Our flight scheduled was supposedly Feb 25 – 28, but due to some I-don’t-know-circumstances, CebuPac changed our schedule to Feb 24 – 27 instead. It was more convenient on our part honestly since we only have to file 1 day vacation from the original 2-days leave. Our plane left at exactly 1000H and arrived at Puerto Princesa National Airport at around 1100H. Our shuttle van (courtesy of Duchess Pension) we’re already there waiting for us. The trip from airport to pension was quick and short but Manong driver was able to point us to some ideal restaurant to dine in.
So iyonchi na nga… Namputsa! Biglang nagtagalog? He-he..Sorry, kakatuwa na ang mga pangyayari dito kaya kailangan ng gamiting ang sariling wika. Okay, take two! So iyonchi na nga, nagcheck in lang kami sa pension at pagkatapos ay umalis na para kumain. Hindi kami kumuha ng City Tour package doon bilang nagkukuripot kami. Bakit ba? Para sa amin ay mahal na ang 600 per person gayong pwede naman kaming makapagkontrata sa mga tricycle ng 600 for the whole trip na? Oh divah? Hindi naman kasi iyon mahirap samin dahil lima lang naman kami. And luckily, ang tricycle made in Puerto Princesa ay good for five people only.
So off to “Binalot” kung saan namin napagdesisyonang kumain ng lunch. At eto ang nakakalokah mga teh, naligaw kami sa paghahanap dahil sa restaurant na iyon. Hindi rin daw alam ni Manong kung saan iyon matatagpuan. Basta ang sabi ko lang, “Kahilera lang iyon ng Ka Lui, Manong.” Pero nakarating na lang ulit kami sa Airport ay hindi pa namin siya nakita. Kalokah! So balik ulit kami sa dinaanan namin noh? Good thing at nakita namin ang palatandaan ng restaurant. Kaya naman pala! Hindi naman pala “Binalot” ang pangalan. “Bilao at Palayok” pala!
Kaya naman pala hindi alam ni Manong kung nasaan ang pesteng Binalot na yan! Sorry noh?! Isa akong makakalimutin ng sobra. Tapos sakin pa nagrely ang mga hinayupak sa pag-alala ng mga pwedeng kainan?! Haha… Moving forward, the place was awesome and superb! Sorry na, minsan lang makakita ng native restaurant kaya super namangha kaming lahat. At pati na rin ang food, hindi papatalo. We had their bestseller Inihaw sa Bilao. Obvious na nagustuhan namin dahil nakapag-order ulit kami ng dalawa pang extra rice. At hindi lang yan single serve, platter yan mga katoto! Kita mo naman ang kasibaan namin diba? Haha..
After our lunch, una naming pinuntahan ang crocodile’s farm. Sabi kasi ni Manong Sergio (na siya ring naghatid samin sa Bilao at Palayok”), yun daw ang pinakamalayo at magsasara iyon ng 4PM kaya kailangan naming habulin dahil mga bandang 1:30 na nang matapos kaming kumain. Malayo-layo nga ang byahe. Pero good thing at nakaabot kami sa 2:30 tour ng farm. The guide introduced us to their oldest crocodile (kalansay na) and tour us around the vicinity.
Ang daming crocs in fairness, mamili ka lang. Haha.. Seriously, sobrang dami nila mula maliit hanggang sa pinakamalaki that you can’t help but shiver. Nagliwaliw din kami sa Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center nila ng sobra. In fairness, na-impress ako dun. They make it a point kasi na magmukhang second home na ng mga hayop ang lugar na masasabi mong nasa gubat ka talaga.
Next stop was Baker’s Hill. Dahil naka-tricycle kami at nasa tuktok pala iyon ng bundok, hindi nakayanan ni Manong Sergio ang bigat naming lima, so waley choice ang mga lalaki namin kundi ang maglakad at magtulak. Haha..
Pero keri lang, saglit lang naman un at aliw pa rin naman kaming lahat. :D Picture taking doon at picture taking dito. Ang ganda lang talaga ng lugar at ng mga bahay. Nakakairita dahil maiinggit ka.
Sunod naman naming pinuntahan ay ang Mitra’s Ranch. Saglit lang kami doon at nagpahangin lang. Kung trip mong magmuni-muni at magnilay-nilay sa iyong mga kasalanan, ang Mitra’s Ranch ang sagot sa iyong kahirapan (campaign ad?!?). Overlooking kasi ang lugar na ito, kita mo ang Honda Bay at ang lamig ng hangin! Sariwang-sariwa! Minsan ka lang makakalanghap ng ganun kaya sulitin mo na diba?
After a quick picture taking ay bumalik na kami ng city. We were hoping to catch up the Palawan Museum pero hindi na kami nakaabot ng 5PM. Sarado na nang makarating kami. Sayang! Excited pa naman akong makita ang mga artifacts ng first Filipino natin! Tsk, tsk… We then decided to visit the Plaza Cuartel instead. Wala namang ibang makikita doon instead you will learn something about Puerto Princesa’s history. Sa lugar pala na iyon nangyari ang Palawan Massacre way back 1944 where in 143 American soldiers where all burned out by Japanese soldiers. Sa monumentong pinatayo ni Hagedorn nakasulat ang pangalan ng 143 soldiers na namatay doon. Kakalungkot lang isipin.
0 umeepal:
Post a Comment
Sige, umeksena ka din. Keme lang naman...