0

Palawan (The City in a Forest) Day 2

Day 2: Honda Bay Island Hopping

Call time was 7:30 – 8:00 in the morning. 7:30 pa lang, ready’ng ready na kami ng mga friends ko. Hindi kami halatang excited sa lagay na yan. And since island hopping naman siya, hindi na kami naligo sa pension dahil mababasa ka din naman buong araw diba? May iba pa kaming kasabayan sa tour, lima sila. And in fairness ay game kaya naman kaagad kaming nagclick. We met our tour guide for the tour Kuya Chris na siya ring magiging tour guide namin kinabukasan para naman sa Underground River Tour. Pati na rin ang official driver namin na si Kuya Sherwin (side comment: ang gwapo lang naman ni Kuya Sherwin! Shet… Feeling namin ay iyon din ang may-ari ng Duchess Pension. Feeling lang naman ha? Pwede din namang mali kami. Hehe.. Basta, ke totoo man o hindi, sigurado kaming hindi siya basta-basta driver lang.)

At the wharf, you need to fill up some registration forms para malaman kung ilang tao kayo sa isang bangka. Pagkatapos nun ay gora na sa island hopping!

First stop was the Pandan Island. ang lakas ng loob kong mag-island hopping gayong hindi naman ako marunong lumangoy. Even floating. Pramis talaga! Pagtawanan niyo na ko, pero iyon ang katotohanan. Kaya naman nang malaman kong may snorkeling activity kami ay kinabahan naman ang ateh niyo ng bongga. Kasehodang may dalawang life jacket ako, takot ako sa tubig kapag wala ng nakakapang iba ang paa ko kundi tubig na! Kaya naman nakuntento na ko sa pagsnorkel sa mababaw. Haha.. I know right? Ang loser ko. But then, ang saya din naman. Kasi may mga nakita pa din akong maraming fish kahit sa mababaw. Eventually ay hindi na rin lumayo mga kaibigan ko dahil naaliw na kami sa isda na nasa malapit.

We had our lunch there and at exactly 12:30 ay umalis na kami para pumuntang Snake Island. Tinawag siyang snake island hindi dahil pinamumugaran iyon ng mga snakes kundi dahil sa pormang snake daw ang island. Hindi natin mapapatunayan iyon dahil wala naman kaming dalang chopper para tingnan siya sa taas. Kaya naniwala na lang kami. :P

So ayun nga, pagtapak na pagtapak pa lang namin ng island ay gumora na agad kami sa dagat. Nakakatukso naman kasi ang kulay blue at malinaw na tubig at putting buhangin. Parang sa Pandan lang din. Although for me, mas pino ang buhangin dun compare sa Snake Island. At eto na naman po ang abang lingcod niyo. Ang kapal ng mukha kong mauna noh? Eh takot nga ako sa malalim! Hay sus! Pero to the rescue si Manong boatman. Dala ang salbabida niya, tinulungan niya akong makapunta ng malalim. He also guided me and my friends kung saan magandang magsnorkel. At first I was hesitant. As in sobrang takot ko lang talaga. Lalo na kapag tinatry kong abutin ang buhangin. Pero naman ano, asa pa ko?! Haha.. Nakailang attempt yata si Manong na sabihin akong mag-umpisa na sa pagsilip sa ilalim bago ako sumunod. Kasi naman, first time kong gumamit ng snorkel gears. Sorry na mga ateh ha? Walang ganun sa bukid namin kaya matagal bago ko nasanay sa gear. At nung nasanay na ko, saka ko inumpisahan ang pagsilip. And to my amazement, sobrang natuwa ako sa nakita ko sa ibaba! Ang daming corals and fish! As in suppppeerrrr!!! Hindi lang siya school of fish, university na nga yata siya eh! Manong boatman was also kind to take us picture sa ilalim. Kaso walang magandang kuha. Haha… Pero nagbigay kami ng A for his effort. Hindi kaya biro ang magpigil ng hininga at sumisid! Sa sobrang pagkaaliw namin, hindi na namin namalayan ang oras. Lagpas one hour na pala kami dun sa dagat.


A little pictures here and and camera tricks there and off we went to Pambato Reef.

Ang sabi ni Manong Boatman, sa Pambato daw wala ka ng matutuntungang buhangin sa ilalim. Diretso na daw malalim na parte. At tunay nga! Hindi nanloloko lang si Manong Boatman! Hindi na siya Pambato Island mga teh! Nakalutang lang siya sa dagat.


At nagkataon pang maalon nang hapon na iyon so you could imagine how afraid I was walking along those raft. *shiver* And then when I saw how lalim the tubig was, sabi ko, “No. Hindi na keri ng powers ko yan mga friends.”


But then Manong boatman was encouraging me. Pati na si Kuya Jay (my friend) na sumubok na. Kasi kasama nga naman yun sa binayaran namin diba? At saying ang 100 pesos na bayad para sa gear kung di ko pagsasawaan. Kaya nagpadala ako (alam niyo naman ako, uto-uto. Madaling maniwala.) Sabi ko, saglit lang ako. Hindi ako humiwalay sa salbabida ni Manong the whole time we were in the water. As in sobra! At huwag ka! Ang “saglit” ay tumagal ng tumagal hanggang sa si Manong na nagsabing umahon na kami dahil aalis na kami. Haha.. Oh ha?! Saan kayo niyan? Haha.. Kasi naman, the moment I take a look under the water, parang bigla na lang na-wash out lahat ng fear ko sa sobrang ganda ng mga corals sa ibaba. I saw blue and yellow corals, some fishes at pati na buhay na mga clam. Manong boatman was kind enough to make sisid and make tukso-tukso with the clam para gumalaw-galaw (Anak ng…! Biglang umarte?). We were also “finding” for “Nemo” kaso waley eh. Walang naligaw na Nemo. Hehe…

with mabait Manong Boatman


We also passed by the Lu-Li island. Short for Lulubog-Lilitaw island. Lumulubog daw yun during high tide at lumilitaw naman kapag low tide.

So ayon, the trip was tiring pero masasabi mong sulit na sulit sa lahat ng na-experience namin. Biro pa nga namin ni Cassie, dapat next time diving na. Meh ganon?!?! Kuhpaaalll!!!

Next blog: Underground River Tour.. :)

0

Palawan (The City in a Forest) Day 1

So here comes the most awaited part of my first quarter of the year – our PALAWAN TRIP! Yiipppeeee!!! We’ve been planning this trip since the day we bought our plane ticket. Thanks to Cebu Pacific’s promo seat sale, we got it for more or less Php 1,400. Together with my brother, his girlfriend Mary, my close friends Cassie and Kuya Jay, we left the Cebu for four days and had fun at the acclaimed City in a Forest – Puerto Princesa, Palawan.


