0

Palawan (The City in a Forest) Day 2

Day 2: Honda Bay Island Hopping

Call time was 7:30 – 8:00 in the morning. 7:30 pa lang, ready’ng ready na kami ng mga friends ko. Hindi kami halatang excited sa lagay na yan. And since island hopping naman siya, hindi na kami naligo sa pension dahil mababasa ka din naman buong araw diba? May iba pa kaming kasabayan sa tour, lima sila. And in fairness ay game kaya naman kaagad kaming nagclick. We met our tour guide for the tour Kuya Chris na siya ring magiging tour guide namin kinabukasan para naman sa Underground River Tour. Pati na rin ang official driver namin na si Kuya Sherwin (side comment: ang gwapo lang naman ni Kuya Sherwin! Shet… Feeling namin ay iyon din ang may-ari ng Duchess Pension. Feeling lang naman ha? Pwede din namang mali kami. Hehe.. Basta, ke totoo man o hindi, sigurado kaming hindi siya basta-basta driver lang.)

At the wharf, you need to fill up some registration forms para malaman kung ilang tao kayo sa isang bangka. Pagkatapos nun ay gora na sa island hopping!

First stop was the Pandan Island. ang lakas ng loob kong mag-island hopping gayong hindi naman ako marunong lumangoy. Even floating. Pramis talaga! Pagtawanan niyo na ko, pero iyon ang katotohanan. Kaya naman nang malaman kong may snorkeling activity kami ay kinabahan naman ang ateh niyo ng bongga. Kasehodang may dalawang life jacket ako, takot ako sa tubig kapag wala ng nakakapang iba ang paa ko kundi tubig na! Kaya naman nakuntento na ko sa pagsnorkel sa mababaw. Haha.. I know right? Ang loser ko. But then, ang saya din naman. Kasi may mga nakita pa din akong maraming fish kahit sa mababaw. Eventually ay hindi na rin lumayo mga kaibigan ko dahil naaliw na kami sa isda na nasa malapit.

We had our lunch there and at exactly 12:30 ay umalis na kami para pumuntang Snake Island. Tinawag siyang snake island hindi dahil pinamumugaran iyon ng mga snakes kundi dahil sa pormang snake daw ang island. Hindi natin mapapatunayan iyon dahil wala naman kaming dalang chopper para tingnan siya sa taas. Kaya naniwala na lang kami. :P

So ayun nga, pagtapak na pagtapak pa lang namin ng island ay gumora na agad kami sa dagat. Nakakatukso naman kasi ang kulay blue at malinaw na tubig at putting buhangin. Parang sa Pandan lang din. Although for me, mas pino ang buhangin dun compare sa Snake Island. At eto na naman po ang abang lingcod niyo. Ang kapal ng mukha kong mauna noh? Eh takot nga ako sa malalim! Hay sus! Pero to the rescue si Manong boatman. Dala ang salbabida niya, tinulungan niya akong makapunta ng malalim. He also guided me and my friends kung saan magandang magsnorkel. At first I was hesitant. As in sobrang takot ko lang talaga. Lalo na kapag tinatry kong abutin ang buhangin. Pero naman ano, asa pa ko?! Haha.. Nakailang attempt yata si Manong na sabihin akong mag-umpisa na sa pagsilip sa ilalim bago ako sumunod. Kasi naman, first time kong gumamit ng snorkel gears. Sorry na mga ateh ha? Walang ganun sa bukid namin kaya matagal bago ko nasanay sa gear. At nung nasanay na ko, saka ko inumpisahan ang pagsilip. And to my amazement, sobrang natuwa ako sa nakita ko sa ibaba! Ang daming corals and fish! As in suppppeerrrr!!! Hindi lang siya school of fish, university na nga yata siya eh! Manong boatman was also kind to take us picture sa ilalim. Kaso walang magandang kuha. Haha… Pero nagbigay kami ng A for his effort. Hindi kaya biro ang magpigil ng hininga at sumisid! Sa sobrang pagkaaliw namin, hindi na namin namalayan ang oras. Lagpas one hour na pala kami dun sa dagat.


A little pictures here and and camera tricks there and off we went to Pambato Reef.

