, kapag daw may bago kang samting, gusto mo daw lagi gamit-gamitin. Para lang yang bagong boypren. Gusto mo lagi mo katext, kausap, kachenes, o di kaya ay kasama (doncha worry, savor the moment acheng, baka bukas makalawa, sawa na siya sayo. Haha.. Bitter Ocampo?). At since bago itong blog ko, gusto kong magpost ng magpost. Bakit ba? Blog ko ‘to. Walang pakialamanan. Kase mga beki, baka next week, tamarin na din akong magpost. Kaya pagbigyan niyo na ako, uki? Doncha wori… this too shall pass. Pak!
Pero bago ako umeksena, gusto ko lang ipaalala na hindi ito blog tungkol sa mga writing chembolar blog ha? Wala lang akong maisip na i-post kaya tungkol sa pagsusulat ang ichichika ko. Kasi naisip ko, nilaglag ko lang rin naman yung sarili ko tungkol sa mga rejected manuscript ko… might as well ilaglag ko na ng todo diba? Pareho lang din naman siyang masakit.
Kaya halika fwend, ichenes naman natin ngayon ang mga madalas na dahilan ng mga editors o readers kung bakit, isang malaking “R” ang iyong bebe (manuscript). Ito ay galing lang naman sa mga rason ng mga naging reader/editor KO ha? Base in true to life story iteklavu kaya wag magreact ng hindi tama. Sinishare ko ito para hindi niyo rin ulitin ang mga ginawa ko dati. And maybe, pwede na rin itong maging tips for those who want to become writer...
Game na? Okay, game!
1. MAIN CHARACTERS SHOULD BE LOVEABLE, INSPIRING AND INTERESTING. Kailangang ma-establish ang magandang karacter ng mga ito at ang romantic connection nila sa isa’t isa. Kapag may ginawang hindi kaiga-igaya ang isang karakter, ipaliwanag ng maayos kung bakit.
2. CONFLICT. Establish a conflict. Dapat may malalim na conflict ang isang nobela. Ano ba iyong conflict? Eto yung maaaring maging rason kung bakit hindi pwedeng magkatuluyan ang dalawang bida. Na sa bandang huli ay mareresolba din.
Ano ba ang ibig sabihin ng dapat “malalim” ang conflict? Aktwaly, hindi ko din alam talaga. Haha… Sample na lang tayo, uki? Base pa din siyempre sa mga nareject kong MS. (*crowd* Sample, sample, sample!) Huwag kang trying hard na gumawa ng conflict. Iyong tipong pwede naman pala siyang pag-usapan at ayusin agad tapos ay pinili mong maging epal at gawing sobrang hilig sa “pride” chicken ang bida mo kaya natagalan ang reconciliation nila.
3. GASGAS NA PLOT. Iyong tipong isang libong beses na siyang nagamit sa ibang libro at daang beses mo ng nakita sa TV at pelikula. Sabi nga sakin ni ate art. BE ORIGINAL. Pero obviously nakalimutan ko pa rin siyang sundin kaya ayun...
4. MANIPULADO ANG STORYA. Hindi ko din sure anong ibig sabihin nito. Pero base sa experience ko, kahit pa sabihing fiction lamang ang isang romance novel, dapat kailangan mo pa rin iyong ibase sa mga facts. Huwag kang imbento. Gawin mo siyang makatotohanan.
Kala niyo kung mahaba, ano? Kala niyo lang yun. Echosera lang talaga ako.
Iyon pa lang naman so far ang naranasan ko. May ibang nagsabi na sinabihan sila ng “kulang sa romance ang ms nila.” Infairlalu, hindi naman sa pagmamayabang, nagpapasalamat ako na hindi ko pa iyon nararanasan. Although, wala akong maramdamang kilig sa mga libro ko kapag binabasa ko na siya. Kaya nagugulat na lang ako kapag may nagsasabing kakakilig daw ang ganito at ganyan sa book ko. Akalain mo yun? Nakatsamba ako? Haha… I know, I know… Dati pa man, bato na talaga ako. Kaya hanggang ngayon, hindi ko alam kung bakit napunta ako sa genre ng “romance.”
Tingin niyo, bakit kaya?