Our flight scheduled was supposedly Feb 25 – 28, but due to some I-don’t-know-circumstances, CebuPac changed our schedule to Feb 24 – 27 instead. It was more convenient on our part honestly since we only have to file 1 day vacation from the original 2-days leave. Our plane left at exactly 1000H and arrived at Puerto Princesa National Airport at around 1100H. Our shuttle van (courtesy of Duchess Pension) we’re already there waiting for us. The trip from airport to pension was quick and short but Manong driver was able to point us to some ideal restaurant to dine in.

So iyonchi na nga… Namputsa! Biglang nagtagalog? He-he..Sorry, kakatuwa na ang mga pangyayari dito kaya kailangan ng gamiting ang sariling wika. Okay, take two! So iyonchi na nga, nagcheck in lang kami sa pension at pagkatapos ay umalis na para kumain. Hindi kami kumuha ng City Tour package doon bilang nagkukuripot kami. Bakit ba? Para sa amin ay mahal na ang 600 per person gayong pwede naman kaming makapagkontrata sa mga tricycle ng 600 for the whole trip na? Oh divah? Hindi naman kasi iyon mahirap samin dahil lima lang naman kami. And luckily, ang tricycle made in Puerto Princesa ay good for five people only.

So off to “Binalot” kung saan namin napagdesisyonang kumain ng lunch. At eto ang nakakalokah mga teh, naligaw kami sa paghahanap dahil sa restaurant na iyon. Hindi rin daw alam ni Manong kung saan iyon matatagpuan. Basta ang sabi ko lang, “Kahilera lang iyon ng Ka Lui, Manong.” Pero nakarating na lang ulit kami sa Airport ay hindi pa namin siya nakita. Kalokah! So balik ulit kami sa dinaanan namin noh? Good thing at nakita namin ang palatandaan ng restaurant. Kaya naman pala! Hindi naman pala “Binalot” ang pangalan. “Bilao at Palayok” pala!


Kaya naman pala hindi alam ni Manong kung nasaan ang pesteng Binalot na yan! Sorry noh?! Isa akong makakalimutin ng sobra. Tapos sakin pa nagrely ang mga hinayupak sa pag-alala ng mga pwedeng kainan?! Haha… Moving forward, the place was awesome and superb! Sorry na, minsan lang makakita ng native restaurant kaya super namangha kaming lahat. At pati na rin ang food, hindi papatalo. We had their bestseller Inihaw sa Bilao. Obvious na nagustuhan namin dahil nakapag-order ulit kami ng dalawa pang extra rice. At hindi lang yan single serve, platter yan mga katoto! Kita mo naman ang kasibaan namin diba? Haha..


After our lunch, una naming pinuntahan ang crocodile’s farm. Sabi kasi ni Manong Sergio (na siya ring naghatid samin sa Bilao at Palayok”), yun daw ang pinakamalayo at magsasara iyon ng 4PM kaya kailangan naming habulin dahil mga bandang 1:30 na nang matapos kaming kumain. Malayo-layo nga ang byahe. Pero good thing at nakaabot kami sa 2:30 tour ng farm. The guide introduced us to their oldest crocodile (kalansay na) and tour us around the vicinity.

Ang daming crocs in fairness, mamili ka lang. Haha.. Seriously, sobrang dami nila mula maliit hanggang sa pinakamalaki that you can’t help but shiver. Nagliwaliw din kami sa Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center nila ng sobra. In fairness, na-impress ako dun. They make it a point kasi na magmukhang second home na ng mga hayop ang lugar na masasabi mong nasa gubat ka talaga.

Next stop was Baker’s Hill. Dahil naka-tricycle kami at nasa tuktok pala iyon ng bundok, hindi nakayanan ni Manong Sergio ang bigat naming lima, so waley choice ang mga lalaki namin kundi ang maglakad at magtulak. Haha..

Pero keri lang, saglit lang naman un at aliw pa rin naman kaming lahat. :D Picture taking doon at picture taking dito. Ang ganda lang talaga ng lugar at ng mga bahay. Nakakairita dahil maiinggit ka.


Sunod naman naming pinuntahan ay ang Mitra’s Ranch. Saglit lang kami doon at nagpahangin lang. Kung trip mong magmuni-muni at magnilay-nilay sa iyong mga kasalanan, ang Mitra’s Ranch ang sagot sa iyong kahirapan (campaign ad?!?). Overlooking kasi ang lugar na ito, kita mo ang Honda Bay at ang lamig ng hangin! Sariwang-sariwa! Minsan ka lang makakalanghap ng ganun kaya sulitin mo na diba?

After a quick picture taking ay bumalik na kami ng city. We were hoping to catch up the Palawan Museum pero hindi na kami nakaabot ng 5PM. Sarado na nang makarating kami. Sayang! Excited pa naman akong makita ang mga artifacts ng first Filipino natin! Tsk, tsk… We then decided to visit the Plaza Cuartel instead. Wala namang ibang makikita doon instead you will learn something about Puerto Princesa’s history. Sa lugar pala na iyon nangyari ang Palawan Massacre way back 1944 where in 143 American soldiers where all burned out by Japanese soldiers. Sa monumentong pinatayo ni Hagedorn nakasulat ang pangalan ng 143 soldiers na namatay doon. Kakalungkot lang isipin.

At lastly, bago natapos ang aming City Tour, dumaan muna kami saglit ng Cathedral. May misa nang mga oras na iyon kaya hindi rin kami nagtagal at namasyal sa loob. We only had our quick prayers at saka na kami umalis pabalik ng Pension. Pero naisipan ni Manong Sergz na dumaan muna kami sa pinagmamalaking Baywalk ng Puerto. Nagpaunlak naman kami. In all fairness, para nga siyang Baywalk ng Manila. Mas less tao nga lang. Pero maganda at malinis. Sarap magmuni-muni dun.

Pagkatapos nun ay tumuloy na kaming pension house. Namahinga lang kami saglit dahil 8:15 PM pa naman ang reservation namin sa Ka Lui Restaurant. Sa mga nabasa kong blog ng iba, masarap daw ang pagkain doon. At dinadayo iyon ng mga turista kaya better na magpa-arrange ka ng reservation with the help of your hotel. Madalas ay fully booked doon. Iyon ang ginawa namin kaya naman at exactly 8:00 ay umalis ulit kami ng hotel. At hindi nga nagkamali ang mga bloggers, masarap nga ang pagkain nila doon. Lots and lots of seafoods! And what’s more was that ang cozy ng place, sosyal na native type pa din. At eto pa, bawal ang sapatos o tsinelas sa loob! Nakapaa ka lang na kakain sa kanila. Okay lang naman, hindi naman paa ang ginagamit sa pagsubo diba? *smile*

Next blog: Our Honday Bay Island Adventure! :D

PS: Saka ko na isusulat kung ilan lahat ang nagastos namin ha? After na ng Underground River adventure namin. :) Chiao for now!
7

Fight, fight, fight! Go, go, go!


