Thank You (Part 2)


Okay, friendships and mga kapwa ko epal at eksenadora, siryus muna si oka uki? Ito ang buwan kung saan very active ang aking endocrine glands (tama ba? Bobo ako sa science eh.) kaya madalas ay madrama ako.. Patapos na kasi ang taon at nangangalap ako ng regalo kaya kailangang mag-emote. Baka sakaling may maawa. Haha.. Pero siryus pipolness, ang susunod na programang inyong mapapanood ay nangangailangan ng patnubay ng mga kaibigan. Huwag masyadong madala at huwag niyong sapawan ang kadramahan ko! Moment ko ‘to!

I can say that this has been the best year ever of my life. Marami na kong natanggap na blessing last year at sa tingin ko ay dumoble pa siya this year. And I couldn’t thank God enough for all of these. Minsan nga naiiyak na ko sa tuwing nakikipag-usap ako kay Bro. (Opo. Kahit ang mga epal at eksenadorang tulad ko ay marunong ding umiyak.) Kasi iniisip ko, ano bang maganda o mabuting ginawa ko to deserve all these blessings? Parang wala naman yata. Alam ko hindi dapat kinukwestiyon iyon. Dapat ay nagpapasalamat ka lang dawn g nagpapasalamat. And I am. Minsan lang talaga, hindi ko ma-grasp yung idea how blessed I am for having all of these. Ni hindi ko alam kung worthy ba ko sa mga blessing na natatanggap ko. But then again sabi nga ng mga friends ko, hindi ibibigay sakin to kung hindi siya talaga para sakin. Kaya siguro nga para kay God, worthy ako. Kaya sige na nga… wala nang Q&A portion pa. Kaya eto na lang ang gagawin ko, ang mag-thank you ng mag-thank you. Para na kong sirang plaka nito kasi everyday na lang yata ito ang script ng prayers ko lagi. Pero still, ito lang yata ang script na hindi ko pagsasawaang i-deliver…

I know nakapagsulat na ko ng first Thank You note ko sa FB, pero gusto ko lang ulitin dito. This is my Thank You note part 2. Ginagawa ko talaga ito every end of the year.Ang magmuni-muni sa mga bagay na nangyari sakin from January to December. Only this time, in public na dahil meron na kong blog.

First: Si Bro siyempre.

I may not be very religious just like my bestfriend pero isa lang ang bagay na never na nawala sakin. Remember the verse na binigay sakin ng bestfriend ko seven years ago? Proverbs 3: 4-6… “Trust in the Lord with all your heart. And lean not on your own understanding. In all your ways, acknowledge Him and He will direct your path.” Iyon lang ang palaging binabalik-balikan ko, at alam ko na agad na hindi Mo ako iiwan no matter what happen. Masasabi kong wala akong maalalang mabigat na problemang naranasan this year (thank you ulit Bro for that.) Or maybe meron pero hindi ko lang ma-acknowledge na mabigat dahil lagi kong iniisip na may ibang taong mas mabigat ang problema kaysa sa kinakaharap ko ngayon. That I am still blessed despite everything.

Second: To my family and closest relatives

Sabi nila, kapag may itinanim, may aanihin. Pag may tiyaga, may nilaga. People around us would always tell my mom how lucky she is for having us as her mga anak. Biro pa ng iba, jetsetter na daw ang nanay ko dahil mani na lang para dito ang magpabalik-balik ng Cebu. Nakapamasyal na rin ito sa ibang lugar at kahit hindi na magtrabaho ay pwede pa ring mabuhay. At iyon ay dahil daw sa amin na mga anak niya. Siguro nga, somehow… totoo iyon. Pero para sa amin ng brother ko, kami ang maswerte for having her as our mother. Inaani lang ng nanay naming ngayon ang itinanim niya noon. Nagsakripisyo at nagtiyaga siya for us kaya ngayon ay kumakain na siya ng nilaga. And I thank God for giving us the best mother in the world. Hindi lang siya ina para sakin, bestfriend ko din siya. Supportive, loving, caring at mahaba ang pasensiya sa tamad na tulad ko. Hahanap pa ba ko ng ibang nanay kung nasa amin na ang dabest?

To my closest Titos and Titas na kahit noong mga bata pa man kami ng bro ko ay mataas na ang expectations sa amin. They love us so much kaya nakakatakot na bigyan sila ng disappointment. Maliban sa aking mamang, sila din ang nagsilbing guardian at second father sa amin. I remember, Tita ko ang namimili ng mga school supplies namin tuwing pasukan dahil can’t afford si mudra noon. Tito ko ang naghahatid sakin papuntang school dahil busy si mother sa trabaho. Never nila kaming pinabayaan. At sa bawat achievement na nakukuha namin ng kapatid ko, hindi lang si Mamang ang proud sa amin, kundi maging sila na rin. Kaya salamat po sa lahat ng pagmamahal at tulong noong mga panahong kailangang-kailangan namin iyon.