15 umeepal:
Hi po. May pagka sira-ulong newbie writer lang po aq (Chaka). Gusto q lng pong mag-ask kng up until now pwede pa rin akong makasubmit ng MS sa PHR. Gustong-gusto q talaga ang PHR eh heheh
TYVM po! *shing2x*
hi shing! :D yup. pwede pa naman.. always open namna ang invitation ng phr for aspiring and newbie writers. :)
hi Ms.Maan... nadaan lang po sa site niyo. writer-wannabe po aq. tnx po sa mga writing tips! di po kayo madamot. haha. Godbless po. :) -JACQUI
hi jacqui! :D salamat sa pagdalaw. and gudlak sa pagsusulat ng novel. sana nakatulong ang mga sinulat ko dito. :)) dont give up lang... gaya nga ng sabi ko, go lang ng go. fight lang ng fight! :D
helo po. gusto ko lang po malaman hindi po ba short bond paper ung gngmit. kailangan pa po ba nang indent doon?
hello ms.Maan, like ko po gumawa ng story.something like a detective-love story or about a true to life story.pero pwede po ba ako gumamit ng alias?
hello po.its meagain,my name s jonavey grace dupagan.gusto ko po isuat ang kwento ng buhay ko,but i dont want other ppol toknow na ako ang author,would it be possible 4 me to use an alias if ever? i really love reading tagalog romance pocket novels,spcialy PHR.thank u very much
hi jonavey. welcome sa blogsite ko. thank u for visiting. :)
yup. pwede naman. wala namang bumabawal nun na gawin mo. u can always write ur story. hindi naman required na sabihin mo kung saan un nanggaling. :)
about naman sa papers na gagamitin. please see "My First" blog entry for the requirements. :)
Hi Ate Maan! Salamat sa guide. Kaya lang, kahapon pa ako nagbabasa tungkol sa pagsusulat ng ROMANCE. Familiar na rin ako sa mga writing styles. I've read hundreds of Romance novels, na ikinabaliw ko. (Kulang-kulang din ako, eh.)
Pero bakit kahit na hindi ako inaatake ng katam(aran), hindi ko natatapos ang nasimulan kong nobela? Lagi ko nalang natatagpuan ang mga isinulat ko sa Recycle Bin. WHAT'S WRONG?!
hi Renka Emai,
salamat sa pagdalaw sa blogsite ko.. :) madalas din mangyari sakin yan. hehe. i dont know if its applicable to all writers pero sakin kasi isa lang ang dahilan kung bakit hindi ko matuloy-tuloy ang isang novel or kung bakit ako nasa-stuck sa isang eksena - may mali sa sinusulat mo. Its either:
1. ayaw nung characters mo sa huling eksena at gusto niyang palitan mo
2. ayaw nung hero/heroine mo sa name nila
3. ayaw nila sa character profile na binigay mo.
kapag napinpoit mo kung alin sa tatlo ang problema, magtutuloy-tuloy na yan. :)
hi tyra! :D first, congrats sa iyong approve manu! wow! galing mo naman! first submission and approve kaagad? nice! welcome to the club! :)) second, naku mahirap sagutin yang tanong mo online. may money involve na kasi. hehe.. but kung tama ang date na nakalagay jan sa post mo, baka by this time ay nakuha mo na ang check mo. :))
Salamat ate Maan. Itutuloy ko na ang pagsulat ko. :D Blog-blog din muna ako. :D
haii..in all fairness po, ang rami kong naipong ideas para sa mga novels..uber ipon na siya sa mga notebooks ko..with plots per chapters + characters with detialed personalities + title.. ang prob, wala akong type gawan sila ng kwento T.T anyways, i really do like your blog, pinost ng friend ko ang link sa private group namin sa FB, inspired na syang gumawa starting right now..nagsend na rin ang ng manuscript sa email ng PHR, pero hanggang ngayon tigang pa rin, and binasa ko uli yung ginawa ko, and to my surprise..may mga konti pa palang typo error sa last chapter..huhu kahiya!! ginawa ko kasi siya sa kasagsagan ng midterms namin, dahil na in sa stress kaya nakasingit ang novel writing sa sched ko.. may i know your pen name?
*detailed
*time
*ako
*rin
--sorry kahit dito nagkakamali,bilis ko kasi magtype..hehe
hi there tinapay! kinilig naman ako. :) thank u for liking my blog. at pakisabi sa friend mo, thank u din dahil pinost niya ang link. i'm glad that somehow nainspire ko siyang sumulat. iyon naman talaga ang purpose ko kaya ginawa ko itong laglagan blues. :) anyway, gudlak sa manuscript mo! sana makapasa! hoping to see ur penname soon sa bookshelves! :D
Maan Beltran po ang pan name ko. :))
Post a Comment
Sige, umeksena ka din. Keme lang naman...