Trip kong magmarunong. Gusto kong manermon. Nangangati akong umepal. At higit sa lahat… due to insistent public demand (chos! parang reprinted books lang ng PHR), eeksena ulit ang abang lingkod niyo. Bakit ba? Sa gusto ko eh. Meh angal? Hehe.. Pero no, hindi iyon dahil sa demand ng public. (Wish ko lang noh!?) Demand ko lang yan sa sarili ko. Pero deadmahin niyo na mga friends, pagbigyan niyo na ko. hehe...

So eneweiz highways, siryus muna tayo okay? Let’s bow our heads and put ourselves in… ay mali… Sorry.. Eto na talaga.. Walang halong biro. Laglagan moment ito. Game.

Likas na sa akin ang pagiging tsismosa at madaldal (sa net world). Aminado ako doon at hindi ko iyon ikinakaila. At gaya nga ng sabi ko sa huling blog ko, this past few days ay araw-araw na yata akong online sa FB at twitter. Dahil dun ay marami-rami na rin akong naging kaibigang readers and aspiring o new writers like me. May iba ding humihingi ng tips kung papano daw ba magsulat. (Chos! Para namang may karapatan akong magbigay hano? Eh sino lang ba ako?) Sila din ang dahilan kung bakit naisulat ko ang blog entry kong My First and What Went Wrong. Because I wanted to help them in any way I can. Sila at ang iba kong kapwa (aspriring) writer din ang dahilan kung bakit ko naisip gawin ang blog na ito. Even if the following lines would also mean na ilalaglag ko ang sarili ko. Pero naisip ko, kung ang paglalaglag naman sa sarili ko ang maging dahilan para mamotivate silang simulan ang pangarap nila o patuloy na magsulat, then pikit-matang ilalaglag ko ang sarili ko.

Game. Alam niyo ba kung ilang manuscript ang pinagpuyatan ko bago ko nakuha ang limang approved manuscript? SIYAM. Yup. Hindi po ako nagbibiro o nag-eexaggerate. I have written fourteen manuscript already. Lima lang ang pumasa sa taste ng PHR editors, walo ang bagsak at isang muntik-muntikan na (revision in short). Lupet ko diba? Hehe.. Ganito ang sequence niyan: 4 rejected manuscript (2008) -->2 consecutive approved (2008) --> another 4 reject (2009) --> 1 approved (2009) --> 1 revision (2010) and 2 consecutive approved ulit (2010). Iyan ang buhay ko for the past three years in my writing career sa PHR. Nakakahiya mang aminin, pero kung iisipin kong mabuti, sa lahat yata ng mga aspiring writers, ako na yata ay may pinakamadaming reject na nakuha at ang pinakatamad sa lahat.

Hindi lang iisang beses akong sumuko, nawalan ng pag-asa, nagalit o kinuwestiyon ang kakayahan ko. Ilang buwan akong tumigil sa pagsusulat at tinalikuran ito. Naisip ko din noon, bakit ba ko nagpapakahirap na magpuyat sa gabi at trabahuin ang isang walang kasiguraduhang manuscript gayong maaga pa kinabukasan ang pasok ko? I have my full time day job, you know. Hindi rin biro ang trabaho ko doon kaya hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit pinapahirapan ko ang sarili ko. Kung bakit pinagpipilitan ko ang isang bagay na sa tingin ko naman ay hindi para sakin.

Pero kahit gaano man ako kalungkot, kainis o kaawa-awa sa paningin ko, at the end of the day… it all points out to one obvious thing. Ito ang gusto ko. Ito ang matagal ko ng pangarap at ito ang trabahong willing kong gagawin kahit na walang sweldo – ANG MAGSULAT.

At kahit gaano man kadaming reject ang natanggap ko, kapag nakikita ko naman ang isang text o email ng editor na nagsasabing approved na ang isang manuscript ko, lahat ng iyon [rejected ms] ay nabubura sa isip ko. Lalo na kapag nakita ko na sa net ang salitang PHR release at andoon ang cover ng libro ko? Sus! Sulit na sulit lahat ng puyat, pagod at hirap na dinanas mo. You will never get used to it actually. Parang laging first time mo kapag nakikita mo ang libro mo sa net o sa bookshelves ng mga bookstore. Idagdag mo pa kapag may nakita kang tao na binibili ang gawa mo. Oh ha?! You feel very proud of yourself at sasabihin mong, tama lang talaga na hindi mo sinuko ang pangarap mo.

Bilib ako sa mga kakilala kong nagte-take ng risk na iwan ang full time job para lang sundin ang passion nila sa pagsusulat. Bow na bow talaga ako sa inyo. Pramis! Hindi niyo lang alam. Dahil pinaglalaban niyo talaga kung anong gusto niyo. Alam niyo kung anong gusto niyo talaga sa buhay. Hindi ko pa kayang gawin yan sa ngayon. Although I know that someday, I would have to choose between my full time job and my writing.

Naalala ko bigla iyong huling sinabi ng favorite teacher ko noon sa highschool bago ako lumipat ng ibang school. Sabi niya, “It is not the truck who drives the driver. But rather, it is the driver who drives the truck.” Hindi ko alam kung imbento niya lang iyon dahil hindi ko naman mahanap sa net ang quote na iyon. (Kahit kailan talaga si Sir. :D ) Pero naiintindihan ko kung ano ang gusto niyang sabihin. You choose your own destiny. You choose your own path. And it’s up to you kung tatapusin mo ang byahe mo o ititigil mo na lang yung truck sa tabi ng daan at mag-iisip na lang na, “Ano nga kaya kung nagpatuloy ako no?” Eh heller? Papano mo malalaman kung hindi ka magdadrive papunta doon? Hindi mo mararating iyon kung puro ka na lang pangarap at imagination. Kailangan mo iyong pagtrabahuin. Kahit pa ma-flat ang gulong mo on your way to the top, may asungot man na naki-hitch sa truck mo at makapal ang mukhag ihatid mo siya sa pupuntahan nito kahit out of the way, maubusan ka man ng gasolina sa daan o may malaking puno ng kahoy na natumba sa gitna ng daan, lahat ng iyon magagawan mo ng paraan kung gugustuhin mong makarating talaga sa pakay mo.

Sa ngayon, sa awa ng Diyos, nakakatatlong sunud-sunod na approved ako. Sana naman ay magtuluy-tuloy ano? Kasi ba naman, sa dami na ng rejected MS ko grabe naman kung hindi pa ko natututo diba? Eh lagi namang may comment ang mga editor sa mga rejected MS. Basta lang you’ll learn from your mistakes. Iyon din ang isa mga isipin mo kapag nakakatanggap ka ng isang lumalagapak na “REJECT.” Hindi yun nangyari para patigilan ka sa pag-abot ng pangarap mo, nangyari yun kasi gusto nilang matuto ka at mag-excel ng bonggang-bongga sa gusto mo.

