At the wharf, you need to fill up some registration forms para malaman kung ilang tao kayo sa isang bangka. Pagkatapos nun ay gora na sa island hopping!
First stop was the Pandan Island. ang lakas ng loob kong mag-island hopping gayong hindi naman ako marunong lumangoy. Even floating. Pramis talaga! Pagtawanan niyo na ko, pero iyon ang katotohanan. Kaya naman nang malaman kong may snorkeling activity kami ay kinabahan naman ang ateh niyo ng bongga. Kasehodang may dalawang life jacket ako, takot ako sa tubig kapag wala ng nakakapang iba ang paa ko kundi tubig na! Kaya naman nakuntento na ko sa pagsnorkel sa mababaw. Haha.. I know right? Ang loser ko. But then, ang saya din naman. Kasi may mga nakita pa din akong maraming fish kahit sa mababaw. Eventually ay hindi na rin lumayo mga kaibigan ko dahil naaliw na kami sa isda na nasa malapit.
We had our lunch there and at exactly 12:30 ay umalis na kami para pumuntang Snake Island. Tinawag siyang snake island hindi dahil pinamumugaran iyon ng mga snakes kundi dahil sa pormang snake daw ang island. Hindi natin mapapatunayan iyon dahil wala naman kaming dalang chopper para tingnan siya sa taas. Kaya naniwala na lang kami. :P
So ayun nga, pagtapak na pagtapak pa lang namin ng island ay gumora na agad kami sa dagat. Nakakatukso naman kasi ang kulay blue at malinaw na tubig at putting buhangin. Parang sa Pandan lang din. Although for me, mas pino ang buhangin dun compare sa Snake Island. At eto na naman po ang abang lingcod niyo. Ang kapal ng mukha kong mauna noh? Eh takot nga ako sa malalim! Hay sus! Pero to the rescue si Manong boatman. Dala ang salbabida niya, tinulungan niya akong makapunta ng malalim. He also guided me and my friends kung saan magandang magsnorkel. At first I was hesitant. As in sobrang takot ko lang talaga. Lalo na kapag tinatry kong abutin ang buhangin. Pero naman ano, asa pa ko?! Haha.. Nakailang attempt yata si Manong na sabihin akong mag-umpisa na sa pagsilip sa ilalim bago ako sumunod. Kasi naman, first time kong gumamit ng snorkel gears. Sorry na mga ateh ha? Walang ganun sa bukid namin kaya matagal bago ko nasanay sa gear. At nung nasanay na ko, saka ko inumpisahan ang pagsilip. And to my amazement, sobrang natuwa ako sa nakita ko sa ibaba! Ang daming corals and fish! As in suppppeerrrr!!! Hindi lang siya school of fish, university na nga yata siya eh! Manong boatman was also kind to take us picture sa ilalim. Kaso walang magandang kuha. Haha… Pero nagbigay kami ng A for his effort. Hindi kaya biro ang magpigil ng hininga at sumisid! Sa sobrang pagkaaliw namin, hindi na namin namalayan ang oras. Lagpas one hour na pala kami dun sa dagat.
A little pictures here and and camera tricks there and off we went to Pambato Reef.
Ang sabi ni Manong Boatman, sa Pambato daw wala ka ng matutuntungang buhangin sa ilalim. Diretso na daw malalim na parte. At tunay nga! Hindi nanloloko lang si Manong Boatman! Hindi na siya Pambato Island mga teh! Nakalutang lang siya sa dagat.
At nagkataon pang maalon nang hapon na iyon so you could imagine how afraid I was walking along those raft. *shiver* And then when I saw how lalim the tubig was, sabi ko, “No. Hindi na keri ng powers ko yan mga friends.”
But then Manong boatman was encouraging me. Pati na si Kuya Jay (my friend) na sumubok na. Kasi kasama nga naman yun sa binayaran namin diba? At saying ang 100 pesos na bayad para sa gear kung di ko pagsasawaan. Kaya nagpadala ako (alam niyo naman ako, uto-uto. Madaling maniwala.) Sabi ko, saglit lang ako. Hindi ako humiwalay sa salbabida ni Manong the whole time we were in the water. As in sobra! At huwag ka! Ang “saglit” ay tumagal ng tumagal hanggang sa si Manong na nagsabing umahon na kami dahil aalis na kami. Haha.. Oh ha?! Saan kayo niyan? Haha.. Kasi naman, the moment I take a look under the water, parang bigla na lang na-wash out lahat ng fear ko sa sobrang ganda ng mga corals sa ibaba. I saw blue and yellow corals, some fishes at pati na buhay na mga clam. Manong boatman was kind enough to make sisid and make tukso-tukso with the clam para gumalaw-galaw (Anak ng…! Biglang umarte?). We were also “finding” for “Nemo” kaso waley eh. Walang naligaw na Nemo. Hehe…
We also passed by the Lu-Li island. Short for Lulubog-Lilitaw island. Lumulubog daw yun during high tide at lumilitaw naman kapag low tide.
So ayon, the trip was tiring pero masasabi mong sulit na sulit sa lahat ng na-experience namin. Biro pa nga namin ni Cassie, dapat next time diving na. Meh ganon?!?! Kuhpaaalll!!!
Next blog: Underground River Tour.. :)
0 umeepal:
Post a Comment
Sige, umeksena ka din. Keme lang naman...