He's a BIG Boy Now...
WARNING: THIS ENTRY IS SOOO MELODRAMATIC. Some lines and paragraphs are not suitable for very insensitive readers. [Meaning, kung hindi ka makarelate at wala ka sa mood na sabayan ako sa drama ngayon, pwes, huwag mo ng ituloy ang pagbabasa!]
If you happened to read my Mother’s Day entry (a surprise little gift for my mother), I’m sure you already know that my brother and I lost our father when we were just a little kid and that my mother solely raised us since then. Bida si Mamang sa entry na yun kaya hindi ko masyadong naibida ang nag-iisang kapatid ko. I once had a blog entry about me and my brother sa multiply. Kaso hindi ko na mahanap ngayon. And so I am making this blog again for my little brother – J.
My brother and I are very opposite. Lalaki siya, babae ako (surely!); Malinis siya sa katawan, burara ako; Mabarkada ako, habang siya ay hindi masyado; Magaling siyang mag-ipon ng pera, bihasa naman ako sa paggasta ng kwarta; Tahimik siya, maingay naman ako; Masunurin siya, matigas naman ang ulo ko; Mahaba ang pasensiya niya, walang-wala ako niyan. Madaling uminit ang ulo ko, samantalang siya ay kalmadong-kalmado. Mahinhin siya habang ako ay tila laging nagmamadali. Mahilig siya sa mga bata at ako naman ay hindi. Simple lang ako. Pero kapag kasama ko siya, feeling ko ay ang sosyal-sosyal ko na. (Ganyan siya ka uber-simple!)
But despite all of that, mas marami ang mga bagay na pareho kami: Una, halos lahat ay nagsasabing magkamukhang-magkamukha kami. Like we were twins; We share the same last name (obvious naman siguro); Pareho kaming matangkad; Parehong computer-related ang kinuha naming course; We share the same hobbies. From teks (a card game) when we were kids to Ragnarok and Dota, he was my best playmate ever; Matalino ako (dati) pero mas matalino siya. Pareho kaming hindi vocal. We never had “I Love You” and “I Miss You” moments. (Maybe that’s the reason why I never say “I miss you” to my closest friends.) I remember dati nung na-assign siya ng Manila for four months, madalang pa sa patak ng ulan ang palitan namin ng text. It’s because we both know that we love each other and we will always have each other’s back no matter what happen. Hindi na kailangan ng mga salita. All we need is to show it. While I suck at showing love and affection, my brother was not. He was very good at it. Pano ko nasabi? Isa-isahin natin ang opposite traits naming dalawa.
1. Being the only guy in our family, parang automatic na inako ng kapatid ko ang pagiging isang padre de pamilya despite his very young age. Bata pa lang siya ay nakitaan na siya ni Mamang ko ng pagiging isang responsable. Feeling ko mabilis siyang nagmature because of that. Kaya siguro hindi siya kasing palabarkada tulad ko. Kaya siguro mas malinis siya at burara ako.
2. I remember when we were young, elementary days to be exact. Minsan ay nangungutang pa si Mamang kay J para lang may maipabaon siya sa amin. Dahil dati pa man, marunong ng magtipid si bro. Imagine, sa kabila ng kakapirangkot na baon namin noon, nakukuha pa ng kapatid ko na mag-ipon. Akalain mong naisip niya iyon at ako ay hindi? Haha.. Si J ang laging takbuhan ni Mamang kapag gipit kami. Hanggang ngayon ay ganun pa din ang scenario, actually. He would always be there every time we needed him. Hindi siya madamot. Hindi siya nagrereklamo sa kabila ng pagiging magastos ng kapatid niya (that’s me). Well, nagrereklamo siya minsan. Pinapagalitan ako but in the end, hindi niya pa din ako natitiis, nagbibigay pa din siya. Hihi...
3. And as I’ve said earlier, maingay ako, mainit ang ulo at maikli ang pasenya. I am a nagger. Madalas sa hindi, sa kanya ko nabubunton ang init ng ulo ko. But being the calm and quiet himself, hindi niya sinasalubong ang galit ko. Madalas ay sumusunod na lang siya sakin para lang matahimik lang ako. Pinapabayaan niya lang ang topak ko. Kaya feeling ko, kaya naging bihasa ito sa pagbasa ng topak ng babae dahil sa akin.
Bro, remember during our college days and we had a fight? Can't remember na exactly kung sino ang may kasalanan nun. Pero malamang ako. Hindi tayo nagpansinan buong gabi. We went to school the next day na hindi magkasabay. And then hindi rin ako nakatiis, tinext din kita eventually (noon break) at nag-sorry. At alam mo bang muntik na kong mapaluha sa reply mo? It was the text na hindi ko nakalimutan ever. Sabi mo,
“Sorry din. Sorry if I’m not the brother you wish you could have. Sorry if I’m not the best.”
Diyan ka nagkakamali, bro. Lahat ng tinext mo mali. Because truth is, you’re the best brother that everyone could ever ask for. And I don’t know what I did right to deserve you. You had been a good brother and a good son. And I know that you’ll be a great husband and father as well. No doubt about that. You sacrificed a lot for us and we (I and Mamang) just want to see you happy. Masyado kang mabait kaya deserve mo ang isang family na tulad ng sa atin (siyempre! Ipagyayabang ko talaga). A supportive and loving wife who will accept not just you but your family (kasama na ang extended family) as well. And of course, future sons/daughters na kasing ugali natin (he-he…). Huwag mo kalimutan lahat ng sinabi/payo ko ha? Huwag na huwag! Hindi ko na pahahabain ang madramang blog na ito dahil baka hindi na kayanin ng mata ko.
Congrats on your new life bro. You will always be my little brother no matter what. And yeah, you know… ILY and IMU.
Love,
Ate Inday
PS: Pakideposit na lang ng Php500,000.00 sa bank account ko. Kabayaran mo dahil inunahan mo akong maikasal. ;)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 umeepal:
siyempre, binasa ko. at siyempre, buset kayong dalawa, naluluha ako. haist!
ang masasabi ko lang.... H, blowout sa AA kapag na-deposit na ni bro 'yung 500k ha? :D
Bro, kung mababasa mo ito, congrats! i pray na i-bless ni Lord ang bagong chapter na ito ng life mo. bibisitahin kita kapag nagkaroon ako ng chance pumasyal sa SG. :)
shemay! naiyak ako. sama ako sa AA ha.
minsan ko lang na-meet si bro di pa kami nag-usap, pero congrats na rin sa bagong buhay.
F! F talaga. T_T nakakaiyak naman. na-wish ko tuloy sana may kapatid din ako.
wuaah, best wishes kay kafatid mo, ateng.
ateng, hindi ba may pamahiin na kapag na-skip-an yung panganay ng nakababatang kapatid ay.............................. hahahahahaha! charot lang. juk ba! :P
Ate.... naiyak si mamang.... hala ka.... chorva lang ate.... but then.. best wishes na lang kay kuya.... ^_^
ano ba? naiyak naman ako dito.
Post a Comment
Sige, umeksena ka din. Keme lang naman...