Kaya para sa mga kapwa ko aspiring writers diyan, huwag lang tayong sumuko. Fight lang ng fight! Go lang ng go! Pinasok natin ‘to eh. Ano pa nga bang magagawa natin kundi ang mag-move forward diba? At gaya nga ng kanta ni Donna Cruz, “kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin ito”, sumunod na lang tayo para wala ng gulo. Mahirap kalaban ang puso mga kafatid, i tell you.

Kaya natin 'to. Aja!
5

Wazzup?


Wazzup folks? Wazzup dude? Hehe.. Ang adik lang.

Yan lately si Maan Beltran. Isang malaking A.D.I.K

Well, what’s going up lately with Maan Beltran? Just the usual stuff, really. Walang malaking eksena’ng nagaganap lately. Here’s ramdom latest about me this past few days.

1. Writing, writing, writing: As of this moment, seryoso pa ko sa quota ko this year. So asahan niyong starting today. Magla-lie low muna aketch sa FB page ko at twitter. Received also good news yesterday from my PHR editor. Approved na ang first manuscript ko this year. Working now on my trilogy (Yes! Ako na ang magaling! Haha) and a stand-alone book na magkakaroon ng apat na sequel.


2. Working, working, working: Aside sa pagpupuyat ko dahil sa pagsusulat. Active pa din po ako sa full time day job ko. Last week lang ay nag-leave ng bongga ang counterpart ko so tambak ako sa work. I don’t have a choice but to handle the nationwide operation of the group.


3. Extending moral support to my dear friends: Within a week lang, I received three news from my dearest friends. Two good and one bad.
a. My friend Ayin (college barkada) just got her break (at last!) from her work. She’ll be assigned to US for three months for some work and training related eklavu. Grabeng pray at pagsindi ng kandila ang ginawa namin para lang maapproved ang visa niya. Text brigade din ang ginawa ko sa iba pang friends para lang mas tumindi ang power. And thank God, naapprove nga! Yiipppppeee!! So happy for my friend! She’s scheduled to leave the country this weekend (Feb 12).
b. My highschool barkada Lorna texted me the other day. Asking me if I’m willing to be a godmother for her baby. Manganganak na siya anytime soon and I’m so excited! She’s currently based in Manila right now at nakascheduled akong pumunta doon for a business trip this March. Hopefully, magkita kami with her baby by then.
:)
c. But then I got sad news from another highschool barkada– Basha. Nag-apply din pala siya ng tourist visa same sched with my friend Ayin. Unfortunately, denied siya. Pinagalitan ko nga. Dapat sinabi niya sakin ahead of time para naman masama ko siya sa prayers ko.. Well, better luck next time. Plano yata niyang mag-apply ulit ng tourist visa sa May. Sana by then ay ma-approved na siya.

4. Currently addicted to anything romance: Dahil nga seryoso ako sa aking quota, naghahanap ako ng mga materials na sa tingin ko ay magiging inspirasyon ko sa pagsusulat. Lahat na lang yata pinatos ko eh. Hollywood romantic movies, asian, anime, love songs, name it! Reyna ako ng pagda-download ngayong panahong ito. Hahaha.. So far ang tumatak pa lang sakin ay: Tangled (movie), First Love (Taiwan movie), I Give My First Love To You (Korean Movie), Kimi ni Todoke (anime series). As for songs, sobrang dami nila para ilista ko pa. But right now, I am addicted to Jojo’s new song – Underneath. Ang ganda kasi ng lyrics.


5. Worst ever addiction to FB and twitter: Kailangan ko na yatang mag-self imposed internet ban. Dahil palala ng palala araw-araw ang pagkaadik ko sa kanila. Kung friends o follower ko kayo, malamang sasang-ayon kayo dito.

And lastly,

I got sick for three days. :( Yeah, that was the saddest thing happened to me. Pero infairlalu huh? For more than a year, ngayon lang ulit ako tinablan ng sakit! Akalain mong nagkakasakit pa ang dambuhalang tulad ko? Hahaha.. Pero hindi naman ganun kataas ang lagnat ko. I can still manage to laugh and crack a joke during that time. Hindi ko nga lang matagalan. Buti na lang talaga at tumagal lang siya ng three days.

Well I think that sums up everything that happened to me lately. Until next time, mga kapwa ko eksenadora. Ciao


2

2011 Goal List

Three weeks na ang dumaan sa 2011 and yet hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapagpost dito.. Hanubayan! Naisip ko, saka na ko magpopost kapag may importanteng eksena na sa buhay ko.. Kaso, tinatamad akong magtrabaho now at inaantok pa ko. Kaya eto, gagawa na lang ako para malibang naman ako.. Hihi…

Nabanggit ko na sa previous post ko na gagawa ako ng 2011 Goal ko. Akswaly, nagawa ko na ito bago pa man matapos ang 2010. Right after I posted my Thank You Part 2 blog entry. And so, without further ado here’s my 2011 Goal List.

1. Do at least 3 trips this year (Probably Palawan, Baguio & Hongkong). Kailangan kong ma-achieve ang Hongkong this year dahil may target ako sa sarili ko.. Hihi.. And I think I’m starting my year right. Dahil first quarter pa lang, may check na ko… I’ll have my Palawan trip this coming February. Yipee!

2. Look for other sidelines, extra income. Para namang may pinapakain akong isang dosenang inakay kung makapagsalita ako no? Hihi.. Well it’s because simula nang mabuksan ang mata ko sa kahirapan ng ating bayan – chos lang! Ang gusto ko lang naman sabihin ay nagsimula ang habit kong ‘to right after I read some financial help books. If you wanna be free financially free, start now! (chos!)

3. Finish ** manuscript. Secret muna ang number. Kahiyang ibalandra. sabihin pa lang ang ambisyosa ko! Hahaha.. but I really really want to achieve this. Kapag nagkataon, hindi lang doble ang improvement ko kaysa sa ginawa ko last year! Kahit alam kong imposible, kakaririn at eeport pa rin ako ng todo makuha ko lang ang goal na to! Aja! Tsaka, mabuti na yan. Para kapag tinanong niyo ko at the end of the year at hindi ko siya naachieve, madali na lang magsinungaling.

Crowd: Ang daya mo ate maan!
Me: Haha.. I know, right? (maarteng sagot)

4. Operation House Renovation. Whew! *punas pawis* Okay, medyo madugo ang isang ito. Hindi lang nosebleed kundi internal bleeding ang feeling ko ay aabutin ko. But I was hoping na maumpisahan na to namin with the help siyempre of my gwapo at mabait na brother. Kapag na-achieve ko ang third goal ko, kahit papano, nafoforsee ko na ang success nitong fourth na itech. Successful ang first project namin ng kapatid ko last year kaya I’m hoping this time ay magiging successful ulet ito.