Third: True Friends

Laging sinasabi sakin ni Mamang noon, magaling daw akong mamili ng kaibigan. Proven and tested niya na iyon. From my elementary friends to my co-writers, lahat nakilala niya na. Well, hindi pa ang mga co-writers ko, pero sa mga stories na sinasabi ko sa kanya, excited na siyang mameet sila para mapasalamatan. Kaya never akong nakatanggap ng sermon sa nanay ko tungkol sa pagbabarkada. Kasi she trust me enough to know na ang mga kinakaibigan ko ay mga taong hindi B.I sa buhay ko. Mula noon, hanggang ngayon, subok ko na ang friendship nila. Wala akong hundreds or thousands friends gaya ng iba diyan. Konti lang ang kaibigan ko, pero maipagmamayabang ko sa lahat na kahit hindi sila umabot ng one hundred, mga tunay ko silang kaibigan na kaya kong lapitan in case mangailangan ako.

Hindi ko na sila papangalanan dahil alam na nila kung sino sila. To my elementary friends, KSVS group kung saan kasama ko dito ang bestfriend ko(HS), BCP (college), Wiccan sisters, Bunso and my other closest co-writers, PPG, maraming maraming salamat at dumating kayo sa buhay ko… Thank you so much for everything. Alam kong rinding-rindi na kayo sa thank you pero again, salamat ng marami. I am not that good in expressing my true feelings pero believe me, mukha man akong walang pakialam sa mundo, mahal na mahal ko kayo. At hindi ko na maimagine ang buhay ko na wala kayo.

Fourth: Job

Thank you for co-workers that values and acknowledge your effort very much. And also treats you like a family. For a stable job, well compensated, overflowing benefits and kind boss… What more can you ask for?

Fifth: for the Talent and new found friends

Hindi ko akalaing dahil lang sa isang simpleng hobby ay magiging mas makulay at mas masaya ang buhay ko. It started as a desire to see my name (my pen name actually) printed on one of PHR and MSV’s book. Sabi ko noon, kahit isa lang masaya na ko. But then, siguro may mas magandang plano si Bro. From multiply kulitan to twitter to FB, sinong magsasabing dahil lang sa kanila ay makakahanap ako ng mga kaibigang kahit ocean’s apart ang drama ay alam kong totoo at maaasahan ko? Lalung-lalo na sa aking Wiccan Sisters, sa tiwalag Wiccan na si Victoria Amor, PPG at Bunsoy Mariane Reign. At ang dating hangarin na isang published novel lang, ngayon ay 5 na sa PHR at 10 sa MSV. Again, sinong mag-aakala?

Sixth: Readers

People who takes time to send you message and search you on FB just to tell you na gusto nila ang book mo and encouraging you na magsulat pa ng madami. Bilang na bilang ko po kayong lahat, huwag po kayong mag-alala. Hehe.. kung milyonarya lang ako, may regalo na sana kayo ngayong kapaskuhan.. J Maraming salamat sa pagbili ng mga libro ko, for taking time to read them kahit na alam niyong baguhan lang ako and for liking them. Kayo po ang isa sa mga dahilan kung bakit nagpapakapuyat akong gumawa ng stories kahit na may pasok pa ko kinabukasan. Sana po ay hindi kayo magsawa. Maraming-maraming salamat po ulit.

Special mention of course kay Mary Jhoy Durano Balboa… Hay naku… *sigh* hindi ko alam kung papano kita pasasalamatan ng sobra at kung papano ako babawi sa lahat ng mga binigay mo na sakin. Una na ang pagbili mo ng mga books ko, sumunod ang paggawa mo ng FB page at higit sa lahat sa mga cakes, brownies at chocolates na pinaghirapan mong i-bake sa tuwing dumadayo ako ng Manila. Super duper thank you sa friendship. Isa ka sa mga taong gusto kong ikeep forever… At gaya nga ng sabi mo, I Heart You So Much!

Kaya kahit na hindi ko natupad ang lahat ng Goal ko for this 2010, keri lang teh… Sa mga blessings pa lang na natanggap ko, sobra-sobra na sila. Sabi nga ng roommate ko, ang swerte-swerte ko daw. Bakit daw mukhang wala akong problemang mabigat ngayong taong ito? Well… Hindi ko rin alam.. Or maybe, ito ang sagot…

Positive outlook in life, appreciation, trusting God and value what you have in life…

Iyon sa tingin ko ang ilan sa mga dahilan kung bakit nalagpasan ko ang taong ito ng may ngiti sa labi. Sana ay ganun din kayo.

Merry Christmas to all and have a fruitful New Year for all of us!

2 umeepal:

jhoybalboa said...

heto na heto na. hahah. ayan ate, nakagawa na ko ng blog mo. dito naman ako magkakalat. hahah.

grabe te, binuo mo talaga real name ko. hahah. teka, madami pa ko sasabihin sayo. kulang pa yung asa note ko sa fb.

PS. antayin mo ang blog ko tungkol sau. hahah. :))

HartWanders said...

hahaha.. ano to, gantihan?! haha..

Post a Comment

Sige, umeksena ka din. Keme lang naman...

 
Copyright © EKSENADORANG MANUNULAT