Ang sabi ni Manong Boatman, sa Pambato daw wala ka ng matutuntungang buhangin sa ilalim. Diretso na daw malalim na parte. At tunay nga! Hindi nanloloko lang si Manong Boatman! Hindi na siya Pambato Island mga teh! Nakalutang lang siya sa dagat.


At nagkataon pang maalon nang hapon na iyon so you could imagine how afraid I was walking along those raft. *shiver* And then when I saw how lalim the tubig was, sabi ko, “No. Hindi na keri ng powers ko yan mga friends.”


But then Manong boatman was encouraging me. Pati na si Kuya Jay (my friend) na sumubok na. Kasi kasama nga naman yun sa binayaran namin diba? At saying ang 100 pesos na bayad para sa gear kung di ko pagsasawaan. Kaya nagpadala ako (alam niyo naman ako, uto-uto. Madaling maniwala.) Sabi ko, saglit lang ako. Hindi ako humiwalay sa salbabida ni Manong the whole time we were in the water. As in sobra! At huwag ka! Ang “saglit” ay tumagal ng tumagal hanggang sa si Manong na nagsabing umahon na kami dahil aalis na kami. Haha.. Oh ha?! Saan kayo niyan? Haha.. Kasi naman, the moment I take a look under the water, parang bigla na lang na-wash out lahat ng fear ko sa sobrang ganda ng mga corals sa ibaba. I saw blue and yellow corals, some fishes at pati na buhay na mga clam. Manong boatman was kind enough to make sisid and make tukso-tukso with the clam para gumalaw-galaw (Anak ng…! Biglang umarte?). We were also “finding” for “Nemo” kaso waley eh. Walang naligaw na Nemo. Hehe…

with mabait Manong Boatman


We also passed by the Lu-Li island. Short for Lulubog-Lilitaw island. Lumulubog daw yun during high tide at lumilitaw naman kapag low tide.

So ayon, the trip was tiring pero masasabi mong sulit na sulit sa lahat ng na-experience namin. Biro pa nga namin ni Cassie, dapat next time diving na. Meh ganon?!?! Kuhpaaalll!!!

Next blog: Underground River Tour.. :)

0

Palawan (The City in a Forest) Day 1

So here comes the most awaited part of my first quarter of the year – our PALAWAN TRIP! Yiipppeeee!!! We’ve been planning this trip since the day we bought our plane ticket. Thanks to Cebu Pacific’s promo seat sale, we got it for more or less Php 1,400. Together with my brother, his girlfriend Mary, my close friends Cassie and Kuya Jay, we left the Cebu for four days and had fun at the acclaimed City in a Forest – Puerto Princesa, Palawan.


Our flight scheduled was supposedly Feb 25 – 28, but due to some I-don’t-know-circumstances, CebuPac changed our schedule to Feb 24 – 27 instead. It was more convenient on our part honestly since we only have to file 1 day vacation from the original 2-days leave. Our plane left at exactly 1000H and arrived at Puerto Princesa National Airport at around 1100H. Our shuttle van (courtesy of Duchess Pension) we’re already there waiting for us. The trip from airport to pension was quick and short but Manong driver was able to point us to some ideal restaurant to dine in.

So iyonchi na nga… Namputsa! Biglang nagtagalog? He-he..Sorry, kakatuwa na ang mga pangyayari dito kaya kailangan ng gamiting ang sariling wika. Okay, take two! So iyonchi na nga, nagcheck in lang kami sa pension at pagkatapos ay umalis na para kumain. Hindi kami kumuha ng City Tour package doon bilang nagkukuripot kami. Bakit ba? Para sa amin ay mahal na ang 600 per person gayong pwede naman kaming makapagkontrata sa mga tricycle ng 600 for the whole trip na? Oh divah? Hindi naman kasi iyon mahirap samin dahil lima lang naman kami. And luckily, ang tricycle made in Puerto Princesa ay good for five people only.

