"My Mom Raised Me Well..."


Tunog TV commercial lang ano? Hehe.. Pero totoo talaga yan para sa akin at sa kapatid ko. Because our mom raised us well. Naks! Ang drama ko lang naman!

I was barely six years old when our father died of heart attack. Medyo malabo na sakin ang ibang eksena noon. Ang naaalala ko lang talaga ay iyong eksenang umiiyak sa isang tabi ang Mamang ko habang inaalo ito ng isa sa mga Tita or Tito ko (not sure din) at kampanteng ginagamit ng mga doctor at nurse ang cardiac defibrillator sa natutulog kong Papang. I was not even crying that time. Dahil sa totoo lang, hindi ko alam kung anong nangyayari at kung bakit nandun kami sa hospital at nagkakagulo ang lahat sa paligid ko. And then the next thing I remember, hindi na sa hospital bed nakahiga ang Pudra ko kundi sa isang kabaong na. That was when I realized that my father will never wake up again – ever.


Since then, si mudra na din ang tumayong ama at ina sa amin. Naaalala ko pa noon nang mawalan siya ng trabaho, habang ang ibang singles na dati nyang coworker ay nag-iisip kung saan gigimik o gagamitin ang separation pay nila, si Mudra naman ay abala sa paghahanap ng trabaho kinabukasan. Never kong nakalimutan ang isa mga comment ng former coworker niya: “Naningkamot gid ang byuda!” [Kumakayod talaga ang byuda!]. Hindi ko maalalang nagpahinga siya pagkatapos nun. She was thinking about me, my brother and our daily needs. Kailangan niyang makahanap agad ng trabaho dahil ayaw niya kaming magutom. But of course, hindi ko pa alam ang mga iyon noon.

God must have heard her prayers or maybe my father has been on our sides all the time dahil kaagad na nakahanap ulit si Mudra ng trabaho. But then, hindi pa doon nagtapos ang problema. For a single mother with a minimum salary and has two children, (not to mention na sa amin din nakatira ang lola ko), hindi madali ang lahat. Sa pagkain pa lang, pambayad ng kuryente at tubig at pambayad sa paaralang pinapasukan namin, kulang pa ang sweldo niya. Kaya kinailangan niyang maghanap ng sideline para may maibigay siyang pambaon samin - which is by the way 10 pesos a day. (Yes, tama ang nabasa niyo. Iyan lang ang baon ko noon.) Pagbebenta ng grapes, peanut butter, manicure, pedicure… name it. Lahat na yata ng sideline nagawa na ng ina ko para lang may maibigay lang na baon samin. Kapag naman hindi maganda ang sideline, kinailangan pa nitong mangutang sa iba.

I grew up knowing that my mom is different from my classmates’ mother. Hindi nito kayang umattend ng PTA meeting dahil may trabaho ito kaya Lola ko ang madalas na dumadalo. Hindi niya kami mapaghandaan ng almusal (liban na lang kung day off niya), dahil maaga siyang umaalis for work. Kaya nasanay na akong hindi kumakain ng almusal. Hindi niya kami pwedeng maihatid sa school kaya pinsan ko ang gumagawa nun. Madalas sa hindi, nagigising kaming wala na siya at dumadating kami ng kapatid ko mula sa school na tulog pa siya dahil sa graveyard ang shift niya. Naging Lola’s girl ako dahil halos ang Lola na ang nag-alaga samin noon.