And last but surely not the least:

5. DIET. Last year ay plinano ko itech. Hindi nga lang natupad. Haha... As in lumobo kasi akong talaga last year. (ipinangalandakan talaga no? Bakit ba? Sa totoo namang lumubo talaga ako!) At panay na ang pang-aaway sakin ni mudra dahil dun. Sobrang kulit na minsan ay hindi ko na siya tinatawagan para lang hindi niya ko sermonan. Kapag naman tinatawagan ko siya, pinuputol ko kaagad kapag nag-uumpisa na. Kaya ngayon, siryus na atashi! Go na kung go! Hindi ko naman inaambisyon na maging kasing sexy ako ng mga model diyan. Ang gusto ko lang ay bumalik yung dating katawan ko. Yung tamang-tama lang para sa height ko…

Hindi ko na papangaraping isali pa sa listahan ang "save money." Mapapahiya lang ako for sure. Sa dami ba naman ng plano kong gawin ngayong 2011, ang kapal na ng fez ko kapag inambisyon ko pa yun diba? Asa pa ko sa save money na yan. Next year ka na lang fwend... Hihi..

Kaya wish me luck pipolness. Makaya ko sana itong pagpapahirap ko sa sarili ko! Haha…

2

Thank You (Part 2)


Okay, friendships and mga kapwa ko epal at eksenadora, siryus muna si oka uki? Ito ang buwan kung saan very active ang aking endocrine glands (tama ba? Bobo ako sa science eh.) kaya madalas ay madrama ako.. Patapos na kasi ang taon at nangangalap ako ng regalo kaya kailangang mag-emote. Baka sakaling may maawa. Haha.. Pero siryus pipolness, ang susunod na programang inyong mapapanood ay nangangailangan ng patnubay ng mga kaibigan. Huwag masyadong madala at huwag niyong sapawan ang kadramahan ko! Moment ko ‘to!

I can say that this has been the best year ever of my life. Marami na kong natanggap na blessing last year at sa tingin ko ay dumoble pa siya this year. And I couldn’t thank God enough for all of these. Minsan nga naiiyak na ko sa tuwing nakikipag-usap ako kay Bro. (Opo. Kahit ang mga epal at eksenadorang tulad ko ay marunong ding umiyak.) Kasi iniisip ko, ano bang maganda o mabuting ginawa ko to deserve all these blessings? Parang wala naman yata. Alam ko hindi dapat kinukwestiyon iyon. Dapat ay nagpapasalamat ka lang dawn g nagpapasalamat. And I am. Minsan lang talaga, hindi ko ma-grasp yung idea how blessed I am for having all of these. Ni hindi ko alam kung worthy ba ko sa mga blessing na natatanggap ko. But then again sabi nga ng mga friends ko, hindi ibibigay sakin to kung hindi siya talaga para sakin. Kaya siguro nga para kay God, worthy ako. Kaya sige na nga… wala nang Q&A portion pa. Kaya eto na lang ang gagawin ko, ang mag-thank you ng mag-thank you. Para na kong sirang plaka nito kasi everyday na lang yata ito ang script ng prayers ko lagi. Pero still, ito lang yata ang script na hindi ko pagsasawaang i-deliver…

I know nakapagsulat na ko ng first Thank You note ko sa FB, pero gusto ko lang ulitin dito. This is my Thank You note part 2. Ginagawa ko talaga ito every end of the year.Ang magmuni-muni sa mga bagay na nangyari sakin from January to December. Only this time, in public na dahil meron na kong blog.

First: Si Bro siyempre.

I may not be very religious just like my bestfriend pero isa lang ang bagay na never na nawala sakin. Remember the verse na binigay sakin ng bestfriend ko seven years ago? Proverbs 3: 4-6… “Trust in the Lord with all your heart. And lean not on your own understanding. In all your ways, acknowledge Him and He will direct your path.” Iyon lang ang palaging binabalik-balikan ko, at alam ko na agad na hindi Mo ako iiwan no matter what happen. Masasabi kong wala akong maalalang mabigat na problemang naranasan this year (thank you ulit Bro for that.) Or maybe meron pero hindi ko lang ma-acknowledge na mabigat dahil lagi kong iniisip na may ibang taong mas mabigat ang problema kaysa sa kinakaharap ko ngayon. That I am still blessed despite everything.

Second: To my family and closest relatives

Sabi nila, kapag may itinanim, may aanihin. Pag may tiyaga, may nilaga. People around us would always tell my mom how lucky she is for having us as her mga anak. Biro pa ng iba, jetsetter na daw ang nanay ko dahil mani na lang para dito ang magpabalik-balik ng Cebu. Nakapamasyal na rin ito sa ibang lugar at kahit hindi na magtrabaho ay pwede pa ring mabuhay. At iyon ay dahil daw sa amin na mga anak niya. Siguro nga, somehow… totoo iyon. Pero para sa amin ng brother ko, kami ang maswerte for having her as our mother. Inaani lang ng nanay naming ngayon ang itinanim niya noon. Nagsakripisyo at nagtiyaga siya for us kaya ngayon ay kumakain na siya ng nilaga. And I thank God for giving us the best mother in the world. Hindi lang siya ina para sakin, bestfriend ko din siya. Supportive, loving, caring at mahaba ang pasensiya sa tamad na tulad ko. Hahanap pa ba ko ng ibang nanay kung nasa amin na ang dabest?

To my closest Titos and Titas na kahit noong mga bata pa man kami ng bro ko ay mataas na ang expectations sa amin. They love us so much kaya nakakatakot na bigyan sila ng disappointment. Maliban sa aking mamang, sila din ang nagsilbing guardian at second father sa amin. I remember, Tita ko ang namimili ng mga school supplies namin tuwing pasukan dahil can’t afford si mudra noon. Tito ko ang naghahatid sakin papuntang school dahil busy si mother sa trabaho. Never nila kaming pinabayaan. At sa bawat achievement na nakukuha namin ng kapatid ko, hindi lang si Mamang ang proud sa amin, kundi maging sila na rin. Kaya salamat po sa lahat ng pagmamahal at tulong noong mga panahong kailangang-kailangan namin iyon.

Third: True Friends

Laging sinasabi sakin ni Mamang noon, magaling daw akong mamili ng kaibigan. Proven and tested niya na iyon. From my elementary friends to my co-writers, lahat nakilala niya na. Well, hindi pa ang mga co-writers ko, pero sa mga stories na sinasabi ko sa kanya, excited na siyang mameet sila para mapasalamatan. Kaya never akong nakatanggap ng sermon sa nanay ko tungkol sa pagbabarkada. Kasi she trust me enough to know na ang mga kinakaibigan ko ay mga taong hindi B.I sa buhay ko. Mula noon, hanggang ngayon, subok ko na ang friendship nila. Wala akong hundreds or thousands friends gaya ng iba diyan. Konti lang ang kaibigan ko, pero maipagmamayabang ko sa lahat na kahit hindi sila umabot ng one hundred, mga tunay ko silang kaibigan na kaya kong lapitan in case mangailangan ako.