So off to “Binalot” kung saan namin napagdesisyonang kumain ng lunch. At eto ang nakakalokah mga teh, naligaw kami sa paghahanap dahil sa restaurant na iyon. Hindi rin daw alam ni Manong kung saan iyon matatagpuan. Basta ang sabi ko lang, “Kahilera lang iyon ng Ka Lui, Manong.” Pero nakarating na lang ulit kami sa Airport ay hindi pa namin siya nakita. Kalokah! So balik ulit kami sa dinaanan namin noh? Good thing at nakita namin ang palatandaan ng restaurant. Kaya naman pala! Hindi naman pala “Binalot” ang pangalan. “Bilao at Palayok” pala!


Kaya naman pala hindi alam ni Manong kung nasaan ang pesteng Binalot na yan! Sorry noh?! Isa akong makakalimutin ng sobra. Tapos sakin pa nagrely ang mga hinayupak sa pag-alala ng mga pwedeng kainan?! Haha… Moving forward, the place was awesome and superb! Sorry na, minsan lang makakita ng native restaurant kaya super namangha kaming lahat. At pati na rin ang food, hindi papatalo. We had their bestseller Inihaw sa Bilao. Obvious na nagustuhan namin dahil nakapag-order ulit kami ng dalawa pang extra rice. At hindi lang yan single serve, platter yan mga katoto! Kita mo naman ang kasibaan namin diba? Haha..


After our lunch, una naming pinuntahan ang crocodile’s farm. Sabi kasi ni Manong Sergio (na siya ring naghatid samin sa Bilao at Palayok”), yun daw ang pinakamalayo at magsasara iyon ng 4PM kaya kailangan naming habulin dahil mga bandang 1:30 na nang matapos kaming kumain. Malayo-layo nga ang byahe. Pero good thing at nakaabot kami sa 2:30 tour ng farm. The guide introduced us to their oldest crocodile (kalansay na) and tour us around the vicinity.

Ang daming crocs in fairness, mamili ka lang. Haha.. Seriously, sobrang dami nila mula maliit hanggang sa pinakamalaki that you can’t help but shiver. Nagliwaliw din kami sa Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center nila ng sobra. In fairness, na-impress ako dun. They make it a point kasi na magmukhang second home na ng mga hayop ang lugar na masasabi mong nasa gubat ka talaga.

Next stop was Baker’s Hill. Dahil naka-tricycle kami at nasa tuktok pala iyon ng bundok, hindi nakayanan ni Manong Sergio ang bigat naming lima, so waley choice ang mga lalaki namin kundi ang maglakad at magtulak. Haha..

Pero keri lang, saglit lang naman un at aliw pa rin naman kaming lahat. :D Picture taking doon at picture taking dito. Ang ganda lang talaga ng lugar at ng mga bahay. Nakakairita dahil maiinggit ka.


Sunod naman naming pinuntahan ay ang Mitra’s Ranch. Saglit lang kami doon at nagpahangin lang. Kung trip mong magmuni-muni at magnilay-nilay sa iyong mga kasalanan, ang Mitra’s Ranch ang sagot sa iyong kahirapan (campaign ad?!?). Overlooking kasi ang lugar na ito, kita mo ang Honda Bay at ang lamig ng hangin! Sariwang-sariwa! Minsan ka lang makakalanghap ng ganun kaya sulitin mo na diba?

After a quick picture taking ay bumalik na kami ng city. We were hoping to catch up the Palawan Museum pero hindi na kami nakaabot ng 5PM. Sarado na nang makarating kami. Sayang! Excited pa naman akong makita ang mga artifacts ng first Filipino natin! Tsk, tsk… We then decided to visit the Plaza Cuartel instead. Wala namang ibang makikita doon instead you will learn something about Puerto Princesa’s history. Sa lugar pala na iyon nangyari ang Palawan Massacre way back 1944 where in 143 American soldiers where all burned out by Japanese soldiers. Sa monumentong pinatayo ni Hagedorn nakasulat ang pangalan ng 143 soldiers na namatay doon. Kakalungkot lang isipin.

At lastly, bago natapos ang aming City Tour, dumaan muna kami saglit ng Cathedral. May misa nang mga oras na iyon kaya hindi rin kami nagtagal at namasyal sa loob. We only had our quick prayers at saka na kami umalis pabalik ng Pension. Pero naisipan ni Manong Sergz na dumaan muna kami sa pinagmamalaking Baywalk ng Puerto. Nagpaunlak naman kami. In all fairness, para nga siyang Baywalk ng Manila. Mas less tao nga lang. Pero maganda at malinis. Sarap magmuni-muni dun.

