Fight, fight, fight! Go, go, go!
Trip kong magmarunong. Gusto kong manermon. Nangangati akong umepal. At higit sa lahat… due to insistent public demand (chos! parang reprinted books lang ng PHR), eeksena ulit ang abang lingkod niyo. Bakit ba? Sa gusto ko eh. Meh angal? Hehe.. Pero no, hindi iyon dahil sa demand ng public. (Wish ko lang noh!?) Demand ko lang yan sa sarili ko. Pero deadmahin niyo na mga friends, pagbigyan niyo na ko. hehe...
So eneweiz highways, siryus muna tayo okay? Let’s bow our heads and put ourselves in… ay mali… Sorry.. Eto na talaga.. Walang halong biro. Laglagan moment ito. Game.
Likas na sa akin ang pagiging tsismosa at madaldal (sa net world). Aminado ako doon at hindi ko iyon ikinakaila. At gaya nga ng sabi ko sa huling blog ko, this past few days ay araw-araw na yata akong online sa FB at twitter. Dahil dun ay marami-rami na rin akong naging kaibigang readers and aspiring o new writers like me. May iba ding humihingi ng tips kung papano daw ba magsulat. (Chos! Para namang may karapatan akong magbigay hano? Eh sino lang ba ako?) Sila din ang dahilan kung bakit naisulat ko ang blog entry kong My First and What Went Wrong. Because I wanted to help them in any way I can. Sila at ang iba kong kapwa (aspriring) writer din ang dahilan kung bakit ko naisip gawin ang blog na ito. Even if the following lines would also mean na ilalaglag ko ang sarili ko. Pero naisip ko, kung ang paglalaglag naman sa sarili ko ang maging dahilan para mamotivate silang simulan ang pangarap nila o patuloy na magsulat, then pikit-matang ilalaglag ko ang sarili ko.
Game. Alam niyo ba kung ilang manuscript ang pinagpuyatan ko bago ko nakuha ang limang approved manuscript? SIYAM. Yup. Hindi po ako nagbibiro o nag-eexaggerate. I have written fourteen manuscript already. Lima lang ang pumasa sa taste ng PHR editors, walo ang bagsak at isang muntik-muntikan na (revision in short). Lupet ko diba? Hehe.. Ganito ang sequence niyan: 4 rejected manuscript (2008) -->2 consecutive approved (2008) --> another 4 reject (2009) --> 1 approved (2009) --> 1 revision (2010) and 2 consecutive approved ulit (2010). Iyan ang buhay ko for the past three years in my writing career sa PHR. Nakakahiya mang aminin, pero kung iisipin kong mabuti, sa lahat yata ng mga aspiring writers, ako na yata ay may pinakamadaming reject na nakuha at ang pinakatamad sa lahat.
Hindi lang iisang beses akong sumuko, nawalan ng pag-asa, nagalit o kinuwestiyon ang kakayahan ko. Ilang buwan akong tumigil sa pagsusulat at tinalikuran ito. Naisip ko din noon, bakit ba ko nagpapakahirap na magpuyat sa gabi at trabahuin ang isang walang kasiguraduhang manuscript gayong maaga pa kinabukasan ang pasok ko? I have my full time day job, you know. Hindi rin biro ang trabaho ko doon kaya hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit pinapahirapan ko ang sarili ko. Kung bakit pinagpipilitan ko ang isang bagay na sa tingin ko naman ay hindi para sakin.
Pero kahit gaano man ako kalungkot, kainis o kaawa-awa sa paningin ko, at the end of the day… it all points out to one obvious thing. Ito ang gusto ko. Ito ang matagal ko ng pangarap at ito ang trabahong willing kong gagawin kahit na walang sweldo – ANG MAGSULAT.
At kahit gaano man kadaming reject ang natanggap ko, kapag nakikita ko naman ang isang text o email ng editor na nagsasabing approved na ang isang manuscript ko, lahat ng iyon [rejected ms] ay nabubura sa isip ko. Lalo na kapag nakita ko na sa net ang salitang PHR release at andoon ang cover ng libro ko? Sus! Sulit na sulit lahat ng puyat, pagod at hirap na dinanas mo. You will never get used to it actually. Parang laging first time mo kapag nakikita mo ang libro mo sa net o sa bookshelves ng mga bookstore. Idagdag mo pa kapag may nakita kang tao na binibili ang gawa mo. Oh ha?! You feel very proud of yourself at sasabihin mong, tama lang talaga na hindi mo sinuko ang pangarap mo.
Bilib ako sa mga kakilala kong nagte-take ng risk na iwan ang full time job para lang sundin ang passion nila sa pagsusulat. Bow na bow talaga ako sa inyo. Pramis! Hindi niyo lang alam. Dahil pinaglalaban niyo talaga kung anong gusto niyo. Alam niyo kung anong gusto niyo talaga sa buhay. Hindi ko pa kayang gawin yan sa ngayon. Although I know that someday, I would have to choose between my full time job and my writing.