Hindi ko na sila papangalanan dahil alam na nila kung sino sila. To my elementary friends, KSVS group kung saan kasama ko dito ang bestfriend ko(HS), BCP (college), Wiccan sisters, Bunso and my other closest co-writers, PPG, maraming maraming salamat at dumating kayo sa buhay ko… Thank you so much for everything. Alam kong rinding-rindi na kayo sa thank you pero again, salamat ng marami. I am not that good in expressing my true feelings pero believe me, mukha man akong walang pakialam sa mundo, mahal na mahal ko kayo. At hindi ko na maimagine ang buhay ko na wala kayo.

Fourth: Job

Thank you for co-workers that values and acknowledge your effort very much. And also treats you like a family. For a stable job, well compensated, overflowing benefits and kind boss… What more can you ask for?

Fifth: for the Talent and new found friends

Hindi ko akalaing dahil lang sa isang simpleng hobby ay magiging mas makulay at mas masaya ang buhay ko. It started as a desire to see my name (my pen name actually) printed on one of PHR and MSV’s book. Sabi ko noon, kahit isa lang masaya na ko. But then, siguro may mas magandang plano si Bro. From multiply kulitan to twitter to FB, sinong magsasabing dahil lang sa kanila ay makakahanap ako ng mga kaibigang kahit ocean’s apart ang drama ay alam kong totoo at maaasahan ko? Lalung-lalo na sa aking Wiccan Sisters, sa tiwalag Wiccan na si Victoria Amor, PPG at Bunsoy Mariane Reign. At ang dating hangarin na isang published novel lang, ngayon ay 5 na sa PHR at 10 sa MSV. Again, sinong mag-aakala?

Sixth: Readers

People who takes time to send you message and search you on FB just to tell you na gusto nila ang book mo and encouraging you na magsulat pa ng madami. Bilang na bilang ko po kayong lahat, huwag po kayong mag-alala. Hehe.. kung milyonarya lang ako, may regalo na sana kayo ngayong kapaskuhan.. J Maraming salamat sa pagbili ng mga libro ko, for taking time to read them kahit na alam niyong baguhan lang ako and for liking them. Kayo po ang isa sa mga dahilan kung bakit nagpapakapuyat akong gumawa ng stories kahit na may pasok pa ko kinabukasan. Sana po ay hindi kayo magsawa. Maraming-maraming salamat po ulit.

Special mention of course kay Mary Jhoy Durano Balboa… Hay naku… *sigh* hindi ko alam kung papano kita pasasalamatan ng sobra at kung papano ako babawi sa lahat ng mga binigay mo na sakin. Una na ang pagbili mo ng mga books ko, sumunod ang paggawa mo ng FB page at higit sa lahat sa mga cakes, brownies at chocolates na pinaghirapan mong i-bake sa tuwing dumadayo ako ng Manila. Super duper thank you sa friendship. Isa ka sa mga taong gusto kong ikeep forever… At gaya nga ng sabi mo, I Heart You So Much!

Kaya kahit na hindi ko natupad ang lahat ng Goal ko for this 2010, keri lang teh… Sa mga blessings pa lang na natanggap ko, sobra-sobra na sila. Sabi nga ng roommate ko, ang swerte-swerte ko daw. Bakit daw mukhang wala akong problemang mabigat ngayong taong ito? Well… Hindi ko rin alam.. Or maybe, ito ang sagot…

Positive outlook in life, appreciation, trusting God and value what you have in life…

Iyon sa tingin ko ang ilan sa mga dahilan kung bakit nalagpasan ko ang taong ito ng may ngiti sa labi. Sana ay ganun din kayo.

Merry Christmas to all and have a fruitful New Year for all of us!

0

Hit That Goal!


Finally! I’ve found my 2010 goal list na! Horray, horray! I’ve been looking for it for almost a week. That’s what you get for being NPA (as in No Permanent Address) and of course huwag na nating ipagkalat na isa rin akong malaking “makakalimutin” at “burarang” tao. Huwag po, okay? Makakasira sa pinakaiingat-ingatang image ko yan. Kaya itago na natin.

So eneweiz gokongwei, nasa-sight niyo ba olweiz na ang hilig-hilig kong mag-umpisa ng blog in English? As if naman kaya kong panindigan! Hay naku, makapag-eksena na nga lang! I started this goal listing nitong 2010 lang. Right after one of the managers handed me books about financial help chorva. Basahin ko raw at sundin ko kung gusto kong maging financially stable ek-ek hangga’t bata pa ko at nang hindi naman dumepende sa sahod ko lang. Umagree naman ako ng bonggang-bongga kaya tinanggap ko ang pinahiram niya saking book. It was a book by David Bach entitled Smart Women Finish Rich and Cashflow Quadrant: Rich Dad's Guide to Financial Freedom by Robert T. Kiyosaki. Very inspiring at may mga realization eklavu kang malalaman kaagad hindi mo pa man natatapos ang libro. Sey mo kafatid? My manager serves as my mentor when it comes to money issues. With him, marami akong natutunan. At paunti-unti, inaapply ko yun ngayon.

Una ko ngang sinunod ang sinabi ni David Bach, list down your short term goal and long term goal. Siyempre meron akong long term goal. Huwag na nating ungkatin pa iyon at isang sekretong malapit iyon. Para sa aking short term goal, naisip kong gawin siyang yearly. Kaya naipanganak si 2010 Goal List. Kaso nung tapos ko ng gawin ang listahan ko, isa lang ang napansin ko… puro gastos pa rin ang nasa listahan. *nahulog bigla sa upuan* Bwahahaha… Ano ba naman yan! Naglista pa ko diba? Pero sabi ko, keri lang yan. Keber sa panlalait ni self kay self! Umpisa pa lang naman ‘to. Balansehin ko na lang ng maayos para hindi ko na naman tapusin ang taong ito na luhaan at masakit ang dibdib.

So here it is… 2010 List of Goals. Ginawa ko ito last December 2009. And now na patapos na ang taon, siyempre ito na ang yung pinaka-exciting moment. At iyon ay ang… drum roll please! *drums rolling*

ang okrayin ang sarili ko kung nalagyan ko ba ng isang malaking check ang mga pinaglilista ko sa 2010 Goal ko!

Haha... Nyemas na yan! Now pipolness, just to make it clear lang huh? And I would like to stress this out din na kahit ako ay hindi proud sa isa kong ugali’ng ito. I have some difficulties when it comes to discipline. Matigas talaga ang ulo ko and I sometimes tend to break the rules. Even ang rules na isini-set ko sa sarili ko.

2010 Goal List
1. Digicam
2. Laptop
3. Camiguin trip
4. Palawan trip
5. Finish 12 manuscripts
6. Start mutual funds
7. Ipod touch


And the results?