Pagkatapos nun ay tumuloy na kaming pension house. Namahinga lang kami saglit dahil 8:15 PM pa naman ang reservation namin sa Ka Lui Restaurant. Sa mga nabasa kong blog ng iba, masarap daw ang pagkain doon. At dinadayo iyon ng mga turista kaya better na magpa-arrange ka ng reservation with the help of your hotel. Madalas ay fully booked doon. Iyon ang ginawa namin kaya naman at exactly 8:00 ay umalis ulit kami ng hotel. At hindi nga nagkamali ang mga bloggers, masarap nga ang pagkain nila doon. Lots and lots of seafoods! And what’s more was that ang cozy ng place, sosyal na native type pa din. At eto pa, bawal ang sapatos o tsinelas sa loob! Nakapaa ka lang na kakain sa kanila. Okay lang naman, hindi naman paa ang ginagamit sa pagsubo diba? *smile*

Next blog: Our Honday Bay Island Adventure! :D

PS: Saka ko na isusulat kung ilan lahat ang nagastos namin ha? After na ng Underground River adventure namin. :) Chiao for now!
7

Fight, fight, fight! Go, go, go!


Trip kong magmarunong. Gusto kong manermon. Nangangati akong umepal. At higit sa lahat… due to insistent public demand (chos! parang reprinted books lang ng PHR), eeksena ulit ang abang lingkod niyo. Bakit ba? Sa gusto ko eh. Meh angal? Hehe.. Pero no, hindi iyon dahil sa demand ng public. (Wish ko lang noh!?) Demand ko lang yan sa sarili ko. Pero deadmahin niyo na mga friends, pagbigyan niyo na ko. hehe...

So eneweiz highways, siryus muna tayo okay? Let’s bow our heads and put ourselves in… ay mali… Sorry.. Eto na talaga.. Walang halong biro. Laglagan moment ito. Game.

Likas na sa akin ang pagiging tsismosa at madaldal (sa net world). Aminado ako doon at hindi ko iyon ikinakaila. At gaya nga ng sabi ko sa huling blog ko, this past few days ay araw-araw na yata akong online sa FB at twitter. Dahil dun ay marami-rami na rin akong naging kaibigang readers and aspiring o new writers like me. May iba ding humihingi ng tips kung papano daw ba magsulat. (Chos! Para namang may karapatan akong magbigay hano? Eh sino lang ba ako?) Sila din ang dahilan kung bakit naisulat ko ang blog entry kong My First and What Went Wrong. Because I wanted to help them in any way I can. Sila at ang iba kong kapwa (aspriring) writer din ang dahilan kung bakit ko naisip gawin ang blog na ito. Even if the following lines would also mean na ilalaglag ko ang sarili ko. Pero naisip ko, kung ang paglalaglag naman sa sarili ko ang maging dahilan para mamotivate silang simulan ang pangarap nila o patuloy na magsulat, then pikit-matang ilalaglag ko ang sarili ko.

Game. Alam niyo ba kung ilang manuscript ang pinagpuyatan ko bago ko nakuha ang limang approved manuscript? SIYAM. Yup. Hindi po ako nagbibiro o nag-eexaggerate. I have written fourteen manuscript already. Lima lang ang pumasa sa taste ng PHR editors, walo ang bagsak at isang muntik-muntikan na (revision in short). Lupet ko diba? Hehe.. Ganito ang sequence niyan: 4 rejected manuscript (2008) -->2 consecutive approved (2008) --> another 4 reject (2009) --> 1 approved (2009) --> 1 revision (2010) and 2 consecutive approved ulit (2010). Iyan ang buhay ko for the past three years in my writing career sa PHR. Nakakahiya mang aminin, pero kung iisipin kong mabuti, sa lahat yata ng mga aspiring writers, ako na yata ay may pinakamadaming reject na nakuha at ang pinakatamad sa lahat.

