My First


Alala mo pa ba yung perstaym mo?
Ako alalang-alala ko pa. Masakit diba?
Ewan ko lang sa iba, pero kasi sakin masakit eh.
Yung kaba sa dibdib, yung hindi ka mapakali at hindi ka matahimik sa bawat araw na dumaraan. Kasi naiisip mo… pano na lang kung nagkamali ka? Kung pumalya ka?

Hanggang sa dumating na yung araw na pinakahihintay mo. Nanginginig pa ang kamay mo habang hinihintay na lumabas ang resulta. At PAK! Malalaman mong REJECT pala ang unang manuscript na sinubmit mo. Kalorkey sa sakit diba?

Oh… oh… ano ba kasing iniisip niyo? Tsk, tsk… kayo talaga.

Ang pers na pag-uusapan natin ngayon ay hindi ang first rejected manuscript ko kundi para ichika sa inyo kung anong ginawa ko right after I got my first rejected manuscript. Alam niyo kung ano? Nagsulat pa ulit ako ng nagsulat. Ang nangyari? Nareject pa rin iyon ng nareject. Hahaha… Nakaapat na reject ako actually. Ang tigas ng mukha ko no?

Kung tatanungin niyo ko kung di ba ko napanghinaan ng loob, aba’y maraming beses na. Nakakababa ng self esteem sobra. Kamuntik ko ng sundan ang yapak ni Mara sa sobrang awa sa sarili ko. At matagal bago ako muling sumulat. Pero kasi, hindi naman ako pinanganak na Richie rich, kaya kailangang patigasan ko ulit ang mukha ko. Alangan namang padala na lang ako sa self-pity ek-ek na yan? Matutulungan niya ba kong bayaran ang mga babayarin ko that time? Hindi. Genie ba siya para kahit hindi na ko magsulat ay tutuparin niya ang wish kong makita ang pangalan ko sa kahit isa man lang novel na nakikita ko sa bookstore? Hindi.

Sabi ng iba, hindi mo makukuha ang isang bagay kung di mo paghihirapan. Papano ka magiging successful kung inuunahan ka lagi ng takot at awa sa sarili mo? Papano mo makikita ang pangalan mo sa isa sa mga libro na gusto mo kung susuko ka na?

Kaya nagdesisyon akong kulitin ulit si “Tadhana.” Gusto kong maging writer, despwes kailangan ko ulit magsulat. Pero kung noon ay feeling magaling ako at mayabang na basta na lang nagsasubmit dahil may paniniwala ako noon na calling ko ang pagsusulat (Chos! Para lang magmamadre), ngayon ay nawala na iyon sa dibdib ko. Napalitan ng dobleng takot. Ayokong makatanggap ulit ng rejection. And so I asked for ate art’s (ARIELLE in writing industry) help. Nagmalimos ako ng tips kung papano sumulat ng desenteng romance story. Hindi siya nagdamot. Kaya hindi ko rin ipagdadamot ang tips na binigay niya sakin noon. Madami din kasi ang humihingi eh. Sobrang dami – mga 5 – 7 ata. (toinks. 0.o)

This is soooo 2007 (April 2007 to be exact) pero sana ay makatulong pa din ito sa lahat ng mga gusto ding maging writer na tulad ko. Hindi ko nasunod lahat ng sinabi niya pero those tips help me a lot. Kaya here it is…. Galing ito mismo sa kanya. Yung mga nakabold lang ang binago ko para maging applicable for both publisher. :)

WRITING ROMANCE

Length : (FOR PHR) 22000 – 24000 words; (FOR MSV) 21000 – 22000 words
Space : Double
Margins : 1 inch on left and right
Font : (FOR PHR) Verdana, Courier New, Font Size 11 or Times New Roman Font Size 12(FOR MSV) Courier New, Font Size 11 or Times New Roman Font Size 12
Paper : Short Bond Paper
Where to submit: (FOR PHR) ed2rialstaff@yahoo.com; (FOR MSV) manuscripts@bookwarepublishing.com
Evaluation Period: 3 – 4 weeks (for both publisher)

Notes:
1.Precious Romance holds writing workshops/seminars every Summer. Lahat ng nakakapasa dito ay nagiging instant writer ng Precious.
2. Be sure na merong happy ending ang novel mo
3. Be very original.
4. Be sure to write your name, address and contact number on the first page as well as the title of the novel.
5.Include a short summary of the plot of your novel on the 2nd page. Katulad ng nakikita mo sa likuran ng mga books. This is needed para magkaroon ng idea ang mga editors sa klase ng kuwento mo.
6. Maganda din na lagyan mo ng page numbers. And on every page ay andon ang title ng novel mo at ang name mo.


HOW TO WRITE ROMANCE NOVELS

PLOT
Two most important things to remember
1. It must be original as much as possible.
2. It must not be a copycat of published novels or shown movies in cinema or tv.


Steps in defining and solidifying the plot.
1. Outline the chapters to be written in the novel
2. Outline the scenes that will happen in each chapter
3. Outline the character’s personality


CHARACTERS
1.Should appear like real persons
2. Base them on real live persons if possible
4. They should feel, act and look like real persons
5. Vital to the story


The hero
1. Should have a very attractive personality (not need be handsome)
2. Must have principles and convictions in life
3. Any bad or evil things he does must be explained properly
4. His actions and feelings must be understood


EDITED (30Nov10):
Bet niyo bang malaman ang kadalasang rason kung bakit nare-reject ang isang manuscript? Gora na kayo dito! :) What Went Wrong?

