Not until now.
Today was the 6th novena mass for Sto. Nino. First time kong magsimba during Sinulog time and first time kong mag-attempt na kumpletuhin ang Novena. Obviously, hindi ako kasing religious ng bestfriend ko. At first, ginusto kong kumpletuhin ang novena mass just for… ewan! Wala akong definite reason. Basta lang ako sumunod sa agos ng trip ng mga officemates ko. And then I finally had the reason and the urge to complete the novena. I want to ask a favor. Not for myself but for my brother. See, I always think of him as my little brother until now. Sabi niya nga kanina sa palitan namin ng PM kanina, “Parang ako pa yata ang babae sa lagay na ‘to. Hehe…” Okay na naman kasi daw ang parents ni girl. Si Mamang pa lang yata ang hindi pa natatanggap na ang bunso at nag-iisang lalaki sa pamilya naming ay magpapakasal na. Well… siguro medyo ako. Can you blame me, bro? Mas mahinhin ka sakin. Tahimik ka. At sa sobrang bait mo at sa sobrang inlababo mo kay M, ewan ko na lang! Basta alam mo na ang fear ko for you!
Earlier today, [during the mass] I ask God:
“Will my brother’s marriage be okay? Will he be okay? Dapat ba kaming magworry ni Mamang?”Iyon ang paulit-ulit na tinatanong ko kanina? Hanggang sa napagod na ako at nanahimik na lang. Wala na akong ibang inisip. Wala akong ibang pinagdasal, wala akong ibang hiniling. Iyon lang. Then all of a sudden parang biglang may bumulong sakin. Suddenly ang empty mind ko ay biglang nagkalaman, carefully and slowly. Alam niyo kung anong inilagay sa utak ko? This:
“He is my son. You said it yourself, he had been a good son/brother and he deserves to be happy. And if ever na magkaproblema sa married life niya, sa tingin mo ba ay pababayaan ko siya? Hindi niyo ba siya dadamayan kung saka-sakali?”Ilang minuto din yata akong nablangko. Hanggang unti-unti ay gumaan ang kanina lang ay mabigat na pakiramdam ko. Narealize ko ang isang bagay – nakalimot ako. Sinarili ko ang problema ko. (If you call it a problem rather than a “drama moment.”) I forgot to surrender everything to Him. I forgot to trust Him. And most of all, I forgot to trust my brother.
And for that, I’m sorry...
I should have know better. Our family survived everything because of You and look at us now? :) Kahit hindi sinabi ni Mamang o ng kahit na sino, inako ng kapatid ko ang naiwang role ng Papang ko. Ni minsan ay hindi siya nagreklamo. And surprisingly, he was very good at being the "man" in our family.
Hay naku! Bakit ba pati sa emo moments ay umaandar ang pagiging makakalimutin ko?
7 umeepal:
Sabi nga ni Avatar Aang kay Avatar Korra (pasensiya na sa pag-refer ko sa mga cartoons, Ms. H), "When you're at your lowest, your mind will be open to changes."
So, yeah, kapag umi-emo moments tayo, saka tayo makakaranas ng Divine Intervention. Tapos mae-enlighten tayo tungkol sa mga bagay-bagay.
Siyempre nakarelate ako sa reference mo dahil Avatar fanatic din ako. Yes, tama ka nga Aki. I guess doon tayo mas nagiging banal (chos! banal na nga, may "mas" pa).
eto pala ang blog entry na sinasabi mo at lekat ka, naiyak din ako.
hay, i can understand your worry pero yes, leave it all up to Him. maaaring mabait nang bonggang bongga si JoEd pero matalino din siya. i'm sure maiisip niya kung ano'ng tama sa tamang panahon. relak na tayo. (nakisali sa pamilya talaga?)
uulitin ko lang ang nasabi ko na sa iyo once. basta be there for him no matter what. and i'm here din for you and Mamang kung kakailanganin niyo ako. (lintek tama na ang drama naiiyak na naman ako eh...)
kaya mo yan beks. hinga lang nang malalim. :)
yakap kita nang mahigpit na mahigpit! :)
leche ka beks. bakit nagcomment ka pa? ayan, kahit anong pigil ko may umalpas na isang luha sa mata ko. tumulo! *sigh*
Thank you for everything beks. Basta alam mo na kung anu-ano yun. Hindi ko na iisahin dahil baka hindi lang bumaha dito sa blog, masira pa ang "maldita image" natin. hehe..
wuaaah... hindi ako sanay. ako lang ang madrama! pfft. umayos ka. hehe. payakap din ng mahigpit. wehe!
hahahaha! sabi sayo ngayong week lang ito. next week back to kabaklaan again! hahaha.. *hugz mahigpit*
1 yr after na itong blog, how's your brother? Tyak may cute ka na ring pamangkin.
Post a Comment
Sige, umeksena ka din. Keme lang naman...