Hindi lang iisang beses akong sumuko, nawalan ng pag-asa, nagalit o kinuwestiyon ang kakayahan ko. Ilang buwan akong tumigil sa pagsusulat at tinalikuran ito. Naisip ko din noon, bakit ba ko nagpapakahirap na magpuyat sa gabi at trabahuin ang isang walang kasiguraduhang manuscript gayong maaga pa kinabukasan ang pasok ko? I have my full time day job, you know. Hindi rin biro ang trabaho ko doon kaya hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit pinapahirapan ko ang sarili ko. Kung bakit pinagpipilitan ko ang isang bagay na sa tingin ko naman ay hindi para sakin.

Pero kahit gaano man ako kalungkot, kainis o kaawa-awa sa paningin ko, at the end of the day… it all points out to one obvious thing. Ito ang gusto ko. Ito ang matagal ko ng pangarap at ito ang trabahong willing kong gagawin kahit na walang sweldo – ANG MAGSULAT.

At kahit gaano man kadaming reject ang natanggap ko, kapag nakikita ko naman ang isang text o email ng editor na nagsasabing approved na ang isang manuscript ko, lahat ng iyon [rejected ms] ay nabubura sa isip ko. Lalo na kapag nakita ko na sa net ang salitang PHR release at andoon ang cover ng libro ko? Sus! Sulit na sulit lahat ng puyat, pagod at hirap na dinanas mo. You will never get used to it actually. Parang laging first time mo kapag nakikita mo ang libro mo sa net o sa bookshelves ng mga bookstore. Idagdag mo pa kapag may nakita kang tao na binibili ang gawa mo. Oh ha?! You feel very proud of yourself at sasabihin mong, tama lang talaga na hindi mo sinuko ang pangarap mo.

Bilib ako sa mga kakilala kong nagte-take ng risk na iwan ang full time job para lang sundin ang passion nila sa pagsusulat. Bow na bow talaga ako sa inyo. Pramis! Hindi niyo lang alam. Dahil pinaglalaban niyo talaga kung anong gusto niyo. Alam niyo kung anong gusto niyo talaga sa buhay. Hindi ko pa kayang gawin yan sa ngayon. Although I know that someday, I would have to choose between my full time job and my writing.

Naalala ko bigla iyong huling sinabi ng favorite teacher ko noon sa highschool bago ako lumipat ng ibang school. Sabi niya, “It is not the truck who drives the driver. But rather, it is the driver who drives the truck.” Hindi ko alam kung imbento niya lang iyon dahil hindi ko naman mahanap sa net ang quote na iyon. (Kahit kailan talaga si Sir. :D ) Pero naiintindihan ko kung ano ang gusto niyang sabihin. You choose your own destiny. You choose your own path. And it’s up to you kung tatapusin mo ang byahe mo o ititigil mo na lang yung truck sa tabi ng daan at mag-iisip na lang na, “Ano nga kaya kung nagpatuloy ako no?” Eh heller? Papano mo malalaman kung hindi ka magdadrive papunta doon? Hindi mo mararating iyon kung puro ka na lang pangarap at imagination. Kailangan mo iyong pagtrabahuin. Kahit pa ma-flat ang gulong mo on your way to the top, may asungot man na naki-hitch sa truck mo at makapal ang mukhag ihatid mo siya sa pupuntahan nito kahit out of the way, maubusan ka man ng gasolina sa daan o may malaking puno ng kahoy na natumba sa gitna ng daan, lahat ng iyon magagawan mo ng paraan kung gugustuhin mong makarating talaga sa pakay mo.

Sa ngayon, sa awa ng Diyos, nakakatatlong sunud-sunod na approved ako. Sana naman ay magtuluy-tuloy ano? Kasi ba naman, sa dami na ng rejected MS ko grabe naman kung hindi pa ko natututo diba? Eh lagi namang may comment ang mga editor sa mga rejected MS. Basta lang you’ll learn from your mistakes. Iyon din ang isa mga isipin mo kapag nakakatanggap ka ng isang lumalagapak na “REJECT.” Hindi yun nangyari para patigilan ka sa pag-abot ng pangarap mo, nangyari yun kasi gusto nilang matuto ka at mag-excel ng bonggang-bongga sa gusto mo.