19 umeepal:

Unknown said...

pa-Epal po.
Hala?
Ako rin po nakaapat na reject! haha kaso lang po mukhang di na po ako makakatanggap ng approval. Nafeel ko rin po yung sakit ng first time na mareject'an ng manuscript at iniyakan ko po talaga yung pangyayaring yun haha.
Ititigil ko na po sana ang pagsusulat kaso lang nabasa ko po 'to.. At nainspire po ako! :)

Galing n'yo po.

HartWanders said...

hehe.. salamat pearl! :)

naku, wag ka talaga tumigil magsulat. kung yun ang gusto mo, go lang ng go... wag kang sumuko. sa huli, sila na rin ang susuko sayo. tingnan mo ko? hehe..

pero seriously, wag mo pangunahan na di ka na maaappruban ever. think positive... :) pasasaan ba't makaaaprub ka din. :)

good luck!

Bai said...

hello! di ko pa naranasang mareject eh.. hehe.. malapit na ata.
@pearl: tama wag kang tumigil! dahil kundi wala kong babasahin. haha!

HartWanders said...

good for you repa. hehe.. bihira lang yung di nakakareceive ng rejection when it comes to submitting manuscripts. :) ano nga palang pen name mo?

Anonymous said...

hello poh nakakainspire naman po itong post mo. frustrated writer din po ako eh at d ko pa po nalalaman yung result nung naemmail ko na manuscript sa PHR. kaso po base sa format na nasa itaas eh mali po ata yung format na napasa ko. wala pa po plot saka 30,000 words pa. first time ko lang po kxi. hehehe.. pag gnun po kaya na mali kagad ung format babasahin pa kaya nila o wala nang tanong2 reject na kagad. hehehe ^^

HartWanders said...

hi anonymous! :) kung sabi mo nga ay mali yung format mo, babasahin pa rin nila iyon. :) at huwag kang mag-alala kung lumagpas ka man sa 24k words. kasi kung maganda naman ang manuscript mo at promising ang story, iaapprove pa rin nila iyon. babalikan ka lang nila para putulin o paikliin ung MS mo.

good luck sa manuscript mo! aja lang tau ng aja! :) looking forward to read your books someday. :)

A said...

Hi Ms. JM! Wala lang, epal lang. hehehe.

I think napaka-useful ng tips mo, lalo na sa solidifying the plot. Yun kasi talaga ang problema ko. Palibhasa, sulat lang ng sulat ng kung anumang maisipan ang ginagawa ko kaya mas magulo pa sa buhok ko yung mga gawa ko. hahahha. Susubukan ko na nga mag-outline.

anyways, more post pa ha?:))

HartWanders said...

mia! :) hehehe..

yup.isa ito sa mga tips na tumulong sakin para makapag-umpisa sa pagsusulat.. and although hindi ko naman nasusunod, lalo na ung pag-a-outline, hahaha.. at the end of the day, binabalik-balikan ko rin ito. to see if nameet ko talaga ung mga dapat gawin para maapprove ang manuscript. :)

good luck sa pagsusulat! waiting for your published works! kelan kaya mailalabas ung sau no? o lumabas na ba? di na ko nakakadalaw lately sa bookware site eh.. :)

A said...

naku, hindi pa po lumalabas eh. and hindi ko pa din alam kung kelan lalabas. heheheh:))

HartWanders said...

feeling ko magsasabay tau sa next release .tinext din ako ni apple eh.nilaline up niya na ung isa ko.. :)

hala, excited ako for u! bibili ako tiyak! :D

Anonymous said...

hi po!
first time ko rin gumawa ng sarili kong manuscript...
actually, nakagawa na ako, gusto ko ng sanang i-submit ang manuscript ko kaso nagdadalawang isip ako kung tama na ba ang naisulat ko.
Mabuti na lang nakita ko ito...ginaganahan tuloy ako...
hehehe
salamat po..
(^-^)

HartWanders said...

hi! gudlak sa manuscript mo.. ipasa na yan! hehe.. looking forward on your first novel. :D

salamat sa pagbisita sa blog ko. :D

Anonymous said...

paeksena po ulit Ms. Maan... chessy po ulit. Tanong lang po, may pagkakaiba po ba kung magsusulat ka for MSV o PHR?

HartWanders said...

halu ulet! :D regarding sa tanong mo, hhhmmmm... meron namang pagkakaiba somehow. for me ha? mas madali akong nakakapagsulat sa MSV. maluwag kasi sila in terms of plot. halimbawa na lang, pwede sa MSV ang hero na assassin o ung mga may illegal na job, sa PHR, hindi pwede un. unless na lang ikaw si Arielle na sikat na at kahit ano pang books ay kayang maibenta. hehe...

at in my case, nung nag-uumpisa pa talaga ako, mas madali akong naaapruban sa MSV compare sa PHR. :)

Anonymous said...

ah ok po! a million thanks Ms. Maan! Makapagsulat na nga... hehe. Thank You po! ;p

Anonymous said...

Wala po bang maximum chapters?

HartWanders said...

hi anonymous! at least 10 chapters ang need sa phr. ganun din naman sa msv. :)

Anonymous said...

eeksena din po ako. :))
I already have my first finished manuscript, pero hesistant pa po akong ipasa. Does age matter in writing romance novels? In my own opinion po kasi, I think I might be quite young. Kaya hindi ko po alam if I am gonna try or not.

HartWanders said...

hi there! wala pong age limit ang pagsusulat ng novel. now that may finish manu ka na, send mo na kaagad. Mariane Reign had her first approved manuscript when she was only 14 or 15 years old. so... kahit sino pwede. :)

Post a Comment

Sige, umeksena ka din. Keme lang naman...

 
Copyright © EKSENADORANG MANUNULAT