It's been three weeks since my last manuscript got approved. Three weeks and yet until now, wala pa rin akong matapos-tapos na story. Alam mo yung feeling na may gusto kang isulat, alam na alam mo kung papano tatakbo ang storya and yet hindi mo mailagay sa MS Word? Yeesss.. ganun ako lately. Ang dami ko pa namang babayarin this month. Amf! :( What's more worst is that inaatake ako ng pagka-OC ko. Or maybe somehow, aminin ko man o hindi, apektado ako sa isang comment ng isang reader na nabasa ko somewhere. Sabi niya to no one in particular, pare-pareho na lang daw ang plot. WALANG BAGO.
Kaya eto... para tuloy akong tanga. Sa sobrang conscious at epal ko, walang maisulat. Because whenever I think of something new (plot), lagi kong naiisip yung sinabi niya kahit na hindi naman iyon para sa akin (or baka para sakin talaga yun? Hehehe...). Ang resulta, inuunahan ko ang self ko. Na kesyo pareho lang ng ganito, pareho lang ng ganyan. WALA NGANG BAGO. Ako na mismo ang mang-okray sa self ko. I figured out, mas mabuti pang ako na ang manlait sa sarili ko kaysa ibang tao.
Please don't get me wrong. I always welcome constructive criticism. Wala akong problema dun. Madalas, iyon pa nga ang hinihingi ko sa mga readers ko because I'm very much aware that my writing needs improvement. Kaya nga gustung-gusto kong makapag-workshop eh. Hindi ko nga lang magawa dahil laging conflict sa day job ko ang schedule kahit pa weekend siya. Kapag sinabi mong medyo na-bore ako sa ganitong chapter ng libro, mas madami ang narration kesa sa dialogue o di naman kaya ay wala siyang gaanong impact sayo, wala akong problema dun. Tatanggapin ko ng buong puso ang comment na iyon.
Pero iba ang constructive criticism sa pagiging tactless or inconsiderate. Depende din iyan sa pagkakadeliver ng isang tao. May ibang comment na masakit pero hindi mo iindahin dahil maayos at malumanay siya nang sabihin iyon (gaya ng mga halimbawang binigay ko sa itaas). Pero may iba talagang bitaw lang ng bitaw na hindi nag-iisip kung makakasakit ba sila ng kapwa o hindi. Sana man lang bago magbitaw ng mga salitang nakakasakit, isipin nila kung ilang gabing hindi natulog ang isang writer o ilang beses na sumakit ang ulo nito para lang matapos ang isang manuscript. Sana maisip nila na hindi madaling mag-isip ng mga eksenang "bago" o "unique" para sa isang gasgas na plot dahil sa ilang libong beses na iyong nagamit. Mahirap bumuo ng isang matinong love story na kailangang may 22,000 to 24,000 words. Subukan mo munang gumawa ng manuscript bago ka magreklamo.
Kung wala ka namang magandang sasabihin, sana manahimik ka na lang. At sana alam mo din yung kasabihang "Some things are better left unsaid."
I know, with this entry, you might think of me as suplada o maldita. O isa na namang epal na nakikisawsaw. Only this time, wala naman talagang issue. Gumagawa lang ako dahil nga wala akong magawa sa buhay at wala akong matapos-tapos na manuscript. Poknat na buhay 'to. Hahaha.
Hahayst!
0 umeepal:
Post a Comment
Sige, umeksena ka din. Keme lang naman...