Kaya para sa mga kapwa ko aspiring writers diyan, huwag lang tayong sumuko. Fight lang ng fight! Go lang ng go! Pinasok natin ‘to eh. Ano pa nga bang magagawa natin kundi ang mag-move forward diba? At gaya nga ng kanta ni Donna Cruz, “kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin ito”, sumunod na lang tayo para wala ng gulo. Mahirap kalaban ang puso mga kafatid, i tell you.

Kaya natin 'to. Aja!
5

Wazzup?


Wazzup folks? Wazzup dude? Hehe.. Ang adik lang.

Yan lately si Maan Beltran. Isang malaking A.D.I.K

Well, what’s going up lately with Maan Beltran? Just the usual stuff, really. Walang malaking eksena’ng nagaganap lately. Here’s ramdom latest about me this past few days.

1. Writing, writing, writing: As of this moment, seryoso pa ko sa quota ko this year. So asahan niyong starting today. Magla-lie low muna aketch sa FB page ko at twitter. Received also good news yesterday from my PHR editor. Approved na ang first manuscript ko this year. Working now on my trilogy (Yes! Ako na ang magaling! Haha) and a stand-alone book na magkakaroon ng apat na sequel.


2. Working, working, working: Aside sa pagpupuyat ko dahil sa pagsusulat. Active pa din po ako sa full time day job ko. Last week lang ay nag-leave ng bongga ang counterpart ko so tambak ako sa work. I don’t have a choice but to handle the nationwide operation of the group.


3. Extending moral support to my dear friends: Within a week lang, I received three news from my dearest friends. Two good and one bad.
a. My friend Ayin (college barkada) just got her break (at last!) from her work. She’ll be assigned to US for three months for some work and training related eklavu. Grabeng pray at pagsindi ng kandila ang ginawa namin para lang maapproved ang visa niya. Text brigade din ang ginawa ko sa iba pang friends para lang mas tumindi ang power. And thank God, naapprove nga! Yiipppppeee!! So happy for my friend! She’s scheduled to leave the country this weekend (Feb 12).
b. My highschool barkada Lorna texted me the other day. Asking me if I’m willing to be a godmother for her baby. Manganganak na siya anytime soon and I’m so excited! She’s currently based in Manila right now at nakascheduled akong pumunta doon for a business trip this March. Hopefully, magkita kami with her baby by then.
:)
c. But then I got sad news from another highschool barkada– Basha. Nag-apply din pala siya ng tourist visa same sched with my friend Ayin. Unfortunately, denied siya. Pinagalitan ko nga. Dapat sinabi niya sakin ahead of time para naman masama ko siya sa prayers ko.. Well, better luck next time. Plano yata niyang mag-apply ulit ng tourist visa sa May. Sana by then ay ma-approved na siya.

4. Currently addicted to anything romance: Dahil nga seryoso ako sa aking quota, naghahanap ako ng mga materials na sa tingin ko ay magiging inspirasyon ko sa pagsusulat. Lahat na lang yata pinatos ko eh. Hollywood romantic movies, asian, anime, love songs, name it! Reyna ako ng pagda-download ngayong panahong ito. Hahaha.. So far ang tumatak pa lang sakin ay: Tangled (movie), First Love (Taiwan movie), I Give My First Love To You (Korean Movie), Kimi ni Todoke (anime series). As for songs, sobrang dami nila para ilista ko pa. But right now, I am addicted to Jojo’s new song – Underneath. Ang ganda kasi ng lyrics.


5. Worst ever addiction to FB and twitter: Kailangan ko na yatang mag-self imposed internet ban. Dahil palala ng palala araw-araw ang pagkaadik ko sa kanila. Kung friends o follower ko kayo, malamang sasang-ayon kayo dito.

And lastly,

I got sick for three days. :( Yeah, that was the saddest thing happened to me. Pero infairlalu huh? For more than a year, ngayon lang ulit ako tinablan ng sakit! Akalain mong nagkakasakit pa ang dambuhalang tulad ko? Hahaha.. Pero hindi naman ganun kataas ang lagnat ko. I can still manage to laugh and crack a joke during that time. Hindi ko nga lang matagalan. Buti na lang talaga at tumagal lang siya ng three days.

Well I think that sums up everything that happened to me lately. Until next time, mga kapwa ko eksenadora. Ciao


 
Copyright © EKSENADORANG MANUNULAT