1. Digicam


2. Laptop – got it last May 2010. Yey! Thank God for employee discounts. *wink*

3. Camiguin trip – done last holy week with my fellow co-writers: Elise Estrella, Edith Joaquin and Angel Bautista/Carla Giopaolo

4. Palawan trip – but I got to spend a weekend at Manila (take note: it’s personal expense and not company) and Byaheng South (Cebu) with my friends. Siguro naman pwede na yun as my second trip for this year ano?

5. Finish 12 manuscripts – okay, so wala akong ibang rason sa isang ito kundi… isang malaki at nagmamagandang KATAMARAN!! Blame it on movie, series and anime marathon. Gaaahhh!

6. Start mutual funds – according to financial pyramid chart and my financial adviser (oh ha? sosyal ang baklang itech. May financial adviser pang nalalaman!), ang pinakabase at una mo dapat ina-acquire ay personal security. Pinakaleast na ang risks like mutual funds, stocks and etc. Kaya burado sa listahan ang mutual funds dahil inuna kong kunin ang base gn pyramid. I got myself a life insurance. Yes, I know dapat 2 years ago ko pa ‘to kinuha. Pero that time kasi, hindi ko pa kilala si David Bach at Robert Kiyosaki. Ngayon lang kami naging close. Hehe…

7. Ipod touch


Pwede ko pang mahabol ang digicam bago ako umuwi ng gensan (this December 22). With ipod touch, I’m not sure. I’m having second thoughts na with it. Pak teh! Signos na ba itech ng aketsewang tuluy-tuloy walang prenong pagbabagong buhay? OMG! Achievement ito teh! Pang-guiness! Palakpakan naman diyan! Haha.. Keri ko na naman kasing mabuhay ng walang ipod touch eh. Andyan naman ang laptop ko at cellphone. Hay, bahala ka na nga batman! Pero nakadepende pa iyan sa butihing boss of all boss namin na si Tito Manny. Malalaman ang verdict ngayong nationwide Christmas party namin. Wish me luck padlock!

Results: 3 out of 7. Kung isasama ko pa ang number 6 dahil choice kong baguhin iyon, 4 out of 7. For a hard-headed gal like me, isang malaking himala na yan pramis! And besides, the point here is, matapos ko ang taong ito na masasabi kong malaki ang nagbago sakin. Not for the worse, but for the better. Kaya kung tatanungin niyo ko kung naging masaya ba ang 2010 ko.. aba teh. Naman! To the highest sapin-sapin lebel!

PS: Isa sa mga to-do-list ko ay ang umpisahan na ang 2011 Goal List ko before the year ends.
6

Byaheng South...

November 16, 2010. Non-working holiday.

My friends (Ayin and Cassie) and I thought this would be the best time to experience discovering some place together. Ayin and I love to travel a lot. We make it a point to travel at least once every year. We’ve been doing that for two years now and since then we haven’t really had the chance to travel and explore things together. Like this year, I took my holy week vacation at Camiguin with my writer friends while Ayin had her late summer vacation at Baguio together with her officemates.

And so we decided to grab this opportunity. Problem is, we don’t have an ample time and enough money to travel around Palawan, Tagaytay or even Dumaguete. So that leaves us to one particular idea - Explore the southern part of Cebu Island. And the first part of exploration starts with: Carcar and Argao.

Oh ha? Nasurvive ko ang dalawang paragraph in plain English! Punyemas, dinugo ako ng todo. Gusto ko sanang mag-english ng bongga sa particular entry na ‘to, kaso lang... malaking eksena yun pag nagkataon diba? Spot the difference ang drama kapag ginawa ko yun kung ang mga previous ko namang ginawa ay may halong kaechosan naman. (Liban na lang dun sa copy-paste ha? Hindi naman akin yun originally.) So eneweiz, pasensiya na mga kafatid, nagsusumigaw talaga ang pagiging walang sense ko. Asan na ba tayo? Ah ayun!

So iyonchi na nga, nagdisappear kami sa city of Cebu ng 7:15 ng umaga. Sakay ng pamosong Carcar minibus kung saan ay kilala sa sobrang bilis magpatakbo. As in to the highest level na bilis ka? Keber sa overspeeding ang drama ng mga driver ditech. “Biyaheng Langit” nga sey pa nga ng iba. Oh diba? Sa minibus pa lang, katakot-takot na adventure na agad ang mae-experience mo. Andyang kakapit ka ng mahigpit sa upuan sa tuwing mag-oovertake ang lintek na minibus. Alam na ngang alanganin, magpupumilit pang sumiksik?! Nariyang mapapasigaw ka na para kang nanonood ng horror movie sa sinehan sa tuwing dinidiinan ng driver ang break ng ura-urada. At higit sa lahat, mahihilo ka sa halu-halong baho ng mga pasahero dahil para na kayong sardinas sa loob. Normal ng madikit sa buhok mo ang baho ng kili-kili ng nakatayong pasahero sa gilid mo. Bakit kamo? Dahil ang epal na kundoktor, nakatayo na nga ang iba (dahil wala ng maupuan), pick up pa rin ng pick up ng pasahero. Sa pagsigaw nito ng “Meron pa pong bakante! Dali! Bilis!” ay kasabay niyon ang pagtaas ng kilay mo. Saan mo ilalagay ang bagong sakay na pasahero, aber? Sa kandungan ng driver? Kalurkey ka koya (ang kundoktor)!

Siyempre pa dahil nga siksikan ang lahat, hirap na ring makadaan ang kundoktor para maningil ng pamasahe. Ang siste, kailangan niyang makipagkiskisan sa mga lalaking nakatayo. At bilang hindi lang nasa dugo ko ang pagiging berde kundi maging sa utak na rin, bigla akong napangisi nang bigla akong may naisip na kalokohan. Pinalitan ko sa isip ang tatak ng Carcar minibus. From “biyaheng langit” to “Biyaheng Brokeback Mountain!” Nawindang ang utak at mata ko sa tuwing kumikiskis ang harapan ni koya kundoktor sa likuran ni amang pasahero. Ang sagwang tingnan teh pramis! Hahaha…

Nakarating kami sa wakas ng Carcar Proper ng bandang 8:15. Sumakay ng tricycle para ihatid kami sa aming first destination: Ang Theotokos Shrine. We figured its best to start your travel with the Lord’s guidance. (Naks!) nandoon ang malaking rebulto ni Mama Mary. At dahil isa siyang sacred place, hindi pwede ang sobrang kulit at ingay diba? Kaya pigil na pigil kami sa picture namin. Kita niyo naman? So konting picture lang tapos dasal.



Sunod naming pinuntahan ay ang Carcar Museum na matatagpuan sa gilid ng Carcar Church. Pero dahil isa kaming malaking engot, hindi namin naisip na baka sarado siya dahil holiday nga diba? Sumalubong samin ang saradong museum. Tsk, tsk... Disappointing. Inechos-echos pa namin si Mamang Bantay sa pagbabakasakaling bumigay. Pero asa pa kami? Sino ba kami diba? Kaya nakuntento na lang kaming sumilip-silip sa loob, magpose sa labas ng museum at kunan ang pahamak na padlock. Hayst… It hurts, you know. :( Sayang! Akala pa naman namin ay makakaharbat na kami ng antique products. Chos!

