusan ha. Though madalas masyado marami words ko sa pagpraise sa favorite kong writers, it was what I really felt.
Post a Comment
Sige, umeksena ka din. Keme lang naman...