Kung makitid lang siguro ang utak namin ng kapatid ko, baka nasumbatan na namin siya. Lagi kasi siyang wala. But then, sino ba kami para magreklamo? Hindi kami ipinanganak na mayaman. Kailangan pa naming maghintay ng medyo matagal kung gusto namin ng bagong damit. Nakaugalian na naming magsabi ng advance kay Mudra kung may kailangang bayaran sa school. Dahil hindi niya maibibigay ang pera in just a snap of her finger at kailangan pang humanap ng paraan para lang sa “emergency” na iyon. Lumaki kaming nakikita ang paghihirap ng Mudra ko mabigyan lang kami ng maayos na buhay. Tumatak sa isip namin ang lahat ng iyon kaya sino kami para sumbatan siya? Kung mayaman lang sana kami, eh di sana yung pagkukulang niyang iyon ay pinapalitan niya ng pera diba? Wish ko lang! But no, mahirap lang kami kaya burado sa listahan iyan. I guess, me and my brother both understand our situation that time kaya never kaming nagdemand sa kanya. Iyon lang siguro ang sekreto para sa isang masaya at maayos na pamilya – ang intindihin ang isa’t isa. (Parang pamilyado kung magsalita ano? Hehe…) She may be different from other moms, pero katulad din ng ibang ina, wala siyang ibang hinangad kundi ang makita lang kaming maayos. Iyon ang paraan niya para maipakita niya sa amin na mahal niya kami. Different ways but same objective. Ganun lang iyon kasimple.

Mahirap kami, oo. Pero never kaming naghapunan o nananghalian ng lugaw o champorado o magdildil ng asin. No, masyadong madrama na iyon mga fwends. Hindi pa ganun ka-MMK ang buhay naming pamilya. Alam niyo kung bakit? Dahil nagsumikap at naghirap ang Mudra ko huwag lang namin iyong matikman. And I guess lumaki kaming may positive outlook sa buhay kaya sa kabila ng lahat ng paghihirap, hindi ko naisip na pwedeng isa-MMK ang buhay namin. Dahil kung tutuusin, mas marami pa diyang mas madrama ang buhay kaysa sa amin. Marami diyang wala na ngang Tatay, pinapabayaan pa ng Nanay o vice versa. I guess dahil sa ugali din naming iyon kaya madalas ay napagkakamalan kami ng kapatid ko na hindi mahirap. Eh hello? Nakapag-aral lang naman kami ng private schools dahil sa scholarship at never kaming humingi ng awa sa ibang tao. Never din naman kaming nagyabang o nagkunwaring mayaman. I swear! Our friends can testify to that. We always believe that everything will turned out right dahil iyon ang nakikita ko lagi noon sa ina ko. She surpassed all the trials and look at us now?

Wala ako sa posisyon para magyabang ng mga achievements dahil sa totoo lang, wala pa naman talaga akong masasabing achievements. Hehe… Pero looking back to where we were twenty years ago, I’d say may mga nagbago nga. Sabi ni Mudra, madalas daw sabihin ng mga kakilala at kabaranggay namin sa GenSan na maswerte daw siya dahil kami ang anak niya. Pero sa totoo lang? Kami ang maswerte dahil siya ang nanay namin. At kung papipiliin ulit ako ng magiging nanay ko, between her and a rich mother who can give me all I want, dun na ko sa rich mother! Hehehe.. Joke! Siyempre sa kanya pa rin. I will never value the word “hardwork,” “never give up” and “trust” kung hindi dahil sa kanya. At hahanap pa ba ko ng iba kung pwede ko namang makita ang isang Tatay, Bestfriend at Nanay sa katauhan niya?

Kaya for u Mudra, Happy Mother's Day! Alala mo yung kaadikan at asaran natin nung isang araw? Uulitin ko ngayon, huwag ka lang maging pasaway pag matanda ka na kung ayaw mong ihagis kita sa sapa. Ha-ha-ha… i Love you Mamang!

2 umeepal:

Elise Estrella said...

Naiyak naman ako dito! Happy mudras' day sa iyong mamang. Maswerte rin siya at isang tulad mo ang anak niya :)

HartWanders said...

huwag kang mag-alala, dalawa na tayo! medyo pigil lang yung sakin dahil sa sala ko ito ginawa. hahaha... happy mother's day sa mama mo! :D

Post a Comment

Sige, umeksena ka din. Keme lang naman...

 
Copyright © EKSENADORANG MANUNULAT