Dahil wala naman kaming napala sa museum, tumuloy na lang kami ng Argao. Walking distance lang ang sakayan ng jeep to Argao from Carcar church. Nang papunta na kami doon, napadaan kami sa isang stall kung saan may nagtitinda ng sapatos. Kilala ang Carcar sa paggawa ng matitibay at murang sapatos. Kaya nakiusyoso kami. Baka sakaling may magustuhan. Cassie bought a pair of flats for 80.00 pesos. At kami ni Ayin? Well... matapos ang maha-habang hanapan – nagkita na rin kami ng sapatos na gusto ko! At long last! Yihee!! Sa halagang 200 pesos ay meron na kong ganito…

Dyaran! Ganda diba? I love this kasi komportable sa paa. Mahal nga lang sa City kaya di ako makabili-bili. Akin yang blue siyempre. Kay Ayin yang black.

Mga more or less ay 40 minutes lang ang biyahe from Carcar to Argao kung sasakay ka ng pampaserhong jeep. It was a nice trip dahil nagkaroon kami ng instant tour guide sa katauhan ni Manong I-love-Argao (We forgot to ask his name). Binanggit niya samin lahat ng lugar na dapat naming puntahan sa Argao maging ang pamasahe. In fairness kay Manong, truelili lahat ng sinabi niya. Lalo na sa pamasahe portion. Hihi..

So eneweiz, gora ulit sa Old Church ng Argao kung saan sobrang byonda naman talaga ng lugar! Kung ikaw ay mahilig sa mga old stuffs and building, for sure magugustuhan mo ang lugar na iyon. Kulang na lang ay magsuot ako ng Filipiana para masabing in ako. May naiimagine din ako na may mga taong naglalakad doon in black in white version dahil panahon pa ni Jose Rizal o Andres Bonifacio.


Sa gilid ng Argao Church ay ang Hall of Justice nila. Maganda din ang building, hindi nga lang namin makunan dahil may mga tao. :) Sa harap ay ang old chapel na sabi ni Manong I-love-Argao ay mas luma pa sa mismong church. Sa tabi ng old chapel ay isang luma at medyo sira ng arc. May nakalagay na 400 sa ibabaw. Hindi ko alam kung hindi masyadong inexplain ni Manong o talagang lumulutang ang utak ko nung nasa biyahe kami dahil hindi ko sure kung 400 BC ba iyon o 400 years old. Either way, luma na siyang talaga.

And here’s more at sobrang gusto ko… Konting lakad pa sa arkong iyon ay masa-sight mo ang dagat! Oh ha? Ang echos diba? Pwede kang mag emote ng todo dun pagkatapos mong magkumpisal kay Padre sa simbahan. :) Ang bongga dun lalo na sa gabi. Sarap ng may ka-HHWW. Hihi.. As if meron ano?


Picture to sawa sa mga magagandang spot doon. At dahil hindi kami nakapasok sa Carcar Museum, pinasok naming ang Argao Heritage. Para siyang katulad ng Old convent sa Siquijor. Only, mas alaga sa Argao dahil doon din nag-oopisina ang butihing mayor ng Argao.



Past one na kami nakapaglunch. Walking distance lang sa Argao Church ay makikita mo ang Alex Kafe. Nirecommend lang din iyon samin ng officemate ni Ayin. In fairlalu talaga sa kafe na iyon, mura lang ang pagkain pero talap-talap naman ng mga ulam. For 87 pesos ay may kalderata, 3 piece lumpia at one and a half plain rice na ko. Not bad huh? And the place was great. Ganda ng ambience at tahimik. I love it there. I recommend them kapag pupunta kayo ng Argao.

Next stop ay ang Argao Natures Park. It’s a government owned place kaya naman hindi na kami nagulat na mura lang ang entrance fee. And for 35 pesos, pwede ka ng makapag-canopy walk, zipline (40 meters wide and 30 feet high), and boating. 10 pesos lang din ang wall climbing nila. Oh ha? Pangmasa diba? I love the place. It’s close to nature at kahit mahina lang ang development dahil nga government owned, makikita mong malaki ang potential niyang gumanda pa lalo in coming years. Libre ang cottage nila. May hammock pa kaming nakita somewhere. And what I love most was the fresh air. Bihira ka lang kasing makakalanghap nun sa syudad. At malamig pa! Talking about province ang BER month. We stayed for a little while at the park. Kumain ng chichirya at nagmasid-masid sa place. Enjoying the moment.




Next and last stop for the day ay ang Riverstone Castle. Namangha ako sa place, really! Maliit na kastilyo talaga ang dating! Nataranta kami ng friends ko sa loob dahil hindi namin alam kung saang parte ng kastilyo kami unang magpapapicture. Haha… Ang dami kasing magandang eksena. Kompleto ang drama ng mini-kastilyo mga friendship. May rebulto ng knights sa bungad ng castle, wine cellar (though hindi kami sure kung may imbakan ng wine nga sa loob), true crocodile na nangangain ng mga aliping taksil at kaaway ng palasyo (echos lang!), kalesa at iba pa. Kung sa Old Argao church ay gusto mong mag-Filipiana, sa riverstone naman ay parang trip mong magbihis reyna o prinsesa para lang bumagay sa lugar. It was designed by a Belgian National at its a private owned place kaya naman mas mahal ang entrance fee niya kaysa sa Natures Park. Kailangan mo ring paghintayin ang tricycle sa labas kung ayaw mong mahirapang makauwi. Wala kasing dumadaang sasakyan doon.

Riverstone also caters overnight stay there. For more info regarding the room rates, you can contact them at 367-7641 or 367-7214.




Umuwi kami ng Cebu ng pagod na pagod pero super satisfied naman sa lakad. And we do hope na magawa na namin ang Part 2 ng South Exploration namin.

For the benefit of those who love to explore the Carcar and Argao, here’s the complete list of our expenses:


Cebu – Carcar: 40.00
Carcar Proper to Theotokos: 10.00
Theotokos to Carcar Church (where the Carcar Museum is located): 7.00
Carcar to Argao: 25.00
Argao Church to Nature’s Park: 6.00
Inside the Park:
Entrance Fee: 5.00
Canopy Walk: 10.00
Ziplining: 20.00
Boating: 5.00
Wall Climbing: 10.00
Natures Park to Riverstone (two way): 30 pesos (plus additional para sa effort ni Mamang Driver sa paghihintay sa inyo)
Argao to Cebu (CERES bus): 64.00
Others: Food: 87.00

TOTAL EXPENSES: 319.00
 
Copyright © EKSENADORANG MANUNULAT