Naalala ko bigla iyong huling sinabi ng favorite teacher ko noon sa highschool bago ako lumipat ng ibang school. Sabi niya, “It is not the truck who drives the driver. But rather, it is the driver who drives the truck.” Hindi ko alam kung imbento niya lang iyon dahil hindi ko naman mahanap sa net ang quote na iyon. (Kahit kailan talaga si Sir. :D ) Pero naiintindihan ko kung ano ang gusto niyang sabihin. You choose your own destiny. You choose your own path. And it’s up to you kung tatapusin mo ang byahe mo o ititigil mo na lang yung truck sa tabi ng daan at mag-iisip na lang na, “Ano nga kaya kung nagpatuloy ako no?” Eh heller? Papano mo malalaman kung hindi ka magdadrive papunta doon? Hindi mo mararating iyon kung puro ka na lang pangarap at imagination. Kailangan mo iyong pagtrabahuin. Kahit pa ma-flat ang gulong mo on your way to the top, may asungot man na naki-hitch sa truck mo at makapal ang mukhag ihatid mo siya sa pupuntahan nito kahit out of the way, maubusan ka man ng gasolina sa daan o may malaking puno ng kahoy na natumba sa gitna ng daan, lahat ng iyon magagawan mo ng paraan kung gugustuhin mong makarating talaga sa pakay mo.
Sa ngayon, sa awa ng Diyos, nakakatatlong sunud-sunod na approved ako. Sana naman ay magtuluy-tuloy ano? Kasi ba naman, sa dami na ng rejected MS ko grabe naman kung hindi pa ko natututo diba? Eh lagi namang may comment ang mga editor sa mga rejected MS. Basta lang you’ll learn from your mistakes. Iyon din ang isa mga isipin mo kapag nakakatanggap ka ng isang lumalagapak na “REJECT.” Hindi yun nangyari para patigilan ka sa pag-abot ng pangarap mo, nangyari yun kasi gusto nilang matuto ka at mag-excel ng bonggang-bongga sa gusto mo.
Kaya para sa mga kapwa ko aspiring writers diyan, huwag lang tayong sumuko. Fight lang ng fight! Go lang ng go! Pinasok natin ‘to eh. Ano pa nga bang magagawa natin kundi ang mag-move forward diba? At gaya nga ng kanta ni Donna Cruz, “kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin ito”, sumunod na lang tayo para wala ng gulo. Mahirap kalaban ang puso mga kafatid, i tell you.
Kaya natin 'to. Aja!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
7 umeepal:
wow i love it~ thanks~ at dahil dyan maiinspire ulet ako magsulat sana sana~ hehehe~ i gotta have to do this for myself~ ^^ thanks ng marami miss h :D
ngaun ko lang nalaman na 14 rejects ka na pala and u never stop, while i, had 4 rejects all in all at tila nawalan na ako ng gana~
pero pumapasok parin sa isip ko na gusto ko magsulat at makapagpublish pa someday~ at mafeel yung napifeel mo everytime you see your books published. ibang klaseng feeling yun, i bet ^^
hehehe.. buti naman at nagbunga ang laglag blues ko. hahaha..
ay teka, mali yata tagalog ko. haha... naka-14 ako all in all. 5 aprub, 8 reject at 1 revised. hehe.. mukha lang hindi kasi tinatawanan ko lang at nahihiya akong aminin sa iba. :)
oh ayan! magsulat ka ha? hindi pwedeng sumuko! hahaha
teka, edit ko lang para di nakakalito. hahaha
hello Ms. Maan! napadpad lang po aq rito mula sa FB page niyo. kung di po obvious fan po aq. haha. salamat po sa mga writing tips, pangarap q din po kz magsulat.. kaso puro simula lang nagagawa q at di makatapos kahit isa lang. Nakakaengganyo po ang mga tips niyo. Salamat po para dito, bihira po kz sa mga writers ang nagbibigay ng mga ganyang tips sa mga aspiring na pareho q. Sana po makapagsulat pa po kayo ng maraming maraming novels kahit po limitado ang oras ninyo. Godbless po! :] "CHESSY"
halu cheesy! dito ka pala una nagcomment. hindi ko agad napansin. hahaha... naku, dyan nagsisimula ang lahat. sa pangarap. ganyan din ako dati. puro simula. it took me years bago ako nakatapos ng isang manuscript. :))
and with regards to tips, no problem! happy to be of help. nung nagsisimula din kasi ako, hindi naging madamot ang mga tinakbuhan ko sa mga tips (sina Arielle at Scarlet Rivas) kaya sineshare ko lang ngayon din ngayon ang mga ibinigay nila sakin dati plus mga naexperience ko na. :D
gudlak with your manuscript! let me know kung nakatapos ka na. :D God Bless!
Hi.. Tanong ko lang kung paano mo malalaman kung rejected or for revision ang feedback na ibinigay sa iyo??
Post a Comment
Sige, umeksena ka din. Keme lang naman...