Hit That Goal!


Finally! I’ve found my 2010 goal list na! Horray, horray! I’ve been looking for it for almost a week. That’s what you get for being NPA (as in No Permanent Address) and of course huwag na nating ipagkalat na isa rin akong malaking “makakalimutin” at “burarang” tao. Huwag po, okay? Makakasira sa pinakaiingat-ingatang image ko yan. Kaya itago na natin.

So eneweiz gokongwei, nasa-sight niyo ba olweiz na ang hilig-hilig kong mag-umpisa ng blog in English? As if naman kaya kong panindigan! Hay naku, makapag-eksena na nga lang! I started this goal listing nitong 2010 lang. Right after one of the managers handed me books about financial help chorva. Basahin ko raw at sundin ko kung gusto kong maging financially stable ek-ek hangga’t bata pa ko at nang hindi naman dumepende sa sahod ko lang. Umagree naman ako ng bonggang-bongga kaya tinanggap ko ang pinahiram niya saking book. It was a book by David Bach entitled Smart Women Finish Rich and Cashflow Quadrant: Rich Dad's Guide to Financial Freedom by Robert T. Kiyosaki. Very inspiring at may mga realization eklavu kang malalaman kaagad hindi mo pa man natatapos ang libro. Sey mo kafatid? My manager serves as my mentor when it comes to money issues. With him, marami akong natutunan. At paunti-unti, inaapply ko yun ngayon.

Una ko ngang sinunod ang sinabi ni David Bach, list down your short term goal and long term goal. Siyempre meron akong long term goal. Huwag na nating ungkatin pa iyon at isang sekretong malapit iyon. Para sa aking short term goal, naisip kong gawin siyang yearly. Kaya naipanganak si 2010 Goal List. Kaso nung tapos ko ng gawin ang listahan ko, isa lang ang napansin ko… puro gastos pa rin ang nasa listahan. *nahulog bigla sa upuan* Bwahahaha… Ano ba naman yan! Naglista pa ko diba? Pero sabi ko, keri lang yan. Keber sa panlalait ni self kay self! Umpisa pa lang naman ‘to. Balansehin ko na lang ng maayos para hindi ko na naman tapusin ang taong ito na luhaan at masakit ang dibdib.

So here it is… 2010 List of Goals. Ginawa ko ito last December 2009. And now na patapos na ang taon, siyempre ito na ang yung pinaka-exciting moment. At iyon ay ang… drum roll please! *drums rolling*

ang okrayin ang sarili ko kung nalagyan ko ba ng isang malaking check ang mga pinaglilista ko sa 2010 Goal ko!

Haha... Nyemas na yan! Now pipolness, just to make it clear lang huh? And I would like to stress this out din na kahit ako ay hindi proud sa isa kong ugali’ng ito. I have some difficulties when it comes to discipline. Matigas talaga ang ulo ko and I sometimes tend to break the rules. Even ang rules na isini-set ko sa sarili ko.

2010 Goal List
1. Digicam
2. Laptop
3. Camiguin trip
4. Palawan trip
5. Finish 12 manuscripts
6. Start mutual funds
7. Ipod touch


And the results?

1. Digicam


2. Laptop – got it last May 2010. Yey! Thank God for employee discounts. *wink*

3. Camiguin trip – done last holy week with my fellow co-writers: Elise Estrella, Edith Joaquin and Angel Bautista/Carla Giopaolo

4. Palawan trip – but I got to spend a weekend at Manila (take note: it’s personal expense and not company) and Byaheng South (Cebu) with my friends. Siguro naman pwede na yun as my second trip for this year ano?

5. Finish 12 manuscripts – okay, so wala akong ibang rason sa isang ito kundi… isang malaki at nagmamagandang KATAMARAN!! Blame it on movie, series and anime marathon. Gaaahhh!

6. Start mutual funds – according to financial pyramid chart and my financial adviser (oh ha? sosyal ang baklang itech. May financial adviser pang nalalaman!), ang pinakabase at una mo dapat ina-acquire ay personal security. Pinakaleast na ang risks like mutual funds, stocks and etc. Kaya burado sa listahan ang mutual funds dahil inuna kong kunin ang base gn pyramid. I got myself a life insurance. Yes, I know dapat 2 years ago ko pa ‘to kinuha. Pero that time kasi, hindi ko pa kilala si David Bach at Robert Kiyosaki. Ngayon lang kami naging close. Hehe…

7. Ipod touch


Pwede ko pang mahabol ang digicam bago ako umuwi ng gensan (this December 22). With ipod touch, I’m not sure. I’m having second thoughts na with it. Pak teh! Signos na ba itech ng aketsewang tuluy-tuloy walang prenong pagbabagong buhay? OMG! Achievement ito teh! Pang-guiness! Palakpakan naman diyan! Haha.. Keri ko na naman kasing mabuhay ng walang ipod touch eh. Andyan naman ang laptop ko at cellphone. Hay, bahala ka na nga batman! Pero nakadepende pa iyan sa butihing boss of all boss namin na si Tito Manny. Malalaman ang verdict ngayong nationwide Christmas party namin. Wish me luck padlock!

Results: 3 out of 7. Kung isasama ko pa ang number 6 dahil choice kong baguhin iyon, 4 out of 7. For a hard-headed gal like me, isang malaking himala na yan pramis! And besides, the point here is, matapos ko ang taong ito na masasabi kong malaki ang nagbago sakin. Not for the worse, but for the better. Kaya kung tatanungin niyo ko kung naging masaya ba ang 2010 ko.. aba teh. Naman! To the highest sapin-sapin lebel!

PS: Isa sa mga to-do-list ko ay ang umpisahan na ang 2011 Goal List ko before the year ends.

0 umeepal:

Post a Comment

Sige, umeksena ka din. Keme lang naman...

 
Copyright © EKSENADORANG MANUNULAT